Reveal 14 : The Reincarnation

792 26 0
                                    

Reveal 14 :
The Reincarnation
——————————
Marie's POV

Hay! Patapos na ang October. Mag Nonovember na naman. Ayoko talaga ng mga special seasons lalo na ang halloween. Ang corny kaya!

Actually, wala kaming time para magcelebrate para dun. Yung ibang sections, gusto nila ng mga ganun. Nagprepare pa nga sila para sa isang Weird party. Duh! Nagluluksa kami kaya hindi kami interested.

Ilang buwan na rin kasing patay si Zach. Nakakamiss na nga siya eh. Kailangang-kailangan namin siya pero wala na talaga siya. May mga bagay na siya lang ang may kayang gawin.

"How about, Trick or treat?" tanong ng aming vice president na si Yamie. WHAT!! Ang weird non eh. Ayoko nga sabi ng mga party party na yan eh. Pero as if namang may karapatan akong tumanggi.

"YESS!!" sigawan ng mga kaklase ko. WTF? So immature!

"NO!" sigaw ko din kaya napatingin silang lahat saken. Okay, bad move!

"Anong NO?! Wala kang karapatan dahil hindi naman ikaw ang masusunod!" ikinagulat namin ang biglang nagsalita galing sa labas. Oh shit!

"AHHH!" mga nagpapanic na ang aking mga kaklase dahil sa nakita nila. Maski ako natatakot na din eh. Parang galing siya sa hukay. Well, galing naman talaga.

"OMG! Si Damian diba yan? Paano siya nabuhay!" sigaw ni Yamie. Ito na nga talaga ang reincarnation. Kung saan bubuhayin ang mga namatay na. Nakakatakot talaga. Bakit silang mga naging kaklase ko pa?

"Hindi ba kayo masaya na nagbalik ang clown ng section niyo! I'm back to make your life happy!" pagbibiro niya. Hindi ko na talaga gusto ang mga nangyayari. Lahat kami ay sama-sama na. Magkakalapit at ayaw dumikit kay Damian. Pero papalapit siya sa amin.

"We're back na guys! Let's enjoy na lang the Party!" sabi pa ng isang nasa likod niya. OMG! Si Fenny. Ang ultimate conyo.

At ang dami pang nagsipasukan. Lahat ng mga namatay naming kaklase ay nandito na. Lahat sila, nakakatakot ang itsura. Lahat sila, kitang-kita ang galit sa kanilang mga mata.

"Wag nga kayong matakot sa'min. Tayo ang Section 5 diba? Lahat tayo solid dapat!" sabi ng dati naming presidente na si Dennis. Walang makaimik sa aming lahat. Pero naiinis na ako dahil talaga namang dikit-dikit na kami. Ang init na.

"C'mon! Wag na kayong matakot!" sabi ng mayabang na si Jervi. Hindi na talaga ako makapagtimpi.

Hinawi ko lahat ng mga kaklase ko kaya nagsibagsakan sila.

"TAMA NA NGA! NAKAKAINIS NA! PWEDE BA BUMALIK NA KAYO SA PINANGGALINGAN NIYO! MULTO NA LAMANG KAYO NG NAKARAAN!" sigaw ko sa mga Reincarnated naming mga kaklase. Sino ba ang gumagawa ng pesteng Psi Khandi na yan! Hindi na namin sila kailangan pa dito.

"How dare you Marie!" nanggagalaiting sabi ni Bianca. Ang dati kong kaibigan.

"Hayaan mo na yan Bianca, ganyan naman talaga ang ugali niyang si Marie ah, kaya nga pinaplastic na lang natin siya noon pa." Sabi ni Joselle. Parang nasaktan ako sa sinabi niya. Pero hahayaan ko na lang. Patay na sila at bahagi na lang sila ng nakaraan ko. Dapat na silang bumalik sa kanilang pinanggalingan. Nakakainis!

"Shut up! Mga patay na kayo! Bumalik na kayo sa hukay!" sabi ko sa kanila habang isa-isang tinuturo.

"Anong kaguluhan ito?" napatingin kaming lahat sa nagsalita galing sa pinto. Ito na naman siya, si Rose.

"Isa ka pa! Mga walang kwentang kaklase!" bungad ko sa kanya. Pero pinandalatan niya lang ako ng mata. Ang bilis niya at agad niya akong nalapitan at sinakal.

"MAS WALA KANG KWENTA MARIE, WALANG NAGMAMAHAL SA'YO MULA NOON. AKO, LAHAT MINAHAL AKO!" sabi niya habang higpit na higpit ang pagkakasakal sa akin. Shit! Hindi na ako makahinga.

"ROSE! Tumigil ka na!" sigaw ni Robert habang pinipigilan si Rose. Buti na lang at nagtagumpay siya.

"Kayong lahat! Makinig kayo sa sasabihin ko!" isa na namang agaw atensyon ang nagsalita mula sa pinto ulit. At ang nagsalita ay wala ng iba kundi si..

***
Isabella's POV

Kinabahan talaga ako sa nangyari kay Marie. Buti na lang talaga at napigilan ni Robert si Rose. Ganun din ang ginawa sa akin ni Rose at pinigilan lang din ni Robert.

Pero nagulat kami ng may nagsalita galing sa labas. Isang boses na talagang nagpasindak ng aming mundo. Ang aming tunay na adviser, si Ms. Samantha.

"Kayong lahat! Makinig kayo sa sasabihin ko!" sabi niya at agad pumasok sa loob. Sinara niya ang pinto maging ang mga bintana. Pinatay niya ang ilaw at tumingin sa amin. Isa narin siyang Psi Khandi. At binuhay na lang siya. Ang tanong, nino?

"Umupo kayo mga Nasawi kong istudyante. At kayo rin mga nananatiling buhay." Sabi niya at sumunod naman kami. Sama-sama ang mga Psi khandi at kami naman ay nasa bandang likuran.

Si Marie naman, pinapainom ng tubig ni Robert. Si Ravie, katabi ko lang sa upuan.

"Tayo ang Section 5, kilala tayo dahil sa mga magagaling na estudyante. At ngayon, tayo ay magsasama-samang muli bilang isang klase. May mga kulang parin pero atleast, marami tayo." Sabi niya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi o ang gusto niyang sabihin ni Ms. Samantha.

"Ako na muli ang inyong guro. Magkakasama-sama tayong lahat sa loob ng 5 buwan." Sabi niya. Nagkatinginan kaming mga still alive na magkakaklase. Parang hindi yata kakayanin ng sikmura ko na manatiling magkakasama kaming lahat.

"Yun lang, mag bonding na ulit kayong lahat! Enjoy!" sabi niya at lumabas na, naglabasan na din naman yung mga reincarnated pero hindi namin alam kung saan sila pupunta. Natira kaming mga buhay na magkakaklase dito sa classroom.

"Hindi ako makakapayag sa gusto ni Ms. Samantha!" sabi ni Julia. Halos lahat naman kami eh. Walang may gusto sa opinyon niya.

"Kaya gumawa tayo ng paraan upang bumalik na sila sa kanilang pinanggalingan!" sabi ni Sobera.

"Isa-isa tayo. Ganito ang plano!" sabi ni Marie at nagform kami ng isang circle.

*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Revealing the Secret of Section 5 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon