Reveal 10 : Another phone call

917 29 1
                                    

MARIE


Hapon na. Parang may iba talaga sa kanya. Parang iba ang kinikilos niya magmula kanina pa.

Nakakapagtaka na nga eh. Kasi naman 'tong si Zach, nagpatawag ng meeting tapos hindi naman pala mag-uusap. Ang weird lang niya.

"Uhhm, excuse me lang ha." At bigla siyang lumabas. Napatingin naman kami sa kanya. Maging si Isabella ay nagtataka na rin. Si Yamie naman, ayun busy sa pagsusulat ng activities pati ng rules and regulations.

"Ano bang problema niya." Dinig kong bulong ni Vean sa likod ko. Nakikipag chismisan siya kay Lei.

"Hindi ko nga din alam eh, kanina pa siya ganyan." Sagot naman ni Lei.

Hinayaan ko na lang sila. Talaga naman kasing ang weirdo ni Zach ngayon eh. Baka naman kasi may problema na naman siya. Although, hindi niya yun pinapahalata, nahahalata na din naman namin dahil sa emosyon at kilos na ipinapakita niya. Sobrang kakaiba.

"So, dahil buo na ang rules and regulations, ididiscuss na namin sa inyo ito maya-maya pagdating ni Mr. President." Sabi ng P.R.O namin.

"Yamie, may problema ba siya?" tanong ni Ravie. So hindi lang pala kami ang nakakapansin. Halos lahat na.

"Wala naman. I think." Sabi ni Yamie.

Sana nga.

***

ZACH


Pinagsusuntok ko na ang pader dito sa CR. Nakakainis, ano ba ang problema niya. Dapat talaga mas makauwi ako ng maaga.

Gagawa ako ng paraan. Hindi, sasabihin ko na lang pala sa kanila na kailangan ko munang umuwi. Maiintindihan naman ng mga kaklase ko na nasa panganib ang pamilya ko.


Ako ang binoto nila as president. Gusto ko din naman to eh. Kaya lang parang meron paring hindi sang-ayon. Parang may tutol parin sa naging resulta. Nakakainis.

*RING!!* *RING!!* tumunog bigla ang aking cell phone. Hindi ko pala nasilent.

Agad akong lumabas para sagutin ang tawag. Pero nagulat ako sa boses na narinig ko. Parang pamilyar ang boses pero hindi ko alam kung kaninong number.

"Hello." Sabi ko.

"Ano, ikaw ang president? Walangya ka! Nandaya ka pa. Ako dapat ang president kaso sipsip ka sa mga kaklase natin." Sabi niya. Teka, sino ba 'to?

"Sino ka ba ha? At anong sinasabi mong ikaw ang president? Ako ang nanalo, hindi ako nandaya. Kung sino ka man, wala akong pakialam sa'yo!" ibababa ko na sana ang phone kaya lang nagulat ako sa sunod niyang sinabi.

"Papatayin ko ang nanay at ang tatay mong madaya ka!" sabi niya. And binaba na ang phone.


Langya! Kailangan kong mapigilan ang demonyong iyon. Kung sino man siya, haharapin ko siya. Pipigilan ko ang kawalangyaang ginagawa niya. Humanda siya sa'kin.

Nagsimula na akong humakbang palabas ng CR. Babalik na ako sa class room para naman makapagpaalam ng maayos sa kanila.

Pagkarating ko ng classroom ay agad akong pinagtinginan ng mga kaklase ko. Anong problema nila? Okay, baka napansin na nila ang kaweirdohan ko kanina. I need to explain.

"Zach, san ka galing?" tanong sakin ni Yamie. Ang vice president ng class.

"Ah, nag CR lang." Sagot ko.

Revealing the Secret of Section 5 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon