ISABELLA
3 weeks had passed. Ganun pa rin ang section namin. Laging malungkot, tahimik, walang nagjojoke dahil wala na nga si Damian. Hindi parin kami maka-move-on sa nangyari. Sana wala ng sumunod. Hindi ko nga alam pero parang may sumpa ang section namin ngayong taon.
"Isabella, ano ba?! Sinabi ng ayusin mo 'to!" pagtataray sa'kin ni Marie. Naku naman!
"Ah sige." Sabi ko at kinuha ang kanyang phone para ayusin yung settings niya.
Speaking of phone, bigla lang pumasok sa isip ko yung sinabi sa'min ni Dennis 2 weeks ago, na may nakakuha daw ng phone ni Damian. Sino nga ba siya at bakit nakalimutan na namin yun?
"Eto oh," Sabi ko at binigay ko yung phone kay Marie pagkatapos kong ayusin. Hinablot naman niya yun agad.
"Guys, come here nga." Sabi ni Marie sa mga kaibigan namin at lumapit naman sila sa kanya. Nagtipon-tipon kami sa may harap niya. Baka may sasabihin lang siya.
"Remember, nung pumasok tayo sa abandoned building, nakakita tayo ng isang bangkay sa isang room?" bulong niya samin. Oo nga 'no? Yung nakita naming bangkay ng dating principal.
"Yun si Aida Cosme diba? Pero kamamatay lang niya." Sabi niya. Napatango lang naman kami. Bakit nga kaya siya namatay? Akala ko matagal na siyang namatay kaya naging bago na ang principal.
"Kung kamamatay lang niya, bakit hindi yun nabalita sa school at—"
"Ayun na nga eh. Hindi siya binalita dito dahil nga walang nakakita sa kanya. Dun nga siguro siya pinatay sa abandoned building kaya hindi yun nabalita. Pero sino kaya ang pumatay?"
"Baka ang killer na pumapatay rin sa mga kaklase natin." Si Robert. Posible rin kaya yun? Na ang pumatay sa kanya ay ang killer din sa klase namin.
"Hindi pa ba kayo lalabas diyan? Dito na ba kayo matutulog?" sigaw ni Jane. Oh, uwian na pala.
"Sige susunod na kami." Sagot ni Zach na nakaupo sa tapat ni Marie.
"Tama, ganun nga!" napatingin naman kami sa nasa likod ni Bianca. Si Ravie. Mukhang may naisip siya.
"Anong tama?" takang tanong ko. Bigla-bigla na lang kasi siyang sisigaw e hindi naman siya madalas magsalita. Nagsasalita lang yan kapag importante.
"We have to set a camp." Sabi niya. Camp? Para mapatay kaming lahat ng killer ganun? Parang hindi naman yata magandang idea yun.
"ANO??" gulat na tanong ni Jossele. Kita sa mukha nilang lahat ang hindi pag-sang-ayon sa sinabi niya.
"Maggawa tayo ng camp natin. Section lang na'tin. Huhulihin natin ang killer sa araw na iyon. Pero mag-intay muna tayo ng isa pa kapag meron pang namatay ulit." Paliwanag ni Ravie.
"Kailangan ba may mamatay pa ulit bago tayo umaksyon?" sabi naman ni Richelle na ngayon lang din nagsalita.
"Kailangan muna nating mapatunayan na iniisa-isa niya tayo." Sabi niya. Ano kaya ang pinagsasasabi niya?
"Maling pag-usapan yan ngayon Ravie. Kailangan na'ting hulihin ang killer individually. Paano kung isa sa'tin ngayon ang killer? Paano kung ikaw, ako o yung katabi na'tin ngayon? Magpaplano ka hindi mo naman kilala kung sino ba talaga siya?" galit na sabi ni Zach.
"Tama na yan. Zach kumalma ka lang. Gagawin natin ang camp bukas na bukas. Hindi na natin hihintayin pa na may mamatay ulit na isa satin." Sabi ni Marie. Hindi na kami makakatanggi pa dahil siya na ang nagdesisyon.
"What???" sabay na sabi ni Jossele at Bianca.
"Nakakatakot man pero kailangan nating gawin yun. But for now, kailangan muna nating alamin kung nasan ba ang phone ni Damian." Sabi ni Marie at napatango naman kami.
BINABASA MO ANG
Revealing the Secret of Section 5 (Completed)
TerrorOne section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror