Reveal 3 : Goodbye Ms. Samantha

1.5K 51 2
                                    


ROBERT


"Good Morning Class!" bati samin ng bago naming teacher. Mukhang mabait siya. Medyo bata pa e pero halatang may asawa na rin.

"Ako nga pala si Ms. Samantha Dy, ang bagong Adviser ng 4-A. Bago lang ako sa school na 'to kasi nag retire na yung dating adviser dito. So dahil nakapagintroduce na ako, kayo naman ang mag pakilala sa sarili niyo." Sabi niya ng may ngiti.

"Start with the girl at the back." Sabi niya at tinuro si Donna.

Lumapit na si Donna sa harapan at nag-umpisa ng magpakilala. "Hi I'm Donna.. blah.. blah..Hyun. My hobby is playing Volleyball." At pagkatapos ay nagpakilala na rin yung iba.

"That boy!" at tinuro niya ako. Pumunta narin ako sa unahan at nagpakilala na rin ng sarili.

"The girl with an eye glasses!" Si nerd pala. Pagkatapos ay pumunta na siya sa unahan.

"I'm Richelle Anne...Blah... Blah... Blah.... My Hobby is reading ... books and ... blah..blah" natural na yun ang hobby niya. Nerd eh.

"That girl besides Ravie." Si Isabella. Pumunta na siya sa unahan at pinakilala ang sarili niya.

Nang matapos na ang pakilalahan portion. Saktong nagbell na ang ibig sabihin ay break time na. Saktong nagutom na rin naman ako.

"Sabay-sabay na tayong lumabas." Aya sa amin ni Marie kasama ang mga kaibigan n'ya na si Bianca at Jossele.

"Sasabay na rin kami" sabi ni Ravie at Zach. Kasama rin namin si Isabella. Ang laging kinakaawa ni Marie dahil scholar lang siya. Pero kami naawa naman dahil nga lagi siyang binubully ng mga kaibigan ni Marie.

"Sino kaya ang pumatay kay Rose?" pagbubukas ng usapan ni Ravie. Muling pumasok na naman sa isip ko nung nakita namin yung bangkay niya kaninang umaga. Napatingin ako sa mga kasama ko. Malalamin din ang iniisip nila.

"At ano kaya ang motibo niya?" lakas loob na sabi ni Isabella kahit alam niyang wala namang sasagot sa tanong niya.

"Dapat nating makilala kung sino s'ya at mapaghandaan ang kamatayan niya." Sabi ni Marie. Kamatayan niya? Gusto niyang pumatay? At papatayin niya ang gumawa nun kay Rose?

"Siguro isa satin ang killer, baka kaklase lang natin o kakilala." Sabi naman ni Zach na kanina pa isip ng isip tungkol sa nangyayari.

"Maybe we should go back to the Rest room!" maarteng sabi ni Bianca. Babalik kami sa CR sa 2nd floor? At bakit? Para mag imbestiga? Eh sigurado namang yun ang gagawin ng mga pulis ngayon eh. Iimbistigahan nila ang pagkamatay ni Rose.

"Wait.. Bakit tayo nandito?" tanong ko. Ang sabi sabay-sabay kaming kakain pero bakit kami nandito sa tapat ng isang abandoned building ng school. Lumang luma na ito at wala ng pumapasok.

"Dahil hindi na natin nakikita ang nalalakad natin dahil sa kwentuhan!" sabi ni Marie habang nakatingin din sa nakakatakot na building.

"Pasok tayo!" aya ni Ravie. Papasok kami dyan? Nakakatakot kaya? Wala na ngang napunta dyan e. Bakit pa kami pupunta d'yan kung wala naman kaming kailangan.

"Natatakot ako! OMG!!" maarteng sabi ni Jossele habang nakatingin rin sa Building na sobrang luma.

"Wala naman sigurong mangyayaring masama kapag sama-sama tayong pumasok dyan diba?" sabi ni Zach. Pinapalakas niya ang loob namin para pumayag na kaming pumasok sa loob ng nakakatakot at napakalumang building. Sigurado rin akong napakadilim diyan.

"Pero parang familiar sakin ang building na yan!" napaisip ako sa sinabi ni Isabella. Para nga ring familiar sa'kin ang building na iyan. Hindi ko lang matandaan pero parang nakapasok na rin ako doon.

Revealing the Secret of Section 5 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon