MARIE
Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko dulot ng pagtawag. Sino naman 'to? Ang aga-aga ng iistorbo!
Binuksan ko ang mata ko. Kasabay ang pagsalubong ng silaw ay ang pangalan ni Zach na nasa screen ko. Bakit kaya siya tumatawag? Anong oras na ba? 4:05 am pa lang gising na siya. Baka naman importante 'to?
Sinagot ko na ang tawag niya at tinapat sa tenga ko ang phone ko.
"Hello, aga-aga nambubwisi--"
"Marie, nakita namin ang pugot na ulo ni Ms. Samantha!" nashock ako sa sinabi niya. Weh? Di nga.
"Ano? Paano?"
"Pumunta ka dito sa amin, ngayon na. Isama mo na rin si Isabella, Bianca at Jossele."
"Okay Bye."
"Bye, mag-ingat kayo." sabi niya at ibinaba na ang phone.
Nakita nila ang pugot na ulo ni Ms. Samantha? Diba wala na yun? Duh! 1 month ago na kaya di ba dapat agnas na yun?
Nabuhayan ang dugo ko nang tumawag si Zach kaya dali-dali akong nagbihis. Tinext ko naman si Isabella at pumayag naman siya. Dadaanan ko na lang siya sa kanilang bahay. Sigurado akong tulog pa iyon bago ko siya naitext.
Nang makarating ako ng bahay nila saktong kalalabas niya lang kaya sumakay na siya agad sa kotse ko at umalis na kami. Hindi pa din niya alam kung bakit ko siya sinundo ng ganito kaaga.
"Teka muna Marie. Bakit mo ako sinundo ng ganito kaaga? San ba tayo pupunta? Tanong niya.
"Sila Zach.."
"Ha! Anong nangyari sa kanila?" nagpapanic na tanong niya. Tss. Ang OA naman.
"Nakita nila ang ulo ni Ms. Samantha. Nakasabit daw sa may puno sa kanila." Pagpapaliwanag ko.
"Ha? Edi ba matagal na siyang patay? At teka, paano naman yun nakarating dun?" tanong niya.
"Hindi ko din alam eh, kaya nga tayo pupunta dun diba?" sarkastikong sagot ko sa kanya.
"Sige." Sagot niya.
Nandito kaming pito ngayon. Kasama si Bianca at Joselle. Nandito din si Detective Aguilar. Kasama ang iba pang pulis na nag-iimbestiga.
Nakakagulat nga nung makita namin ang itsura niya. Grabe naman ang gumawa sa kanya nun. Sobra naman ata ang ginawang pagpatay sa kanya. Alam kong matagal na iyon pero talagang kasindak-sindak parin ang itsura niya hanggang ngayon.
"Kailangan na talaga na'tin siyang mahuli." Bulong ni Ravie.
"Pero paano nga? Eh hindi nga na'tin alam kung saan tayo magsisimula eh. Marami na ang namamatay pero wala paring kumikilos." Sagot ko.
"Kumikilos naman tayo ah. 'Yun nga lang, hindi tayo makahanap ng tamang tyempo para mahuli siya. Napakaliksi niya talaga at hindi siya nagpapahuli." Sabat ni Robert.
Hindi na kami nagsalita matapos nun. Napatingin muli kami sa ulo ni Ms. Samatha. Nakakasuka ang itsura niya.
"Mga iho, iha, may pasok pa kayo diba? Sige na, kami na bahala dito." Sabi nung isang pulis na kasama ni Detective Aguilar.
"Sige po. Balitaan niyo na lang po kami." Sabi ni Zach at niyakag na kami pauwi. Pero napagpasyahan muna naming tumigil sa kanila sandali para makapag-usap. Umalis na rin naman yung mga pulis sa bakuran nila kasama ang bahagi ng katawan ni Ms. Samantha.
Umupo kami sa sofa sa loob nila.
"Buti nakarating kayo." Sabi ni Zach sa amin. Napatingin naman siya kay Isabella.
BINABASA MO ANG
Revealing the Secret of Section 5 (Completed)
TerrorOne section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror