MARIEPaulit-ulit kong narinig sa isipan ang mga sinabi ni Damian. Papaanong patay na si Rose?
Isa pa 'tong si Damian na palaging mali ang timing. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya dahil kung joke lang ang sinabi niya, napakagaling niyang umarte—very convincing.
"Damian, nagjojoke ka na naman ba? Naku, sinasabi ko sa'yo, maling-mali ang magbiro nang ganyan!" naiiritang sabi naman ni Fenny.
"First day na first day naman, oh. At isa pa, ang bata pa niya para mamatay kaya pwede ba, Damian? Tigilan mo na ang kahihithit!" sabat naman ni Jane.
"T-Totoo ang sinasabi k-ko," nauutal namang sagot ng hindi maipinta ang mukha na si Damian.
Somehow, pakiramdam ko ay nagsasabi ng totoo si Damian. Hindi ko magawang balewalain ang anunsyo niya pero baka naman kasi tinatakot niya lang din kami, or nangtitrip lang din siya gaya ng madalas niyang ginagawa.
"Paano naman kami maniniwala sa'yo? Eh ilang beses mo na nga kami pinaprank," may pagdududang sambit ko.
Oras lang talaga na malaman ko na nagbibiro siya, matutulad talaga siya sa mga naparusahan ko.
Sa kabilang banda, parang naniniwala akong nagsasabi ng totoo si Damian dahil hindi ko pa rin nakikitang pumasok si Rose. Wala pa kasi sa kalahati ng klase ang nakikitang naririto ngayon, since maaga pa naman.
"Sumunod kayo sa'kin. Tara, Dennis!"
Sumunod na lang kami kasama si Dennis, ang President namin last year. Marahil ay siya pa rin ngayon dahil palagi namang siya ang ibinoboto namin.
Bakas pa rin sa mukha namin ang kaba. Wala akong ideya kung saan kami dadalhin ni Damian ngunit habang humahakbang ay kung ano-ano nang naglalaro sa isipan ko. Umaasa pa rin ako na sana nagbibiro lang talaga siya.
Sumalubong sa amin ang napakaraming students at teachers na naririto sa may restroom sa 2nd floor.
Nabaling ang tingin ko sa sahig. Hindi kasi namin makita nang maayos ang mga pangyayari dahil sa mga nagsisikang mga chismosang students dito. Teka, dugo ba yun?
"Sabi ko sa inyo 'di ba? Wala na si Rose!" nanlulumong anunsyo muli ni Damian.
Kahit hindi pa namin lubog nakikita kung sino man ang pinagkakaguluhan sa restroom, kutob ko na si Rose nga talaga 'yon. Wala naman sigurong dahilan si Damian para magsinungaling.
"Classmates niya kayo, hindi ba?" Lumapit sa amin ang isang student.
He's a tall and moreno guy. Sa pagkakaalam ko ay isa rin siyang Fourth year from other section.
"Siya kasi si Rose Ilian, Fourth year student ng Section 4-A. Napansin ko na mga 4-A kayo eh." Bakas sa boses niya ang lungkot.
Nag-iyakan na ang mga kaklase ko na naririto sa likod ko. Sobrang close namin kay Rose kaya hindi namin matanggap ang pagkamatay niya. Kahit ako'y nararamdaman ko rin ang luhang pumapatak galing sa mga mata ko.
"A-Ano ba ang raw kinamatay niya?" lakas-loob na tanong ni Robert.
"Uhm, ang sabi sinaksak daw 'yung pulso niya sa kamay bago sinaksak rin nang limang beses 'yung tiyan at dibdib niya," nanlulumong paliwanag ng lalaki.
Napakabrutal pala ng nangyari kay Rose. Akala talaga namin nagbibiro lang si Damian.
Kung kamamatay lang ni Rose nung inanunsyo ito sa amin ni Damian, posible kayang . . . may kinalaman siya rito?
***
DAMIAN
Inilagay ko ang bag ko sa upuan ko pagkarating ko ng Classroom. Nakita kong nandito na rin pala sina Marie, Zach, Ravie, Robert, Isabella at ang iba pa naming kaklase.
BINABASA MO ANG
Revealing the Secret of Section 5 (Completed)
HorrorOne section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror