Kabanata 4

79 5 0
                                    

Still looking at me.



Tinanghali ako ng gising dahil sa mga kaganapan kagabi. Tapapatulala tuloy ako sa kisame dahil sa sakit ng ulo ko.

Hindi na nagising si Zhared kagabi kaya kinailangan ko pang ihatid sa kwarto niya. Subrang hirap pa ako dahil sa bigat niya.

He's acting out of his character. Wala naman 'yang pakialam sa buhay ko noon, pinagtatabuyan pa nga ako kapag sinusubukan kong mapalapit sa kanya.

Tapos ngayun sumusubra na sa pakikialam sa buhay ng may buhay. Hindi tuloy mawala sa isip ko ang sinabi niya tungkol kay Cairo.

I know Cairo has been so busy lately pero dahil iyon sa business nila. He can't escape his strict dad. Tanggal ang angas ng isang iyon kapag daddy niya na ang pinag uusapan.

Malamang ay gumagawa lang ng rason si Zhared para guluhin ang buhay ko. Hindi niya ba naiisip na subarang childish ng ginagawa niya?

Bumuntong hininga ako at tinitigan ang cactus plant sa itaas ng bedside table ko. Ayaw kong lumabas ng kwarto at makita ang iniiwasan ko.

Should I get a condo? O kahit apartment lang dahil iyong ang afford ko? Hindi kaya magagalit sila tita? I mean, I'm old enough. Kumikita rin naman ako sa gigs at kaya na nun ang mga pangangailangan ko lalo na at medyo malaki narin ang naipon ko.

Shit!

Bakit ba kasi ngayun pa iyan naging bothered sa existence ko. Can't he just continue being cold and distant?

Nakakairita.

Malakas na palakpakan ang natanggap namin pagkatapos ng huling kanta. Maramirami ang tao ngayun dahil sabado.

"Inuman tayo, wala namang pasok bukas." Lahat sila ay nabigla sa anyaya ko.

Tinaasan ko lang sila ng kilay at tumungo sa isang table. Napapalibutan iyon ng sofang humugis bilog.

"Wow! himala ata at nagyaya ang inosente nating kaibigan."

Mapanuyang puna ni Gael sabay pabagsak na umupo sa harap ko. Sumonod naman silang lahat. Tumabi sa kanya ang kambal tuko niyang si Gavin saka si Seven at nakisiksikan pa si Sereia kahit na maliit nalang ang space makatabi lang si Seven.

Habang si Logan ay tumabi sa akin na sigarado akong iniiwasan na malapit kay Gael at baka siya na naman ang makita. Ang luwang sa side namin dahil kaming dalawa lang.

"May problema ka ba Reese? Hindi ka naman nagyayaya ng inuman ah."

Rinig na rinig ko ang pag-aalala sa boses ni Gavin kaya lalong bumigat ang pakiramdam ko.

"Wala naman, sadyang walang pasok bukas kaya bakit hindi natin pagbigyan si Gael? Noong isang araw pa iyan sabik sa alak."

Napasinghap si Gael at natulala sa akin habng takip takip ng palad ang bibig. Ayan na naman at nagsisimula na, ganap na ganap na naman sa pagiging OA niya.

"Really? so mindful of you ma friend! At dahil diyan ako ang bahala sa alak ngayung gabi! Magpakalunod tayo!"

Walang umangal sa gusto niya, natuwa pa nga ang tropa at hindi sila makakagastos ngayong gabi. Agad siyang tumawag ng server para umorder ng maraming alak.

Gusto ko mang ibahagi sa kanila ang sitwasyon ko ngayun ay isinantabi ko nalang.

Ayaw ko namang sabihin ang pagkakairita ko kay Zhared dahil nandito ang pinsan niya at natatakot akong baka magsumbong si Logan.

I can't share about Cairo as well.  Kaninang umaga pa ako nababagabag dahil hindi ko parin siya makontak. Nag-ooverthink tuloy ako sa mga binitawang salita ni Zhared.

Cairo and I has been in a relationship for 6 months. He's the one who got interested in me first, hindi niya alam hanggang ngayun na naging crush ko siya kaya ako pumayag na ligawan niya.

Nangyari ang first interaction namin sa harap ng computer lab sa school. Nakasalubong ko lang siya noon nang bigla niya akong pansinin. He said "Hi Reese" with a bright smile on his face which caught me off guard. Simula pa noon ay ang dali kong ma-attract sa makakapal ang kikay at lalong lalo na sa may magagandang ngiti.

Nagtaka pa ako noon kung sino siya at bakit niya ako kilala dahil iyon ang pinaka unang na pagkakataon na nakita ko siya.

Tumagal lang ng two months ang panliligaw niya dahil hindi narin ako nagpakipot. Para namang babae kung ganun.

I fell hard dahil sa mga effort niya at sa lambing niyang personalidad. Hindi ko talaga maisip na kaya niyang magtaksil sa akin gaya ng sabi ni Zhared. He's too sweet for that kind of betrayal.

Lumagok ako ng alak na hindi ko na alam kung pang ilan ko na ba. Magulo narin ang tropa at nagkakasiyahan  na pero hindi ko kayang patayan ang energy nila. I'm too preoccupied that I can't hype with them.

Tahimik lang din si Logan sa tabi ko at busy sa cellphone niya. Gusto ko sanang sumilip para ma-distract sa ano mang iniisip at para matukso siya sa ano mang makita ko pero bago ko pa naman maaninag ang screen ng phone niya ay binaba niya na ito. Tumingin siya sa maluyo at tinaas ang kamay niya. Sumunod naman ang mata ko sa kung sino ang tinatawag niya.

Sana pala hindi ko nalang ginawa.

Tumama ang mata ko sa bagong kakapasok lang na si Zhared, tinutukan niya lang ako gamit ang seryuso niyang mukha.

Fuck! Siya na naman.

Binalingan niya ng tingin ang katabi ko at tumango dito bago pumunta sa table ng kakilala para bumati. Kasabay niya si Chase na malawak ang ngiti.

Palipatlipat sila ng table dahil sa dami ng kakilala nila. Dinaig pa ang kandidatong nangungumpanya.

Nanigas ako ng makita kong isang table nalang ang pagitan nila sa amin. Nakatotok lang ako sa magulong  sina Gael, Gavin at Sereia pero ang atensyon ko ay naroon kay Zhared.

He's talking to one of his friend at may babaeng kumapit sa braso niya. She's probably his friend too? Bumalik ang mata ko sa kanya mula sa kamay ng babae at halos mabilaokan ako sa iniinum ng makitang nakatutok na pala siya sa akin.

Umiwas ako ng tingin at kumuha ng isa pang shot. Agad ko iyong tinungga at hindi naiwasang mabalik sa kanya ang mga mata. He's still looking at me. Kahit na nanglalambing ang babaeng nakahawak sa kanya ay hindi niya inaalis ang mga mata sa akin.

What the hell is his problem?

Cupidity [Love Beyond Boundaries #1]Where stories live. Discover now