MARIE
"Good Morning Class! Have a nice Day!" oh, andyan na pala si Ms. Cristina.
Dali-dali kong pinunasan ang luha ko at pilit na pinipigilan ang lungkot. Nakakainis. Bakit hindi namin siya naprotektahan. Sana hindi na lang siya ang naging president.
"So, how many are absents today?" tanong niya at napalingon-lingon kami.
Bakante ang upuan ni Zach. Naiisip ko na nandun parin siya. Pero wala na. Wala na si Zach. Ang napakabait at napakagwapo kong kaibigan.
"Maam, Zach must be excused." Sabi ko at tumaas pa ng kamay.
"Oh, why?" tanong niya at nakapamewang pa.
"Hmm. Sabi po kasi ng parent niya, may sakit daw po." Sabi ko. Bigla namang nagtawanan yung iba. What's with them?
"Parang bata pala si President eh, magulang pa ang nagsasabi. Hahaha!" tawa ni Gabby.
"Oo nga. Dapat hindi siya ang naging president. Wala kasi siyang kwenta." Si Denny.
"Hindi siya karapatdapat. Mayabang pati." Si Belle at nagsigawan pa yung iba.
Tss. Palibhasa sila yung nakalaban ni Zach sa President kaya sobra nalang sila kung makatrash talk sa kanya.
Sana Zach mainitindihan mo sila. Hayaan mo na lang sila. Makikitid kasi ang mga utak nila.
Ayun nga, nagkakaingayan na. Sobra na sila ha. Nakakainis na!
"BOOOOOOYSSS!!!!!!" sigaw ko sa kanila. Yes, ang iingay nga talaga ng mga boys. Daig pa nila ang mga babae. Kaya ayun, tumahimik naman agad sila dahil sa lakas ng pagkakasigaw ko.
"He Doesn't deserved to be treated like that! Hindi niyo alam ang pinagdaanan niya. Kaya Please, tigilan niyo na siya." Sabi ko. Nahuli ko naman yung iba na ang sasama ng tingin sa akin. Wala akong pake! Si Zach yung pinagtatawanan at sinisiraan nila eh. Hindi ako papayag.
"Marie, tama na yan." Bulong ni Isabella sa akin. Tss. Ang bait talaga!
"No Isabella! Nakakainis na ang mga 'to eh." Sabi ko at inilakas ko pa para marinig nila.
Bigla namang tumayo ang mayabang na si Belle. At lumakad pa siya sa gitna ng way.
"Class, Sit Down!" galit na sabi ni Maam pero hindi parin umupo si Belle at patuloy parin sa paglakad. Nang makarating siya sa unahan ay nagulat kami ng bigla siyang bumagsak.
"Belle!" nagpapanic na sigaw ng mga kaklase ko.
"Tulungan niyo siya." Sigaw ni Bianca. Pero bigla na lang naman siyang tumayo at ngumiti. Walang hiya ang babaeng 'to.
"Kita mo naman Marie, mas maraming nagmamahal kaysa sa akin. Mas magaling ako sa'yo. Mas mayaman at mas Sikat. Kaya pwede ba, tigilan mo yang kayabangan mo. Nakakairita, hindi bagay sa katulad mong Baduy!" nainsulto naman ako sa sinabi niya.
"Ms. Orosco, can you please calm down?" sabi ni Ms. Cristina sa kanya.
"No! Maam, ito na ang oras para maghiganti sa Malditang babaeng ito." Sabi niya at tinuro ako.
"Ano bang problema mo Belle?" tanong ko sa kanya. Pero nagulat ako sa naging sagot niya.
Isang malaptik-laptik na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. Ano ba kasing problema niya saken?
Agad akong napahawak sa mukha ko. Mamula-mula na ang pisingi ko kaya hinipo ko iyon at gumanti ng sampal sa kanya.
"How dare you?!" sabi niya at biniglang kinuha ang buhok ko at sinabunutan. Ginantihan ko rin siya ng sabunot ko pero mas magaling parin siya.
"Ms. Orosco and Ms. Calay, go to Principal's Office. Now!" sigaw ni Ms. Cristina at itinaboy kami papalabas. Dali-dali naman siyang pumunta dun at kasunod lang niya ako.
***
ISABELLA
Hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina. Ano kayang pumasok sa utak ni Marie at nagawa pa niyang patulan si Belle?
Ayun, nasa Principal's Office sila ngayon at paniguradong pinagagalitan. Ako naman ay nakatingin sa bakanteng upuan ni Donna at Dina. Asan kaya sila? Absent?
"Ayokong-ayoko nang may nag-aaway sa klase ko. Is that clear?" sabi niya at dinismiss na kami.
Agad naman akong lumapit kay Jossele at Bianca. Nagkukutinting lang sila ng phone nila nang magtanong ako.
"Alam niyo ba kung bakit absent si Zach?"
"Hindi ko alam Isabella eh." Sagot ni Jossele.
"Ganun?" sabi ko at napatitig sa pinto.
***
Nagpunta na agad ako ng library pagkalabas ko dahil break time na rin naman. Nagbasa ako ng mga ibang books at tumambay na lang dito dahil may aircon at talaga namang napakalamig.
Napayuko ako at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
"ISABELLA!!" gising sa akin ng kung sino man. Agad kong iniangat ang ulo ko at nagulat nang makita ko si Robert.
"Nakatulog ka na dito. Tara may klase na tayo maya-maya." Aya niya sa akin at sumama naman kaagad ako.
Nang makabalik ako nang room ay nagulat ako nang madulas ako sa bahang dugo. Napasigaw naman ako.
"AHHHH!" sabi ko pero nang maimulat ko ang mata ko, wala namang dugo ang nasa silid.
Kung ano-ano na ang nakikita ko. Ano na bang nangyayare sa akin?
Lumapit na lang ako kay Marie para makipagkwentuhan. Pero parang wala siya sa mood kaya pinaalis niya agad ako. Ano kayang problema niya?
Bumalik ako sa table ko pero may nakita akong isang papel na nasa ibabaw ng table ko.
Binuklat ko iyon pero nagulat ako nang makita ko ang pangalan ni Zach. Sinulat gamit ang dugo.
***
MARIE
Uwian na nang bumalik ang mood ko ngayong araw. Nakakainis naman kasi yang Belle na yan eh, napakawar freak masyado.
Anyway, magkakasama kaming anim ngayon papunta kila Zach. Hindi pa nila alam na patay na si Zach pero hahayaan ko na lang na magulat sila. Nakakalungkot man kapag naiisip yung dati naming samahan.
Nang makarating na kami sa tapat, agad silang natulala nang makita ang mga bulaklak at ilan pang mga gamit ng Funeral. Nashock na nga sila.
Agad kaming bumaba at mabilis silang pumasok sa loob para icheck ang patay.
Sumunod na din naman ako at nagulat muli nang makita ang itsura ni Zach sa kabaong. Sunog ang buong katawan na halos hindi na makita.
Hindi na naming napigilang umiyak. Wala na kasi yung Zach na naging ultimate crush at best friend ko eh. Ang lungkot naman kasi ng buhay namin eh. Puro na lang bitterness ang nangyayari.
***
Mugto na ang mata namin at wala parin nag-uusap. Pauwi na kami sa sari-sariling bahay. Tulala parin sila habang ako ay wala ng mailuha pa.
Para basagin ang katahimikan, binuksan ko ang radyo para hindi naman masyadong tahimik.
"Isang student ng Walybec Academy, patay kaninang madaling araw Habang ang isa pa nitong kaklase ay patuloy paring hinahanap." Sabi sa Radyo.
Ano? Galing sa School namin? Wag mong sabihing..
"Nagngangalang Dina Asi ang napatay at Donna Hyun naman ang patuloy paring hinahanap." Dagdag ng Radyo.
Wala na. Unti-unti na kaming nalagas. Ngayon naman si Donna at Dina. Hanggang kailan ba matatapos ang kaguluhang ito? Hanggang kailan ba titigil ang Killer na yun?
Bigla naman kaming napatigil dahil sa traffic. Katulad kanina, tahimik pa din.
Pero may nakita akong isang lugar. Isang hospital.
AIDA COSME's HOSPITAL.....
BINABASA MO ANG
Revealing the Secret of Section 5 (Completed)
رعبOne section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror