Kabanata 9

296 12 2
                                    

Blue



"Dad was very happy with my progress this past few weeks. Unti-unti ko na raw na nahahasa ang ang kaalaman ko sa negosyo namin."

Masayang masaya ngayun si Cairo habang nag kukwento sa akin at ako naman ay nangingiting nakikinig sa kanya.

I'm happy for him. Mula noong bago pa lamang kami ay napapansin ko na na gustong gustong makuha ni Cairo ang loob ng papa niya, na gusto niya ay pagkatiwalaan siya nito.

Nandito kami ngayun sa isang cafe malapit sa school dahil nagkri-crave daw siya ng matamis.

"Ngayun lang ulit tayo nakalabas ng ganito. Sana huwag mong isipin na binabaliwala kita Reese."

Bumagsak ang balikat niya sa bagong usapan.

"Naiintindihan ko naman Cairo. Alam mo namang open minded ako kaya supurtado kita diyan sa pangarap mo. Just do your best to win your father's favor."

Sinubukan kong pagaanin ang loob niya. Ayaw kung malungkot siya at ngayun na ngalang kami nagkita ng ganito katagal.

"Ang swerte ko talaga sa'yo."

Kinurot niya ang pisngi ko pero agad ding umayos ng upo nang may bagong  pumasok sa cafe.

He looked bothered for a second pero agad din namang ngumisi.

Hindi ko iyon gustong pansinin at pagtutuunan na lamang sana ng pansin ang isang slice ng chocolate cake sa harap ko. Pero bumabagabag sa akin ang mga pinagsasabi ni Zhared tungkol sa kanya.

Is he really cheating on me? Kapag oo ay baka hindi ko matanggap. Si Cairo ang unang pinagkatiwalaan ko. I accepted myself, kung ano ako dahil sa kanya. He made me feel safe. Na okay lang na tanggapin ko kung ano man ang nararamdaman ko.

We're both closeted pero hindi rin naman namin tinatanggi ang relasyon namin. Sadyang bilang lang ang nakakaalam.

Kaya sana. Dinadasal ko na hindi totoo ang mga bintang sa kanya.

Cairo continued sharing about what's going on in their business and I listened carefully.

Nang matapos kaming kumain ay agad ding umalis doon dahil may huling subject pa siya ngayung hapon.

Naisipan ko nalang na umuwi ng bahay dahil isang subject lang ako ngayung araw at tapos na iyon kanina pang umaga.

Habang nakahiga ako ngayun sa kwarto ko ay bumalik sa akin ang nangyari noong nakaraang araw. Sinulyapan ko natitirang tatlong tub ng stick-o na hindi ko na nagalaw dahil paulit ulit na umaalingawngaw sa utak ko ang huling sinabi ni Zhared.

Hindi ko makita ang kapintasan sa kanya na siyang ikinaiilang ko sa tuwing nakakausap ko siya.

He look vulnerable at that time. Like he's at his weakest point. Umalis rin siya pagkatapos nun samantalang naiwan akong tulala.

Napagtanto kong iba ang Zhared na kaharap ko kaysa sa nakagawiang Zhared noon. Maybe he changed. Dahil kung tutuosin matanda narin naman kami. Simula noong umalis siya noon ay napakalaki ng pagkakataong magbago siya. Na magbago ang perspective niya sa mga bagay bagay.

Na baka ako itong immature sa aming dalawa na hindi pa nakakaalis sa nakaraan. Na sarado ang utak para tanggapin ang bagong pakikitungo niya. Kung tutuusin simula ng dumating siya ay ako itong mailap. Ako itong apektado masyado sa mga pinanggagawa niya. Na para bang binabalik ko sa kanya kung paano niya ako tratohin noong ako ang nakikipagsundo sa kanya.

This is not right. Hindi ko dapat ginagawa sa iba ang ayaw kong gawin sa akin.

At kung may bagay man na hindi ko maintindihan sa ikinikilos niya,  iyon ay ang naalala ko noong pagkakataong umuwi ako ng lasing.

Cupidity [Love Beyond Boundaries #1]Where stories live. Discover now