Kabanata 14

295 12 2
                                    

Zhared's room



"Nasaan na si Seraia?"

Tanong ko nang makarating sa meet up place namin. Siya nalang kasi ang wala. Maaga pa naman at hindi pa masyadong sumisikat ang araw.

"Ewan ko sa isang 'yon. Ang sabi may pupuntahan lang daw saglit." Gavin rolled his eyes. "Babae nga talaga, laging late sa usapan dahil marami pang anik anik sa buhay."

"You should say that in front of her, dude. Para makita namin kung paano ka mabugbog." Tukso sa kanya ni Seven. Napapailing na tumawa lang si Gavin.

They are all wearing black leather jacket and pants, ako lang itong naka hoodie na itim. Suot narin nila ang kani-kanilang elbow pads at knee pads, ako na naman ang wala dahil hindi naman ako nagra-rides.

Naka angkas ngayun si Gavin sa black Ducati V4 niya at nakasandal lang doon si Gael na pangiti-ngiti sa phone. Si Seven naman ay naka-angkas sa black Yamaha R7 niya ng nakatalikod sa manobela. Habang si Logad ay may tinitignan sa black BMW S100RR niya. Damn. They all look so fucking good. Nagmukha tuloy akong ligaw na napulot lang nila sa daan.

Hindi nagtagal ay umingay dahil sa paparating na motor. Huminto sa harap ko ang pulang Ducati V4 rin. Tinitigan ko si Seraia mula ulo hanggang paa. She's cool too. Naka crop top leather jacket, leggings, at black boots. Siya lang ang may pulang motor at helmet. Nang hubarin niya ang helmet at balaclava ay bumagsak ang buhok niya. Ang dating mahaba at straight na huhok ay naka wolfcut na ngayun. Napatulala ako. I always noticed that she has this masculine aura around her, but now that she changed her hair, mas lalong naging malakas ang masculine aura niya. She's now masculine and pretty at the same time.

Ngumisi siya nang makita ang pagkatulala ko sa kanya. "Loving what you see?" Mapanuya niyang sabi na ikinatawa ko. Danm, the confidence was oozing real hard.

"That's Sage for you all." Seven laugh as he correct his position on his bike.

"Ang yabang." Bulaslas ni Gavin na ikinatawa lang ni Seraia. "Inggitero."

Inirapan lang siya ng nagsusupladong kakambal. Pati motor nila kambal, kulay lang magkaiba.

"Akin na gamit mo." Sabi ni Gavin sa akin ng makalapit na. Bitbit niya ang black bag niyang pang rides.

Ibinigay ko sa kanya ang string bag kong may laman ng gamit ko. Ilang pamalit lang naman 'yon dahil uuwi naman kami kaagad bukas. Siniksik niya iyon sa bag niya.

"Kay Seven ka sumakay. Para kay Logan si Gael." Natatawa niyang bulong sa akin.

Nilingon ko si Gael na nakasandal parin sa motor ni Gavin. Tutok na tutok parin ito sa phone niya.

"Gago baka magalit 'yan at 'di na sumama."

Umiling sa akin si Gavin,  malawak na ang ngisi sa kagagohang naiisip.

"Trust me sasama 'yan."

Tumango nalang ako kaya bumalik siya sa motor niya at inayos na ang sariling helmet.

"Helmet mo Reese."

Nilahad sa akin ni Seraia ang dalang helmet at balaclava.

"Mabuti nalang may extra ka, Aia."

Tinanggap ko iyon pero hindi ko alam paano kaya siya na ang nasuot ng balaclava at nag lock ng helmet ko.

Tinapik niya ang helmet. "Now you're good.

"Thank you."

Nilingon ko ulit si Gael, ready na kaming lahat at siya lang itong hindi dahil distracted masyado sa phone niya. Hindi niya tuloy napapansin ang nangyayari sa paligid niya. Tumawa ako ang sumakay na kay Seven na walang angal at binigay lang sa akin ang backpack para ako ang sumuot, alam ata ang pakulo ni Gavin.

Cupidity [Love Beyond Boundaries #1]Where stories live. Discover now