Kabanata 3

383 18 2
                                    

Baby, please?



Pagpasok ko sa canteen ay nakasalubong ko si Logan na hindi na naman maipinta ang mukha.

"Oh saan ka?"

"Magpapahangin." Maikling sagot niya at nilampasan na ako.

Basta ganyang ambiance alam ko na agad ang rason. Wala namang iba pang nakakapigtas ng pasensya niyan.

Hindi ko pa man nahanap kung nasaan ang tropa ay rinig ko na ang malakas na boses ni Gael. "Parang gago pikon."

"Ano na naman bang ginawa mo?" Tanong ko sa kanya ng papalapit na ako.

Tumatawa pa si Gavin na nakaakbay sa kanya. "Ito kasing si Gael kahit kailan ang dugyot ng bibig." Lalong lumakas ang tawa nito.

Lumingon ako kay Gael na malawak din ang ngisi.

"Nag-aasaran lang. Sabi ko kaya hindi maganda lagi ang mood niya kasi tigang."

Hinahampas na ni Gavin ngayun ang mesa sa kakatawa kaya hindi maiwasang mapunta sa amin ang mata ng mga tao sa loob.

"Bakit ba lagi mong pinipikon Gael. Tapos kapag pinatulan ka ikaw itong parang bulkang sasabog."

Alam naman naming galit siya noong lumipat dito sa school namin si Logan dahil nagkaroon siya na kakopitensya sa business department na siyang pinamumunuan niya noong wala pa ito.

Sanay na laging nasa tuktok kaya nang nagkaroon ng kalaban ay hindi na mapakali. His competitive, we all know that. He thinks everything is a competition, eh siya lang naman itong affected.

Pero hanggang ngayun na kaibigan na namin at nasa iisang grupo na ay ganun parin. Parang subrang babaw na ng ginagawa niya.

"Tigilan mo na kasi ang pang-iinis kay Logan, Gael. Ito naman paramg hindi kaibigan." Sabat ni Gavin. Kung makapagsalita akala mo hindi tuwang tuwa kanina.

"Sino bang nagsabi na kaibigan ko siya? Kung hindi dahil kay Reese ay hindi ko 'yan tataponan ng tingin."

"Wow huh? Akala mo naman kung sino ka." Inirapan siya ni Sereia na ngayun ay nakatabi kay Seven na nakikipaghalikan na naman sa makapal niyang libro. Being a law student must be tough.

"I'm Gael Sarmiento, the most handsome and smartest guy in business department. Tinatanong pa ba 'yon?" Mayabang na sabi nito habang nakahawak sa dibdib, taas noo pa.

"Ang hangin subra!" Tinapunan siya ng fries na Seraia na siya namang sinaway ni Gavin. "Huwag mong sayangin ang pagkain Seraia."

His twin sister only rolled her eyes on him.

Ang gulo lagi kapag magkasama kaming lahat. Gavin is a happy go lucky guy, maasahan mo lagi sa kalukohan. His twin sister is a mess, moody na hindi ko alam saan nakukuha ang energy, malandi rin pero kay Seven lang naman na walang paki ano man gawin niya.

Seven on the other hand looked so rugged. Lalaking lalaki at hindi mo gustong makasuntokan. Salungat sa pagiging nerd niya ang physical na anyu. Si Logan naman ay tahimik, a man of few words pero maalalahanin.

Si Gael—iwan ayaw kong pag usapan. Kung pwedi lang itakwil ang isang iyan ginawa ko na. OA ang gago.

"Inuman tayo mamaya. Ano? Game?" Biglang iba ni Gael sa topic.

Cupidity [Love Beyond Boundaries #1]Where stories live. Discover now