Long ride
"Tama na 'yan Rerie."
Gustong agawin ni Gael ang hawak kong black label pero hindi ko iyon binitawan.
Kanina pa ako dito sa unit niya. Agad akong pumunta sa ref niya kasi alam kong nags-stock siya doon ng inumin.
Tinungga ko ang alak at napapikit sa pait nun. Matapos ang isang linggo ay sa wakas naka inum narin ako.
Hindi ko nagawang magmukmok at pagpalabas ng sama ng loob dahil hindi manlang ako pinagbigyan ng panahon.
Sa loob ng isang linggo ay ginugol ko lahat ng oras ko sa pag-aaral dahil sa exam namin. Naka off din kami sa Casa Sarmiento dahil examination week at kailangan tutukan ang pag-aaral.
"Alam naming broken ka pero hindi sulusyon ang alcohol poisoning." Nilagay niya ang kamay sa bewang na parang inang nangangaral sa anak niyang pasaway.
"Wag ka nga Gael. Ikaw itong sabik sa alak parati tapos ngayung andyan magrereklamo ka? Broken ako kaya ako naman ang pagbigyan mo." Ngumisi ako sa kanya. "Aaraw-arawin kita."
"Dude what the fuck. Are we still talking about alcohol?"
Sinamaan ko siya ng tingin, kung ano ano na naman kasi ang iniisip. Inangat niya ang dalawang kamay na parang sumusuko.
"Chill. I'm just asking. Hindi ata tama ang pagkakaintindi ko." Natatawang ngumisi siya akin.
"Nasaan si Logan bakit wala dito?"
Takang tanong ni Gavin na ngayun ay binubuksan na ang box ng pizza. Nasa tabi niya si Seraia na nagsasalin na ng inumin sa isang shot glass para paikutin iyon. Binigay niya kay Seven na kumunot ang noo. Ayaw atang mauna sa ikot.
Para sa kanila iyong isang bote ng black label samantalang solo ko ang isa.
"I didn't invite him." Maarteng sagot ni Gael sabay upo sa tabi ni Gavin na puno na ng pakain ang bibig.
Pagkarating ko dito kanina ay tinanong niya ako kung anong problema ko at kung bakit sabik ako sa alak na hindi naman ako ganoon. Nang sabihin kong broken hearted ako ay agad niya kinontak ang tropa para raw damayan ako.
"Gago! Magkapit bahay lang kayo tapos hindi mo ininvite?"
"We're not friends so hindi siya welcome dito."
"Huwag ka ngang maarte Gael. Broken 'yong kaibigan natin kaya dapat kompleto tayong dadamay." Sabat ni Seraia.
Umirap lang sa hangin si Gael kaya tumayo si Gavin para lumabas ng unit. Maya maya lang ay bumalik siya na akbay akbay na si Logan na naka black shorts at white sleeveless—iyong malaki ang butas sa gilid kaya nakasilip ang matipunong katawan.
Hindi maipinta ang mukha ni Logan na tahimik lang na umupo sa tabi ni Seven.
"Tss. Ang epal mo Gavin." Singhal ni Gael nang bumalik si Gavin sa tabi niya.
"Oh come on. Let it slide."
Maangas na inayos ni Gavin ang baseball cap niya pero nasira lang iyon dahil sa headlock ng katabi.
Hindi nagtagal ay gumulong gulong na sila sa sahig. Nagkakasakitan na pero natatawa parin.
"Tumigil ka nga Gael, para kang aso." Sinaway na ni Gavin.
"I'm like a golden retriever, right? Girls like those kind of shit." Ginulo ni Gael ang kulot na buhok. Magulo na nga, ginugulo pa.
"Anong golden retriever? Ginger cat kamo! Ang likot mo, hindi mapermi sa isang lugar. Physical attack nga ata love language mo eh."