Reveal 19.2: Join Forces

847 25 1
                                    

Reveal 19.2 :
Join Forces
——————————
Third Person’s POV

Hanggang ngayo’y nananatiling tulala si Richelle sa kanyang natuklasan. Hindi niya sukat akalain na kaharap niya ngayon ang babaeng kamukhang-kamukha niya’t ito ay may nakakatakot na ngiti na nagpapatindig sa kanyang balahibo.

“R-Rachelle?” utal niyang pagkakatanong sa kanyang kaharap. Hindi sumagot ang babae bagkus kumurba sa kanya ang matamis na ngiti at tumango bilang sagot na oo.

“P-Paanong..” pagpuputol niya na agad din namang sinagot ni Rachelle.

“Simple lang, dahil hindi ko pa nagagawa ang misyon ko dito sa lupa na maghiganti laban sa kanila!” Nanggagalaiting sagot ni Rachelle habang isinarado niya ng mahigpit ang kanyang dalawang kamay dahil sa inis at galit.

“P-pero a-ako na a-ang gumag-gawa nun p-para s-sa’yo!” pagtanggi ni Richelle sa gusto ng kanyang kakambal.

“Well, hindi naman ikaw ang pumatay sa iba mong kaklase hindi ba?” tanong ng kaluluwa sa kanyang kakambal bago pinaikutan ito.

“Ibig sabihin, ikaw ang pumatay sa kanila?” pagtataka ni Richelle kaya’t tumawa lamang ang kanyang kapatid dahil sa halata nitong pagkanerbyos ng dalaga.

“HAHAHA! Natatakot ka ba sa’kin Chelle? Wag ka nga! Gagawin na’tin ang ating misyon dito nang magkasama tayo!” sigaw ng dalaga kay Richelle na para bang hindi niya itinuturing na kapatid ito.

“Ayaw mo ba talaga akong makatulong?” dagdag pa nito. Hindi na nakatanggi pa si Richelle kaya’t sumang-ayon na lamang ito sa gusto ng Dalaga.

“Pero Rachelle, paano ka makakatulong sa’kin kung ganyan ka? Ka-kailanganin mo ng katawang tao para matulungan mo ako.” Sabi nito at napataas ang kilay ng kanyang kakambal dahil alam niyang handa na siya para sa lahat at para sa kanyang plano.

“Madali lang yan Richelle, mayroon na akong nakahanda para d’yan.” Sagot ni Rachelle at kumurba muli ang kanyang matamis na ngiti sa kanyang labi bago nilisan ang kanyang kakambal.

***

Mag-isang nakahiga sa kama niya sa Dorm si Sobera habang malalim ang iniisip. Hindi siya mapakali dahil napakatagal na niyang hinihintay si Julia ngunit hindi pa din ito bumabalik mula sa CR sa second floor. Tatayo na sana siya sa kanyang kama ng biglang may humila ng kanyang paa mula sa ilalim ng kanyang kama. Agad siyang napaupo sa sahig at bumalot sa kanya ang kaba at takot. Nagsimulang lumuha si Sobera nang makita niya sa kanyang harapan ang kaluluwa ng isang babae.

“AHHHHHHHHHHH!!!!” irit niya pagkatapos ay nagtakip siya ng kanyang mukha dahil sa takot sa kanyang nakitang multo.

“Kamusta Sobera, maari na ba kitang gamitin?” katakot-takot na boses ang kanyang narinig. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay at bumungad sa kanya ang nakangiting babaeng humihingi ng permiso na hindi niya malaman kung ano ang sinasabi nito sa kanya.

“A-Anong s-sinasabi m-mo?” pautal-utal na pagkakasabi nito sa kanyang kaharap. Napabuntung hininga ang babae at agad sumagot ng pataas na boses.

“Napakabobo mo Sobera! Ngayon, gagamitin ko na ang katawan mo para makapaghiganti na ako!!!!” sabi nito na nakapagpatayo ng balahibo ni Sobera. Agad siyang tumayo sa pagkaka-upo niya at hindi na siya nagdalwang isip pa na lumabas ng Dorm. Napunta siya sa school building at nagtatakbo sa hallway. Isang malakas na boses ang kanyang narinig.

“You can hide but you can’t escape your own fate!” pagkakarinig niya. Nagsimula na siyang bumigkas ng maikling dasal at hindi pa din nawalan ng pag-asa. Nang matanaw niya ang CR ng second floor, mabilis siyang tumakbo upang makapagtago doon. Mabilis niyang binuksan ang pinto at isinara ito. Humarap siya sa banyo at nagulat siya ng bumungad sa kanya ang bangkay ni Julia. Nataranta ang babae at napatakip ng bibig. Naisip niyang wala ng oras para lapitan niya si Julia kaya’t nag-isip siya ng paraan kung paano makakapagtago sa loob ng CR. Nahagip ng kanyang mata ang sulat mula sa salamin at nilapitan niya iyon para basahin. Nagulat siya sa kanyang nabasa.

Revealing the Secret of Section 5 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon