Reveal 19 :
Join Forces
——————————
Third Person's POVKinabukasan, agad bumangon sa kanyang hinihigaan si Richelle. Pinagpaplanuhan niyang mabuti ang kanyang maitim na balak at sinisiguro niyang magtatagumpay siya sa kanyang plano na ubusin ang buong section 5 dahil sa isang dahilan.
Agad siyang nagpunta sa kanyang secret room sa loob ng campus. Dala-dala niya ang kanyang pocket knife bilang armas, ang maskara upang hindi siya makilala, at ang kanyang salamin para sa kilanlan na siya ay isang nerd lamang.
"Humanda ka na Justine!" bulong niya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang litrato nito at hinihimas-himas. Inilabas niya ang kanyang armas at hinasa-hasa niya ito sa kanyang braso. Bigla na lamang itong tumawa ng malakas na parang isang demonyo.
"Malapit na ang katapusan niyo section 5!" dagdag pa nito.
Sa Dorm A naman, mahimbing ang tulog ng mga magkakaklase kahit na umaga na. Naunang nagising si Justine kaya't agad siyang lumabas para pagmasdan ang umaga. Pero nagulat na lang siya nang may biglang dumakip sa kanya. Nawalan siya ng malay dahil sa pampatulog na nakaispray sa panyo ng kumidnap sa kanya.
Dinala siya nito sa isang building at humanap ng pinakamataas na lugar. Matapos ay itinali ang kanyang dalawang kamay sa taas ng poste.
Nang magising ang mga nasa Dorm B, agad silang nagsiunat. Napatingin naman si Zach sa kama ni Chelle at nanlaki ang mata nito nang makita niyang wala doon ang dalaga. Agad itong kinabahan at nagsimulang isara lahat ng bintana at pinto sa loob ng kanilang Dorm. Nagtaka naman ang kanyang mga kasama sa ginawa ni Zach.
"Bakit mo isinara ang mga pinto?" tanong ni Marie sa kanya. Kaya naman tinipon niya lahat ng kanyang kasama sa Dormitory sa isang lugar.
"Makinig kayo saken, mag-ingat na kayo sa mga susunod na mangyayari. May posibilidad na isa sa'tin ang kanyang isunod at patayin na niya tayo ng bigla-bigla." Paliwanag nito sa kanyang mga kaklase. Naguluhan naman ang lahat sa kanyang sinabi dahil wala parin silang kaalam-alam kung sino nga ba talaga ang pumapatay.
Napabuntong hininga muna ito bago nagsalita.
"Kilala ko na kung sino ang killer. At kasama natin siya dito sa Dorm na ito." Sabi niya kaya't agad naglayo sa isa't-isa ang mga magkaklase. Napailing si Zach dahil sa ipinakita ng mga ito.
"Ugh! Pakinggan niyo nga muna ako, kasi ang killer ay si R-----" naputol ang kanyang sasabihin nang biglang may narinig sila sa kanilang Dorm na nagsasalita sa speaker. Nataranta ang lahat sa kanilang narinig.
"Kamusta kayo mga Students ng Walybecc Academy? Ngayon, lahat kayo ay sumali sa aking laro. Pati kayo lower years ay makisali na din." Sabi ng babae sa speaker. Hindi na natuloy ni Zach ang kanyang anunsyo dahil sa narinig na naman niya ang boses ng killer na halatang may papatayin na naman siya.
"Ganito lang ang mechanics. Kailangan niyong masagot ang aking katanungan ng tama. Kung hindi, mamatay ang top 2 ng aming section, section 5 4-A!" masiglang sabi sa speaker kaya't kinabahan na naman ang buong section 5. Agad nagbilang si Robert ng kanyang mga kaklase sa kanilang Dorm at napansin niya na wala nga si Justine, ang top 2 sa kanilang section.
"Here's the question: Who is the 1st honor of the section 5 - Faith of Batch 2010?" tanong niya. Tila walang makakasagot ng kanyang katanungan dahil matagal na panahon na naman ang nakalipas. Maging sa kanyang mga kaklase ay wala na ding makaalala kung sino ang sagot sa katanungan ng nasa likod ng speaker.
"Times up! So, say goodbye to our present second honor, Justine Enriquez." Sabi niya at biglang napaiyak ang mga nasa Dorm A. Napaupo at napaluhod naman ang mga nasa Dorm B at hindi na alam ang kanilang gagawin. Agad silang lumabas ng kanilang Dorm at kitang-kita nila ang nakabitin na katawan ni Justine at ito ay nagmamakaawa. Nakasabit siya sa isang poste na nakatayo sa ground at ang nasa ilalim nito ay ang mga pakong nakaabang sa kanya na nakabaliktad.
BINABASA MO ANG
Revealing the Secret of Section 5 (Completed)
HorrorOne section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror