Reveal 16 : The Big Revelation

837 27 0
                                    

Reveal 16 :
The Big Revelation
——————————
Third Person's POV

Nagkakagulo na sa loob ng computer laboratory dahil natatakot ang lahat sa maaring mangyari. Napakalakas ng mga Reincarnated nilang kaklase na nagdudulot ng kaba sa kanilang mga buhay na kaklase. Pero may isang babae ang nasa isang sulok at di naaninag ng iba. Naka maskara ito at suot ang isang itim na bistida. Bumulong ito sa kanyang sarili.

"Mga walang kwenta ang mga baliw na to. Sino naman ang nagbigay sa kanila ng pangalwang buhay para guluhin ang mga plano ko? Hindi na dapat pa sila bumalik dahil ako naman ang pumatay sa kanila. Pinahihirapan lang nila ako. Pwes, isang masayang reunion party ito!" sabi niya sa kanyang sarili at tumawa ng mahina.

Inilabas niya ang kanyang itinatagong kutsilyo sa kanyang bulsa. Nagsimulang magpatay-buhay ang ilaw sa loob ng computer lab at nagpakita din ang babaeng nakamaskara na mas lalong nagbigay sa kanila ng tensyon.

Habang nawawala ang ilaw ay nawawala din ng parang bula ang babae at kung saan-saan siya napapadpad. Bigla namang bumigat ang pakiramdam ni Denny dahil pakiramdam niya ay nasa likod na niya ang misteryosong killer na matagal ng pumapatay sa kanilang klase. Bumulong bigla ang babaeng nakamaskara kay Denny na nagpatindig ng kanyang mga balahibo. "You're next!" Pagkatapos ay biglang naglaho ang babaeng nakamaskara. Kinabahan si Denny dahil akala niyang, iyon na ang mismong oras niya, pero hindi parin siya nakahinga ng maluwag dahil biglang nagliyab ang isang computer sa kwarto kaya't nagpanik ang lahat.

Kumalat ang apoy at halos lahat na ng mga computer ay nasunog. Ang iba ay sumabog na kaya ito ay nagdulot ng matinding tensyon sa section 5. Nagtulong-tulong na ang mga lalaki para sirain ang pinto.

"AHH!!! Wala ba talaga dito sa loob ang susi!?" tanong ni Gabby na sobrang pinagpapawisan na.

"Hindi na natin yun makikita sa pagkakataong to. Ang mabuti pang gawin natin ay sirain na lang natin ang pinto dahil masyado ng madilim dito sa loob at malala na ang sitwasyon!" nagpapanik na sigaw ni Sheryl.

"Walang mangyayari kung magsisisigaw lang tayo dito. Lahat tayo kumilos na!" maging ang nerd na si Chelle ay kinakabahan na din dahil sa kanyang itsura.

Nagkaroon sila ng kaunting pag-asa nang biglang nasira ang pinto at nagbukas ito. Agad nagsilabasan ang section 5 ngunit may isang natrap sa isang sulok at hindi makaalis dahil sa nakapalibot na apoy.

"Tulong! Tulungan niyo ako!!" sigaw ni Denny. Pero walang gustong tumulong sa kanya dahil ang nasa isip nila ay siya ang killer dahil siya ay naiwan sa isang sulok. Kaya di nag tagal, nilamon na ng apoy ang kaawang si Denny. Agad naman itong nawalan ng buhay. Pero nag-iwan sa kanyang likod ang isang marka.

Tumakbo ang lahat papuntang open ground. Maging ang mga patay nilang kaklase ay sunod-sunod pa din. Madilim ang buong paligid ng open ground. Halos hindi na nila makita ang kanilang mga sarili. Yung iba'y maluha-luha na yung iba naman ay tuluyan ng nag-iyak. Pero hindi pa din sila sumusuko. Naramdaman nilang sila ay napapalibutan ng mga kaklase nilang namatay. Pero lahat sila ay kapit-kamay habang nakaharap sa kanilang mga kaklase.

"Wag na kayong magbalak pang gumawa ng hindi maganda. Magkaisa na lamang tayo at tanggapin niyo na lang na kami ay magiging bahagi pa rin ng section 5!" sabi ng isang binata na nagsalita galing sa grupo ng mga Reincarnated.

"Kailanman, hinding-hindi namin kakayanin na makasama sa isang kwarto habang nag-aaral ang mga patay na nilalang na muling binuhay sa hindi kapani-paniwalang paraan!" pagmamatigas ni Joshua. Lahat ay sumang-ayon sa binata kaya't umingay sa buong ground at ito ay nagdudulot pa ng echo dahil sa laki ng ground na ito. Pero nagulat ang lahat dahil sa biglaang pangyayari.

Revealing the Secret of Section 5 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon