Kabanata 11

269 12 1
                                    

Faithful



From: Zhared

Hey. I'm bored :(

To: Zhared

Untog mo ulo mo sa pader.

From: Zhared

You're funny.



Mukha ba akong nagpapatawa? Untog niya nang wala ng makulit.

At baka kapag nauntog niya magising siya at tigiltigilan niya ako. Nasa kabilang kwarto lang nagt-text pa.

Hindi ko na alam kung tama ba ang desisyon ng panginuon na ipagkrus ang landas mamin dito sa mundo.

Maya maya ay narinig ko ang tunog ng gitara galing sa kwarto niya. It's been a week or more when he started learning guitar and it's already paying off. Gumagaling na siya. Noong nakaraan sintonado ang tunog pero ngayun ang sarap nang pakinggan.

Hinihintay ko ngang mangulit siya na turuan ko lalo na at medyo mahirap aralin ang mga chords pero wala. Ma-pride kamo.

"Tapos na ba Reese?"

Tanong ni Tita Amara na kanina pa nakaabang sa island counter namin. Nakaupo sa high stool. Nakasuot ng silk niyang pajama na kulay puti. Ganyan lagi ang suot niya kapag nandito lang sa bahay.

"Opo tita."

Nilabas ko sa oven ang cookies na kakatapos ko lang i-bake. Sunday ngayun kaya nandito kaming lahat sa bahay. Si tita ngalang ang abang na abang sa cookies. Natatakam daw siya dahil nalikop ng amoy nun ang bahay.

"Ito po."

Pinatong ko sa rock ang flat sheet para makakuha siya. Hawak hawak niya ang maliit na tong habang nasa kaliwa naman ang dessert plate.

Malawak ang ngiting kumuha siya roon.

"Salamat!"

Bumalik na siya sa sala para manuod ng k-drama sa malaking flat screen tv namin.

Tumabi siya kay Tito na kanina pa naghinhintay sa kanya para ma-start ulit ang pinapanuod. Nadadamay na naman sa gusto ni Tita.

Kumuka ako ng baonan para pagtabihan si Cairo. Ibibigay ko bukas sa school.

Habang nililipat ko ang iba pang cookies sa malaking glass jar ay sumulpot bigla si Zhared sa kusina.

"Ano 'yan?"

Tinuro niya ang para kay Cairo.

"Cookies."

I answered in a matter-of-fact tone. Bulag ba siya?

"I know. Pahingi."

Aabotin niya sa iyon pero tinapik ko ang kamay niya.

"Para kay Cairo 'yan. Dito ka kumuha."

Inusog ko palapit sa kanya ang jar pero hindi niya iyon tinapunan ng tingin.

Ilalayo ko sana ang baonan pero mabilis niya iyong hinablot. Kumuha siya ng marami at agad tumakbo palayo.

"Ano ba!"

Nanlulumong tinignan ko ang baonan na kanina ay marami ang laman. Pinili ko pa naman ang maraming chocolate chips tapos ngayun iilan nalang ang naiwan.

Nilagyan ko ulit iyon at tinabi na.

Intindihin nalang talaga. May oversized na bubwit. Pataasan pala ng pasensya role ko sa buhay hindi manlang ako na-inform.

Bumuntong hininga ako. Calm down Reese. Inhale. Exhale. May gurang kasi na parang malalagutan ng hininga kung hindi napansin.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama nang may kumatok sa pinto. Sinipat ko ang mukha sa salamin. I'm wearing a plain white oversized shirt and black shorts. Nasa bahay lang naman.

Cupidity [Love Beyond Boundaries #1]Where stories live. Discover now