Kabanata 6

120 8 2
                                    

Consent

"Gusto mo bang ipag-init kita ng sabaw Reese?"

Tumango lang ako kay manang habang tulala sa mesa namin. Subrang sakit ng ulo ko pagkagising. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi kagabi.

Ang huling ala-ala ko ay nagising ako dahil nagkayayaan silang sumayaw na pero nakatulog din agad.

Pumipitik parin ang ulo ko. Powers na ata 'to. Shit! I won't drink that hard again.

Pagkatapos kong kumain ay bumalik agad ako sa kwarto para matulog ulit. Mamayang hapon ay pupunta ako kay Cairo. He's probably home at noon.

"Babe,  I'm sorry. I had an emergency." Siniksik ni Cairo ang kanyang ulo sa leeg ko. Nanglalambing.

Kanina niya pa ako ayaw tantanan. Sinabi ko naman na naiintindihan ko ang rason niya. He's dad picked him up because they have to go early than expected. Naiwan niya daw ang phone sa pagmamadali dahil iritado ang kanyang ama.

"It's okay, I understand." Hinaplos ko ang kanyang buhok. Nakahiga kasi ako sa sofa niya at siya naman ay nakahiga sa ibabaw ko.

"You're really not mad?"

Nararamdaman ko ang init ng hininga niya sa leeg ko na siyang nagpabilis ng tibok ng puso ko. May kung anong malamig na bumuhos sa sikmura ko.

"Hindi ako galit. Bumawi ka rin naman."

Gumalaw ako sa pagkakahiga para mawala ang kung ano mang naramdaman ko. Bakit ako kinakabahan? Hindi ito ang kabang nararamdaman ko sa tuwing nanglalambing siya ng ganito. Hindi ito excitement.

"Talaga? So you like my gifts?"

Dinalhan niya ako ng maraming chocolates at malaking bouquet. It's not my thing dahil parang babae ba naman ang binibigyan. But whatever, ang importante ay bumabawi siya.

Tumango ako at pinikit ang mga mata. Subrang liwanag sa sala ng condo niya. Sumasakit lalo ang ulo ko. Lintik na hang over 'to ang tagal mawala.

Nagsimulang humalik si Cairo sa panga ko. Dahandahan iyon na akala moy iniingatan ako. Hinigpitan ko ang yakap sa bewang niya.

"Hey." Tawag ko sa atensyon niya pero hindi niya iyon pinansin.

His kisses went to my cheeks at hindi nagtagal ay umabot iyon sa labi ko. I held his nape to deepen the kiss but when I opened my lips to welcome him, an image of me and a guy flash through my head.

Napamulat agad ako ng mata. Fuck, who was that? Subrang bilis ng tibok ng puso ko. Nanlalamig ako sa na alala. Kagabi ba iyon?

When Cairo felt that I'm not responding anymore, he held both my cheeks to deepen the kiss pero imbis na makuha niya ang attention ko ay lalong nanlaki ang mata ko sa ala alang muling bumalik sa akin.

Fuck!

Someone did the same to me last night!

Pinikit ko ang mata para mas maalala ng mabuti ang nangyari. Nasa sala kami. Shit! This can't be. Sinong naghatid sa akin kagabi?

Tinulak ko ng marahan si Cairo para makaahon sa pagkakahiga.

"What's wrong?" Nagtataka niyang tanong.

"I need to go home. Sabi kasi ni tita may ipapasuyo siya sa akin." Totoong may inutos si tita sa akin kanina pero sinabi niyang pagbalik ko nalang daw.

Pwede namang mamaya pa iyon dahil alas singko pa lang naman pero binabagabag ako.

"Ang bilis naman. I missed you." Ngumuso siya.

Hinalikan ko siya sa noo. I don't know but I felt so guilty. Na para bang may ginawa akong kasalanan at malaki iyon.

Cupidity [Love Beyond Boundaries #1]Where stories live. Discover now