Reveal 18 :
Je suis en vie
——————————
Third Person's POVIyon na yata ang pinakanakakagulat na revelation para sa kanilang lahat. Nang matawag ng kanilang guro ang pangalan ng kanilang kaklase, nalaki ang kanilang mga mata sa kanilang narinig na pangalan nito. Ang buong akala ng lahat ay patay na si Zach ngunit bakit siya ang sinasabing last revelation ng guro.
Biglang naglakad ang isang binata sa gitna ng stage. Nakasuot siya ng black jeans sa pambaba, yellow rubber shoes at Navy Blue polo. Sobrang gulat nilang lahat nang makita nila sa kanilang harapan ang buhay na buhay na si Zach. Suot niya ang kanyang matamis na ngiti sa kanyang labi at agad kinuha ang mic mula sa guro.
"Magandang gabi classmates!" masigla niyang sabi ngunit walang sumagot sa kanyang bati. Kaya't napataas ang kilay ng binata at nagsalita muli sa maykropono.
"Oh, hindi ba kayo masaya na nakalaya na ako?" tanong nito kaya't mas lalong nadagdagan ang katanungan mula sa mga mag-aaral.
"Hindi kami masaya, president!" malakas na pagkakasabi ni Dennis sa kanyang kaklase. Napatingin naman sa kanya si Marie at naalala ang pangyayaring naganap bago nawala si Zach ilang buwan ang nakalilipas.
"Palibhasa kasi, mas magaling siyang maging president kaysa sa'yo." Pagpaparinig nito at nag roll eyes. Hindi na ito pinansin ng iba at nagpatuloy na sa pagsasalita si Zach.
"Hayy, hindi parin kayo nagbabago. Ikukwento ko nga pala muna sa inyo ang buong detalye kung bakit ako nakulong." Sabi niya at kumuha ng isang monoblock chair at nagpatuloy sa kwento.
"A few months ago, kitang-kita ko ang pagkasunog ng katawan nina Dina at Donna habang ako ay nagtatago sa isang puno. Wala naman akong ibang nagawa kundi panuodin lang ang pangyayaring yun. Iyon ang pagkakataong pinagsisisihan ko dahil wala man lang akong nagawa para iligtas sila. Pagkatapos ay lumapit ako sa kanilang bangkay, hanggang sa nakita ako ng mga pulis at dinampot papuntang presinto at ikinulong nila doon." Kwento ng binata. Kitang-kita sa mga estudyante na inaabangan nila ang mga susunod na sasabihin ni Zach.
"Pero hindi ako masaya sa lahat ng nagyari sa ating section ngayong taon. At nais ko ding ipaalam sa inyo, na sa oras na ito, tatapusin na natin ang lahat ng kasamaan. Simulan na ang pagpatay sa mga Reincarnated nating mga kaklase dahil wala na tayong makukuha pa sa kanila kundi kapahamakan!" sabi niya at agad nagsikilos ang mga estudyante. Nagulat naman ang kanilang guro na si Ms. Samantha at Ms. Remmy dahil sa mga sinabi ni Zach.
"At ikaw Ms. Samantha, wala ka ng maitutulong pa sa amin dahil mamamatay tao ka na din. Dapat kang mamatay!" sabi niya at agad inilabas ang kanyang pistol at pinutok kay Ms. Samantha. Agad din siyang bumalik sa pagkamatay. Pinaalis niya na din si Ms. Remmy dahil ayaw niyang madamay pa ang guro sa kanilang hinaharap na problema. Patuloy ang kaguluhan ng mga estudyante. Hanggang sa wala na ding nagawa ang mga patay nilang kaklase at bumalik na din sa pagkamatay.
"Nagtagumpay tayo Section 5, ngayon, mas maging handa na tayo sa mga susunod pang mangyayari. Good luck satin!" sabi niya at bumaba na ng stage nang nakangiti.
***
Mag-isang pumunta ng locker room si Gabby dahil nalimutan niya ang kanyang telepono. Pero bigla na lamang siyang nakaramdam ng hindi maganda habang isinasara niya ang kanyang locker. Kaya't tumingin tingin siya sa paligid at nagulat nang makita niya ang kanyang isang kaklase na naglalakad patungo sa kanya.
"Bakit ka nandito?" tanong ni Gabby sa kanyang kaklase. Ngunit hindi ito sinagot ng kanyang kaklase bagkus inilabas lang niya ang kanyang dalang pocket knife at itinapat kay Gabby.
BINABASA MO ANG
Revealing the Secret of Section 5 (Completed)
HorrorOne section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror