Reveal 17 :
Shocking Moments
——————————
Third Person's POVWala ng ibang naglakas-loob na magtanung pa maliban na lamang kay Yamie na kanilang vice president at siya lamang ang matapang na tumayo sa gitna at nagtanong sa guro.
"Meron pa akong katanungan Samantha, Patay ka na diba? Kung ganon, sino ang pumatay sa'yo? Ang killer ba? Pwes, Sino ang Killer MA'AM??!" walang galang niyang pagtatanong sa guro dahilan ng pagkasimangot nito. Ngumiti lamang ang guro at nagsimulang magsalita.
"Kung sino man siya, malapit niyo na siyang makilala at magbabalik na muli ang kanyang madugong plano." Sabi niya habang nakatingin sa kawalan. Nanatiling magulo ang isipan ng mga estudyante dahil ang akala nila ay sasabihin na ng guro kung sino ba talaga ang pumapatay.
"Okay, ngayon naman ay pupunta na tayo sa 2nd revelation for tonight! At kung ano ito, intindihin niyo ang nasa screen at isipin kung ano ang mga word na tinutukoy ng mga jumbled letters." Sabi niya at umupo sa isang upuan habang pinanuod din ang nasa screen.
-----------------
Ej ssiu ne ive
-----------------Pagkatapos ay biglang nawala ang nasa screen at muling nagsalita ang guro.
"Did you get it?" masiglang tanong ng guro ngunit wala ni isa ang sumagot. Hindi nila ito naintindihan dahil parang wala naman itong meaning sa english.
"Well, malalaman niyo na din kung ano yang word na yan at kung ano ang meaning niyan sa pagdating ng last Revelation maya-maya. Pero bago yan, narito ang isang live scene na hindi niyo dapat palagpasin." Sabi niya at muling nabuhay ang screen at kitang-kita dito ang live na video ni Marie sa loob ng isang madilim na abandoned building.
***
Marie's POV
"Talunan ka kase Rose! Talunan ka at wala kang direksyon sa buhay! Oo nga friendly ka, pero iba din naman ang ugali mo!" sigaw ko sa kanya. Ilang segundo ang nakalipas at hindi siya nakasagot dahil sa panlalait ko. Pero nagulat ako ng bigla siyang ngumiti na ikinatindig ng balahibo ko.
"Tama ka Marie, talunan ako at walang direksyon sa buhay! Pero NOON yon Marie! Ngayon patay na ako at muling nabuhay para pabagsakin ka dahil isa ka sa inggiterang babae sa section natin noon pa man. Pero ok lang, kung mabigo man ako ngayon na tapusin ka, hindi ka na naman makakatakas sa multo ng nakaraan!" sabi niya at tumawa ng malakas. Bigla na lang niya akong pinagsasampal ng kalakas-lakas at sinabunutan na halos malagas ang buhok ko dahil sa sobrang pagkapit niya dito.
"Papatayin kita Rose!" sigaw ko pero hindi ako makakuha ng tyempo para makaganti. Ngunit nagawa ko siyang itulak dahilan para makalabas ako sa loob ng madilim na kwarto at umakyat sa nakita kong hagdan. Kahit madilim, sinubukan kong maghanap ng maaring mataguan sa second floor ng abandonadong building na ito. Pero may naaninag akong isang kulay puti sa dulo ng hallway. Pero binalewala ko yun at pumasok ako sa isang pinto na hindi ko alam kung anong meron sa loob. Nang makapasok ako, nakita kong isa pala itong cr. at muli ko na namang narinig ang boses niya na hinahanap ako.
"Nagtatago ka na naman? HAHAHAHA! Duwag ka pala talaga Marie!" sabi niya pero nanahimik lang ako sa loob. Narinig kong isa-isa niyang binubuksan ang pinto ng mga kwarto para hanapin ako. Kaya't agad akong nag-isip ng paraan. Mabuti na lang at may nakita akong isang kutsilyo na may dugo pero pinagtyagaan ko na ito bilang proteksyon laban sa kanya.
Naramdaman kong dito na ang pintong bubuksan niya kaya't humanda na ako para salubungin siya. Pagkabukas na pagkabukas niya ay agad ko siyang sinaksak ng kutsilyo sa kaliwang dibdib niya. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tumakbo na ako palabas. Hanggang sa narating ko ang gate ng Walybecc Academy. Ang aking pinakamamahal na school.
BINABASA MO ANG
Revealing the Secret of Section 5 (Completed)
TerrorOne section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror