Kabanata 12

265 13 0
                                    

Broken



Sumiklab ang galit ko ng makitang hinalikan ni Cairo ng mabilis sa labi ang katabing babae.

Natatawa sila sa kung ano mang pinag-uusapan nila habang nakaakbay si Cairo sa sandalan ng upuan niya.

I balled my fist tightly. Nakakagago tang ina. Namumula pa ang babae. Mahinhin ang tawa at halatang soft girl. Mahaba ang maaalong buhok at mestiza. Kapansin pansin din ang chinitang mata dahil nawawala iyon kakatawa. Para siyang diwata sa suot na puting dress.

Agad na pumormal ang anyo ni Cairo nang may umupong matandang lalaki sa harapan nila.

"Hey." Tinawag ni Zhared ang atensyon ko.

Binalingan ko siya, nanginginig ang mga kamay dahil sa galit. Sumunod ang mata niya kung saan ako nakatingin kanina. Nang lingunin ako ulit ay magkasalubong na ang mga kilay niya pero agad din namang kumalma.

"I told you h—"

Hindi ko na siya pinatapos at agad na tumayo para lapitan ang kabilang table.

Fuck. I don't wanna hear it from him. Alam ko na. Kitang kita ko kaya hindi ko na maitatanggi.

Dumapo sa akin ang mga mata ni Cairo dahil sa biglaang pagtayo ko. He's eyes widen in shock. Kitang kita ko kung paano nataranta ang mata niya at tumayo narin.

Kinausap niya ang matandang lalaki bago humakbang para salubungin ako. Nagtaka pa ang babae dahil sa biglaang pag-alis niya sa table nila pero ngumiti rin ito agad at kinausap ang kaharap.

"What are you doing here?" Mariin na tanong niya nang hawakan ng mahigpit ang pulso ko para hilain palabas.

Ayaw ko ng eskandalo kaya hinayaan ko siyang hilain ako.

Masakit ang pagkakahawak niya sa akin pero hindi ko iyon pinansin dahil mas masakit ang nasaksihan ko. Sumisikip ang dibdib ko.

Binitawan niya ang kamay ko nang nakalayo na kami sa restaurant. Kita pa naman iyon.

Nasa gilid kami ng daan. Wala gaanong mga imprastraktura dahil nasa overlooking spot ang lugar.

"Damn. Why are you here?"

"Bakit? Hindi ako pweding pumunta dito?" Matapang na tanong ko sa kanya kahit tumutulo na ang luha ko.

Naiiritang ginulo niya ang buhok.

"You're not supposed to be here."

Sarkastikong tumawa ako. Nababaliw na nga ata.

"Para hindi ko makita ang pagtataksil mo?"

Sinusubukan kong maging matapang sa harapan niya dahil ayaw kung magmukhang katawatawa. Tumutulo man ang mga luha ko ay hindi ko hinayang kumawala ang hikbi.

Hindi siya nakasagot at mariin lang na tinutukan ang daan. Hindi makatingin sa akin.

May dumaan na sasakyan pero wala akong pakialam.

"Kailan pa?"

Mahinang tanong ko. Gustong kuntrolin ang boses para hindi pumiyok.

"Four months." He answered. Hindi parin ako kayang salubungin ang tingin.

Nanghina ako. It was also four months ago when Zhared came back. It was four months ago when he warned me pero hindi ako naniwala.

I don't want to entertain the idea. Kasi hindi ko kayang tanggapin kung sakaling totoo man. Minsan lang ako nagkalakas ng loob na tanggapin kung ano ako. To embrace my true identity.

Kay Cairo lang ako nakaramdam na may taong nagmamahal sa akin. Na kahit hindi ko 'yon mahanap sa pamilyang wala ako ay nandiyan naman siya para saluhin ako kapag hirap nang tanggapin ang mga pagsubok ng mundo.

Cupidity [Love Beyond Boundaries #1]Where stories live. Discover now