Revealing the Secret of Section 5 :
Epilouge
——————————
Isabella's POV10 years had passsed...
"You may now kiss the bride!" pagkatapos ay tinaas na niya ang belo ko at dumampi na rin sa wakas ang kanyang labi sa akin.
"I love you Ravie!" bulong ko pagkatapos ay ngumiti siya bago sumagot.
"I love you too," sabi niya pagkatapos ay nagpalakpakan na ang mga taong nandito sa simbahan.
"Mabuhay ang bagong kasal!"
***
Matagal-tagal na panahon na din ang nakalilipas mula nung makagraduate kaming dalawa ng 4th year high school. Wala eh, sadyang nakakalungkot nung mga panahong iyon. Sa tuwing babalikan namin ang mga nangyari ay talaga namang hindi ko lubos akalaing, nangyari pala 'yun sa amin.
"Mare, ito na 'yung regalo ko sa inyo ni Ravie. Pasensya ka na't nahuli na at hindi ako naka-attend ng kasal niyo ha. Busy kasi ako nitong mga nakaraang araw eh," bungad sa akin ng babaeng nasa harap namin dito sa loob ng bahay.
"Ano ka ba naman? Okay lang 'yun no? Salamat dito sa Regalo. Halika't maupo ka muna at ipaghahanda kita ng pagkain!" aya ko sa kanya. Ngumiti naman ito sabay nagsalita.
"Ah sige! Gusto ko 'yan. Gutom na rin naman ako e," sabi nito sabay tumawa.
"Manang! Ipaghanda mo naman ng makakain si Ma'am Dayan o. Please!" sigaw ko kay Manang Libia at agad naman akong sinunod nito. Ilan taon na kasi siyang nagsisilbi sa akin mula noong ako ay makapagtapos ng kursong guro. Sa ngayon ay hindi ko pa nalalaman ang resulta ng board exam pero sana ay makapasa na ako.
"Chelle, Magkwento ka naman sa trabaho mo!" Suggest ko kay Richelle at ngumiti ito.
"Hay! Nakakapagod nga eh. Kakatapos lang kasi ng seminar namin sa Singapore last Thursday. Tapos eto, kauuwi ko lang galing Ilocos. Sobrang nakakahaggard!" Sabi niya at umarte ito na parang isang dalaga. Well, dalaga pa naman talaga siya dahil hinihintay niya pa ang tamang oras para magpakasal. Char!
"Ah ganun ba? Nakakapagod naman pala ang karanasan mo," sabi ko sa kanya at ngumiti. Dumating na din si Manang at inilapag ang mga pagkain sa maliit na lamesang nasa harap namin sa sofa.
"Kain na po kayo!" sabi niya at ngumiti bago bumalik ng kusina.
Nabuhay si Richelle dahil naagapan ang pagdala sa kanya sa ospital noong kami ay High school. Ayun yung time na hindi ko na siya napagkatiwalaan kaya't napagdesisyunan ko na patayin siya. Pero swerte parin siya at nakaligtas. Nagkapatawaran na din naman kami at ngayon ay masayang nagtuturingan bilang magkumare.
Buwan-buwan naming dinadalaw ang mga kaklase naming namatay na. Alam kong pinagsisisihan na ni Richelle ang kanyang mga nagawa noon. Kinalimutan na namin ang nakaraan sapagkat para sa akin, hindi na iyon mahalaga pa para sa kasaluhuyan at para sa hinaharap.
Nagulat na lamang ako nang biglang tumawag si Yaya na nasa may pintuan.
"May naghahanap po sa inyo, Ma'am Isabella!" sabi ni yaya. Tumango ako bago lumapit sa pintuan upang tingnan kung sino ang bisita. At talagang ikinasindak ko ang nakita ko sa may pintuan.
Hindi ko alakalain na sa kabila ng mga pinagdaanan ko-namin ng section 5 noon, ay makakaharap ko pa pala muli ang isang babaeng kaawa-awa dahil sa kanyang lagay. Hindi ko alam ang nangyari sa kanya pero nakaramdam ako ng sobrang pagkahabag sa kanya.
"Marie?"
************
A/N: Whooo! Akala ko hindi ko na talaga magagawan ng epilouge ito sa wattpad e. Hay!
Again, thank you sa mga nagsuporta nito dito sa wattpad. Kahit na pinagtyagaan ko lang ito at pampalipas oras ko lang, sinubaybayan niyo parin.
BINABASA MO ANG
Revealing the Secret of Section 5 (Completed)
HorrorOne section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror