Extra Chapter :
Richelle's Side
——————————
Third Person's POVNaluluha, naiiyak. Hindi na maintindihan kung ano ang kanyang mararamdaman sa kanyang nakikita. Nagsisisi na siya sa kapabayaang nagawa niya. Akala niya ay naging maayos na ang lahat. Pero mali pala. Hindi niya pala kinaya nang makita niya iyon.
Agad siyang tumakbo. Nagulat siya nang makita niya iyon. Dun pala siya nakatago. Kaya pala siya nawala. Marahil hindi na niya iniisip pa ito noon na makikita niya pa muli ang kanyang kakambal, pero dadating din pala ang oras na matagal na niyang hinihintay.
***
Richelle's POV
Nagising ako dahil sa panaginip na nakapagpatindig ng balahibo ko.
Hindi ko rin maintindihan kung ano ba ang meaning nun, pero sana, wala akong kinalaman dun o ano man.
Bumangon ako at naghilamos. First day of school na kasi. Kaya dumiretso na ako ng banyo at nagsimulang maglinis.
Pagkalabas ko ay nagulat ako sa nakita ko. Napasabi tuloy ako ng....
"Eto Nga!!"
Nakita ko ang litrato namin ng kakambal ko na si Rachelle. Sobrang namimiss ko na siya. Sana lang, bumalik pa 'yung dati. Kaso wala na. Matagal na siyang wala. Nakakainis lang dahil ang mga pumatay sa kanya, ay ang mga walang kwentang magkakaibigan mula sa dati niyang school at maging school ko na rin ngayon. Ang Walybecc Academy.
Kitang-kita ko kung paano siya pinatay, nang limang taong may kasalanan at hinding-hindi ko mapapatawad.
*Flashback*
Kakatapos lang naming maglaro ng taguan. Buti na lang, hindi ako naging taya. Hay! Ang saya talagang maging bata.
Sinundo na ako ng service at binalak ng ihatid sa bahay. Pero nakita ko ang kakambal ko nang mapadaan kami sa school na pinapasukan niya ngayon. Nakita ko siyang nakaluhod sa isang babaeng parang kasing tanda lang din niya. Siguro mga 12 years old na siya at halata sa mukha niya na masungit siya.
"Manong, bababa po muna ako dito. Nandito naman si Ate Rachelle e, nandito yung kakambal ko at sigurado naman akong okay lang ako kapag kasama ko siya. Pakisabi nalang po kina Mommy na nandito ako sa Walybecc Academy," sabi ko sa driver namin at buti na lang ay pinayagan niya ako. Basta daw e 'wag akong malikot dito.
Pumunta ako sa play ground kung saan nandoon si ate habang hawak ang dalawang bewang nang babaeng kaklase niya yata habang nakaluhod at parang nagmamakaawa. Nagtago ako sa likod ng isang puno at palihim kong pinakinggan ang mga sinasabi niya.
"Marie, parang awa mo na! 'Wag mo akong ipapatay! Please!" pagmamakaawa niya. Marie pala ang pangalan niya. Nakita kong inirapan niya si ate habang patuloy paring nagmamakaawa. Pero tama ba ang rinig ko? Ipapatay niya si ate?
"Tulungan niyo ko! Ayoko pang mamatay. Parang awa niyo na!!" sabi ni Rachelle nang dumating ang apat pang kaklase niya at humingi ng tulong doon.
"Palibhasa mayaman ka. Kaya mong ipagawa sa kahit sino ang gusto mo. At hindi ako sumunod kay Marie, kusa kitang papatayin," dinig kong sabi nung isa pang babae. Naawa na talaga ako kay ate. Ayokong mangyari ang naririnig ko. Ayokong mamatay siya. Hindi pwede.
"Please Zach. Alam kong kaya mo kong tulungan. Wag mo silang hayaan. Magkakaibigan tayo diba?" sabi ni ate Rachelle habang niyuyugyog ang kaklase niyang, Zach yata ang pangalan.
"Tumigil kana Rachelle! Ayaw na namin sa'yo! Marapat lang na mamatay ka dahil ang ama ng ugali mo!" sigaw nung Marie sa kanya pagkatapos ay hinigit siya palayo nung lima. Sinundan ko parin sila hanggang sa nakarating kami sa likod ng school. At doon ay may nakita akong parang gubat.
Naglakad pa sila papunta sa gubat na iyon. Nang tumigil sila, napalunok ako nang makita kong, isang malalim na bangin ang katapat nila. Kinabahan agad ako sa maaring mangyari. Lalapit na sana ako nang biglang..
Huli na ang lahat. Wala na, tinulak na nila si ate Rachelle sa bangin. Matapos nilang gawin 'yun ay umalis na sila at lumayo. Kaya kinuha ko na ang pagkakataon para lapitan ang bangin. Pero masyadong mataas. Kitang-kita ko ang duguan niyang katawan at alam kong, wala na nga talaga siya.
Bumuhos ang mga luha ko at napatigil agad iyon nang may marinig akong kaluskos. Agad akong tumakbo papalabas ng gubat. Mag-isa akong lumabas ng school at umuwi ng balisa.
Simula noon, gumawa na ako ng mga plano. Hindi ko hahayaan na hindi makuha ang hustisya. Maghihiganti ako.
*End of Flashback*
Papatayin ko silang lahat. Wala akong ititira. Papahirapan ko ang limang iyon para maramdaman nila ang hirap, sakit at ang pagdudusa.
Nang makapasok ako sa eskwelahang iyon, nagsimula na akong kilalanin ang bawat isa sa kanila. Nagpanggap ako bilang isang nerd, baduy at mukhang manang. Hindi ko ipinakita sa kanila ang kakayahan ko. Hindi ko pinaalam sa kanila ang koneksyon ko kay Rachelle.
Hanggang sa nakilala ko na si Marie. Pinahirapan niya ako ng todo-todo. Laging ganoon ang dinadanas ko sa kanya at sobra akong nahirapan. Kaya lalong namuo ang galit ko sa kanila, lalo na sa babaeng iyon.
"Ngayon, Pulutin mo lahat ng papel na yan at itapon mo sa basurahan sa 1st floor nang hindi gumagamit ng eskelator o hagdan, bahala kang gumawa ng paraan kunbg paano bababa. Pag hindi ka sumunod, alam ko yun dahil marami akong mata dyan sa paligid!" sa pagkakatong iyon, hindi ko akalain na mapapangiti pala ako kahit na alam kong mahirap ang pinapagawa niya.
Tumalikod ako at ngumiti ng malapad. Ito na nag simula ng pagdurusa. Gumamit ako ng isang lubid para makababa. At tinapon ang mga papel na pesteng pinagbabato sa akin. Pero hindi ko akalain na magiging curious pala ako sa isang papel na kapansin-pansin ang itsura. Binuklat ko iyon at hindi ko akalaing, makakatulong pala iyon lalo sa akin.
Ang papel na iyon ay naglalaman ng mga sikreto. At alam kong malaking tulong ang mga sikretong iyon para isa-isa ko silang mapatay.
Sunod-sunod na patayan. Yan ang ginawa kong misyon at katuwaan ngayong taon. Para naman may thrill 'tong buhay ko.
Nang malaman kong binubuhay pala ng isang pesteng walanghiya ang mga namatay na pinatay ko, pinuntahan ko ang secret base niya. Doon ko nakita ang mga bangkay ng dalawa kong mahal sa buhay, ang aking ina at ang aking kakambal.
Nagulat ako nang magparamdam siya sa akin. Gumamit pa siya ng isang katawan sa mga kaklase ko at tinulungan akong gawin ang trabaho ko.
Hindi ko akalain, na sa huli, lalambot pala ang puso ko para kay Marie at Zach nang papatayin ko na dapat sila. Pinakawalan ko na lang sila at hindi ko alam kung saan napadpad nung gabing dapat ay papatayin na namin silang lima.
At sa huli, natahamik na rin ang kaluluwa ni ate dahil nagawa ko na ang dapat kong gawin. Narealize ko kase, na hindi ko pala kailanganing pumatay. Pero masaya naman ako sa buhay ko ngayon. Naging magkumare na kami ni Isabella. At hindi ko akalaing, makikita ko pa pala muli ang isang babae-Si Marie.
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
A/N: Summarize lang 'to.
Plug ko lang po sana 'yung isa kong story. The same lang siya dito pero mas nakakasindak 'yon. Hindi po siya side story, sequel, prequel o kung ano mang quel-quel na 'yan. Hahaha! Sinadya ko lang po talaga na gamitin yung pangalan nitong school dito at si Isabella bilang teacher nila doon.
Fifth Section po ang title. I'm sure na magugustuhan niyo siya.
BINABASA MO ANG
Revealing the Secret of Section 5 (Completed)
HorrorOne section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror