Kabanata 2

131 6 0
                                    

Done baby.



Dahil sabado kinabukasan ay hindi ko na naiwasang sumabay mag breakfast kina Tita Amara.

"How school Reese?" Simula ni tita sa usapan.

"Okay lang naman po tita." Ngumiti ako kay Tita habang pilit na iniiwasan ang matang kanina pa ako hindi nilulubayan.

Zhared kept looking at me with a scowl on his face. Kinakabahan tuloy akong magtagpo ang mga mata namin at baka maisipan niyang sabihin sa hapag ang nakita niya kagabi.

"Wala ba kayong gastusin sa school? Napapansin kong hindi ka na nagbabanggit ng kailangan mo sa school."

Nailang ako bigla sa topic. Simula kasi ng tumugtog kami sa mga bar ay nagkakapera na ako. Hindi na rin ako humihingi sa kanila dahil nahihiya ako. They are paying for my tuition kaya ayaw kong maging pabigat masyado.

"Kumikita naman po ako sa mga gig ko Tita kaya doon na po ako kumukuha."

"Sapat ba ang nakukuha ko duon hijo?" Napabaling ako kay Tito Zach nang binaba niya ang news paper para makisali sa usapan.

"Medyo malaki din naman po ang nakikita ng banda Tito."

"Good to hear that. But If you need some money, ask us. okay?" Tumango ako kahit na hindi ko naman gahawin. Nahihiya na kasi ako.

Akala ko doon na magtatapos ang topic tungkol sa akin pero bigla nalang binaba ni Zhared ang kubyertos niya kaya napabaling din ang parents niya sa kanya.

"How long have you been doing your gigs?"

"Magdadalawang t-taon na." Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"And you let him with that mom?" Kumalabog na naman ang puso ko sa pintas ng tuno ng pananalita niya.

"What's wrong with that? He wants to pursue his talent and it's related to his course."

Bumaling si Zhared sa akin at ngayon mas lalong hindi na maipinta ang mukha. Halos magpakasal narin ang mga kilay, siguro dahil sa ako na naman ang kinampihan ng mom niya.

"Kailangan ba talagang sa bar lahat ng gigs ninyo?"

"H-hindi naman, pero naging regular band na kasi kami sa Bliss k-kaya napermi kami sa bar." Umismid siya sa akin bago nagpatuloy sa pagkain.

"Just let your brother do what he wants Zhared. Wala namang masama sa ginagawa niya."

"He's not my brother mom."

Kinabahan ako ng malala dahil sa sagot niya. Tita Amara looks irritated right now pero bumuntong hininga lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Alam din ni tita na mag aaway lang sila kung kokontrahin niya ito.

Zhared is a good son and he respect his mother pero kapag ang pagiging kapatid ko sa kanya ang pag uusapan ay para siyang bulkan na sasabog.

Tumikhim si Tito Zach at binigyan ako ng tipid na ngiti, as if telling me not to mind his son. "He's performing in your friend's casino bar kaya alam naming safe."

"Sinong kaibigan?"

"Chase Sarmiento." Tipid na sagot ni tito. That's Gael's eldest brother. Natahimik si Zhared at tumingin lang saglit sa akin.

"I heard from your cousin that your staying here for good. Bakit mukhang biglaan naman ata?" Pag-iiba ni tita sa usapan.

Napa-angat ako bigla ng ulo para tignan siya. Naabotan ko tuloy siyang nakatingin na sa akin, he raise his brow as if challenging me to say something. Binalik ko ang tingin sa pagkain habang napapamura sa isip. Fuck. Akala ko magbabakasyon lang siya!

Cupidity [Love Beyond Boundaries #1]Where stories live. Discover now