ISABELLA
3 days na kaming ganito. Tahimik, walang gustong mag-usap kahit kasisimula pa lang ng school year namin.
Wala pa rin kaming teacher dahil nga wala pang gustong pumalit kay Ms. Samantha. Siguro kasi, natatakot sila na baka isunod sila sa pagkamatay ng dalawang malapit sa section namin.
"Bakit ba ang tahimik? Gusto niyo magpatawa ako ngayon?" obviously si Damian. Siya lang naman ang mahilig magpatawa samin lalo na kapag may problema o lungkot kaming nararamdaman.
"Duh! Damian, mag mature ka na nga! Joke na naman yang nasa isip mo!" iritang sabi ni Marie. Naku! Si Marie talaga, sa lahat ng bagay kontra.
"Anong sabi ng Sipon sa kulangot?" pagjojoke niya. Sipon sa kulangot? Anong joke na naman yan?
"What?" maarteng tanong ng conyo na si Fenny. Well, nabubuhay na naman kami sa section na ito na puno ng kaartehan.
"Manigas ka!" sagot ni Damian. Napangiti lang naman yung iba pero karamihan ay hindi natawa at parang nakornihan lang. O di kaya siguro may mas malalim pa silang iniisip
"HUHUHUHU!!" napatingin kami sa humagulgul na si Jane. Anong problema niya? Bakit bigla-bigla na lang siyang umiiyak? Mysterious girl nga naman.
Nakita kong lumapit sa kanya si Damian. Alam ko na ang gagawin niya. Patatahanin niya lang si Jane pagkatapos mag jojoke siya.
"Jane kung ano man yung problema mo, okay lang 'yan, malalagpasan mo 'yan!" sabi ni Damian. Kita ko naman sa mukha ni Jane mukhang family problem ang meron siya ngayon. Kawawa naman si Jane.
"Alam mo Jane, ang ganda mo, kaso kapag umiiyak ka nagmumukha kang matanda!" pang-aasar ni Damian. Pinapakalma lang naman niya si Jane eh.
"Thanks ah!" sabi ni Jane at nagpunas ng mga luha niya. Kita ko naman sa mukha niya ang ngiti. Ang galing talaga ni Damian kahit kailan. Basta sa pagpapasaya ng mga nasa paligid niya ang galing niya. Hindi ko nga alam kung may pinoproblema din ba siya eh.
*RING!!!*
Sakto! Bell na, nagugutom na rin naman ako. Sabay-sabay lang naman kami ulit nila Marie eh. Ok lang naman akong sumabay sa kanya. Medyo tinuturing narin naman niya akong kaibigan kahit noon ko pa siya kakilala.
"Guys! Let's go na sa Canteen. I'm sure gutom na kayo!" maarteng sabi ng kaibigan ni Marie na si Bianca.
Nakita namin si Damian. Mag-isa siyang lumabas ng room. Parang may lungkot na nararamdaman siya ngayon. Ewan ko pero parang may bumabagabag sa kanya. Kung ano man 'yun, sana malampasan niya rin.
"Hoy Damian, sumabay ka na samin ngayon. Parang ang lungkot mo eh!" sabi ni Ravie sa kanya. Napangiti naman si Damian at sumagot.
"Hindi na. May kailangan pa akong gawin e." Sabi niya atsaka ngumiti na parang may tinatago. Papalabas na sana kami ng may nakabungguan si Marie sa paglalakad.
"Walangya ka talaga nerd!!" pagsigaw ni Marie kay Chelle. Kaawa naman siya, lagi na lang sinisigawan ni Marie.
"S-sorry po Ms. Calay." Nakayukong sabi niya. Naku! Patay ka ngayon.
"Sorry mo Mukha mo! Ibili mo ako ng softdrinks. Sa 3rd floor, Now na!" utos niya at umalis naman agad si Chelle. Nakakaawa talaga siya. Bakit ba kasi hindi niya magawang lumaban? Bakit ba palagi niya na lang sinasabi na ang kabutihan ay laging nandyan. Anghel ba siya?
***
DAMIAN
BINABASA MO ANG
Revealing the Secret of Section 5 (Completed)
TerrorOne section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror