Kabanata 1

147 8 0
                                    

Don't ignore me.


Kinaumagahan ay agad akong umalis ng bahay kahit hindi pa gising ang mga tao. I just wanted to avoid him. Hindi parin ako makapaniwala na siya ang unang nag approach sa akin kagabi.

Sa tuwing umuuwi kasi siya dito sa pinas ay hindi kami gaanong nagkikita sa bahay, lagi ko siyang iniiwasan. Kung hindi ako umaalis ng bahay ay nagkukulong naman sa kwarto para lang iwasan siya. Kagabi lang talaga kasi hindi ako handa sa pagdating niya.

"Paano kayo magkakasundo ng kuya mo eh iniiwasan mo."

Inismarahan ko si Gavin dahil sa sinabi niya. "Ikaw nalang sa bahay kung kaya mong sikmurain ang lagi niyang galit na mukha."

"Huy! Ang hot kaya kapag galit ang mukha niya." Kinikilig na sabi ni Sereia, Gavin's twin sister, pero agad tumuwid sa pagkakaupo ng lumapit na si Seven galing sa pag aayos ng gamit namin.

Crush niya kasi kaya nagpapacute, behave kuno pero ang kalat at sadista naman.

"Kayo lang nagsasabi niyan. Ako parang pinapagalitang bata sa tuwing kaharap siya." nakakagago lang.

Parang lahat ng galit niya sa mundo sa akin binubuhos. Lakas ng tama.

"You can't avoid your brother for the rest of your life Reese." Seven commented.

Nahiya tuloy ako. Napakamature ng isang 'to, bihira na ngalang magsalita pero palaging tama ang lumalabas sa bibig.

Hindi mo rin kayang awayin kabag nainsulto ka kasi ang laki ng katawan. He's the biggest guy in our group, the scariest one too, given his reputation. 6'3 at purmado ang katawan, sinabayan pa ng buzz cut niyang buhok. Nakakaduwag ampota.

"They're not brothers Sev." Walang emosyong sagot ni Logan.

Fuck. Nakalimutan ko ang isang 'to. Pinsan siya ni Zhared! Hindi man sila magkasamang lumaki dahil laking probinsya at pitong taon na mas bata ay hindi parin ako panatag na baka magsumbong ang isang 'to.

Seven side eyed him. Hindi na nagsalita. Napabuntong hininga ako.

Kapag talaga ang dalawang yan nag away hindi talaga ako tutulong sa pagpigil. Para kang naghihiwalay ng dalawang poste. Isang suntok lang tulog ka. Tsk.

"Pero tama naman si Seven, kaya kung ako sa'yo makipagsundo ka na." Sabat ni Gael na ngumunguya pa ng mani. Kinakampihan si Seven kasi hindi kasundo si Logan.

"Ah bahala na. Basta ayaw kung ma-involve sa kanya." Pagmamatigas ko.

Yumuko ako at ininum ang mocktail na nasa harap ko. Ayaw kong uminom ng alcoholic drinks dahil ayaw kung umuwi ng lasing lalo na't may nagbabantay na ng kilos ko.

Kakatapos lang ng gig namin dito sa bar ng casino ng mga Sarmiento. Tatlong palpag ito at nasa ground floor ang bar habang nasa taas naman ang casino. Iba ang entrance doon, malalaki at kilalang tao lang ang nakakapasok dahil sa membership.

Gael's grandparents own this casino, that son of a bitch is loaded as fuck. Kaya spoiled ang ugali eh.

Nakakatuwa lang isipin na kahit magkasalungat ang lahat ng ugali namin ang nagkakaisa parin kami dahil sa banda. Sonic band is starting to get known in the area. Marami ng kumukuha sa amin para tumugtog.

"Matagal pa ba ang boyfriend mo Reese? Uwing uwi na ako." Nagsisimula ng magmaktol si Sereia. Ang lalakas kasi ng saltik, ayaw pang maunang umuwi eh kaya ko naman.

"Mauna na kayo, okay lang naman kasi na ako lang ang maghintay."

"Tapos kapag napagtripan ka dito konsensya ko pa? Wag na Reese sampalin kita makuha mo." Humagalpak ako ng tawa dahil kahit gaano ka sadista ang mga pinagsasabi niya alam ko namang hindi niya gagawin.

Cupidity [Love Beyond Boundaries #1]Where stories live. Discover now