THIRD PERSON'S POVNaluluha, naiiyak . . . hindi na maintindihan kung ano ang kanyang mararamdaman sa kanyang nakikita. Nagsisisi na siya sa kapabayaang nagawa niya. Akala niya ay naging maayos na ang lahat. Pero mali pala. Hindi niya pala kinaya nang makita niya iyon.
Agad siyang tumakbo. Nagulat siya nang makita niya iyon. Doon pala siya nakatago. Kaya pala siya nawala. Marahil hindi na niya iniisip pa ito noon na makikita niya pa muli ang taong iyon, pero dadating din pala ang oras na matagal na niyang hinihintay.
***
SOMEONE'S POV
Nagising ako dahil sa panaginip na nakapagpatindig ng balahibo ko. Hindi ko rin maintindihan kung ano ba ang meaning no'n, pero sana, wala akong kinalaman dun o ano man.
Bumangon ako at naghilamos. First day of school na kasi. Kaya dumiretso na ako sa banyo at nagsimulang maglinis. Pagkalabas ko ay nagulat ako sa nakita ko. Napasabi tuloy ako ng . . .
"Heto nga!"
***
MARIE'S POV
Hi! Ako nga pala si Marie Elisabeth Calay. Yes, First day of school namin ngayon, 4th year na rin sa wakas. Sabi nila, mahirap daw ang 4th year. Totoo ba?
Well, 1st day nga namin diba? Anong alam ko dun? Ang alam ko lang eh malapit na ang graduation namin. So meaning, this is our last year sa Highschool. So sad!
Taas-noo akong naglakad papuntang classroom. Nasa 5th floor pa ito kaya kailangan pa naming mag-escalator. Duh! Isang sikat at international school lang naman ang pinapasukan ko. I'm a rich kid—no, teen pala! So dito ako nag-aaral.
"Ayan na si Marie. Gosh Ang ganda mo today!" bati sakin ng aking mga mahaderang friends.
Pero mahal na mahal ko 'yang mga 'yan, dahil pare-parehas kaming mayayaman.
Halos lahat naman ng nag-aaral dito ay mayayaman. Poor persons can't afford studying here. Kaya tama na sila sa mga public schools diyan sa tabi-tabi.
"Ano ba, Bianca? Don't state the obvious," sabi ko sa kanya.
Apat kaming mag-kakasama ngayon, pero kung isasama ang mga epal, lima kami dito.
May epal kaming kasama, si Isabella Mae Banca. Ang bukod tanging poor kid sa school na to. Matagal na kasi yang scholar dito. Since Elem, dito na siya. Ako rin naman, kaya nga lagi ko yang nagiging kaklase.
BINABASA MO ANG
Revealing the Secret of Section 5 (Completed)
HororOne section, one secret. This is the time to reveal it and everyone will regret. Highest Rank: #76 in Horror