Pet Peeve
Nang lumabas kami pagkatapos naming magpahinga ay marami na ang mga tao sa bakuran ng Saavedra. May mga mesa na mahahaba at inaayos narin ang mga pagkain.
Nakita ko pa si Logan na tumutulong para buhatin ang letchon patungong mesa. Apat na letchon na ang nakahanay doon. Sa dami ng taohan sa farm nila ay tiyak na mauubos rin ang mga 'yan.
"Letchon mukbang ba ang magaganap?" Natatawang tanong ni Gavin.
"Pag-uwi mo ng manila mukha ka naring letchon." Ismid ni Gael.
"Lakas ng topak mo ah. Badtrip ka parin hanggang ngayon baby?" Sinubukang hawakan ni Gavin ang kamay ni Gael pero winakli niya ito.
"Hala ang gago. 'Di kita girlfriend para suyuin ko. Bati na tayo para kang tanga." Gavin wrapped his arm around him to put him on a headlock. "Parang 'di tayo nagyakapan pagtulog kanina. Lakas mong magtampo."
"Lumayo ka nga Gavin. Nakakairita ka ngayon." Tinulak siya ni Gael.
"May regla ka, baby? Ang sungit mo po." Muling hirit ni Gavin kaya hinabol siya ni Gael para suntokin.
Napailing nalang ako. They're really a match. Naghahabulan na sila kahit busy ang mga tao.
"Parang mga bata." Ani ni Seraia sa tabi ko.
"Hayaan mo na. Mas magtaka ka kung behave ang mga 'yan. Baka aakalain mong magugunaw na ang mundo." Seven shrugged.
Nagsimula na ang kainan pagkatapos nilang mag pray para magpasalamat sa harvest at lahat lahat.
"Reese paunahin mo nga ako, kumukulo na tiyan ko sa gutom."
Sumingit si Gavin sa harap ko. Nakapila na kami para kumuha ng pagakain. Hindi na siya makapaghintay kaya pina-una ko na. Patay gutom.
We gathered in a small table — just enough to cater me and my Friends after we got our foods.
"Para kang hindi pinapakain Gavin. Namumulubi na ba ang Hotel chain ninyo?" Puna ni Gael.
"Ibang usapan kung pagkain Gael. Para namang hindi puno 'yang plato mo." Ngumisi si Gavin pagkatapos ay nag-irapan na naman silang dalawa.
Papalubog na ang araw kaya lalong gumanda ang paligid. The warm rays of the setting sun give off a comforting feeling. The smile on the farmer's face, the laughter, and the setting sun made the moment magical.
Biglang umingay dahil sa papasok na motor sa bakuran kaya napalingon ako. Full gear and all black kaya hindi namin makita kung sino. Pero basi sa tangkad at tindig ay may ideya na ako.
Nang tumigil ang motor ay itinukod niya ang mahahabang binti para ibalanse ang sarili. Kinulikot niya ang lock ng helmet para hubarin iyon, pinasadahan niya agad ng darili ang clean cut na buhok at ginala ang mata sa lugar.
His intense eyes landed on me. Wala sa sarili akong napaatras, humahataw ang kaba sa dibdib. Lampas isang linggo ko siyang hindi nakita huling nagkaharap kami ay puno ako ng galit. Ngayun ay kinakabahan ako ng subra.
I thought I could punch him straight in the face when I see him again. Pero bakit puno ng kaba ang sistema ko ngayun?
Lumapit si Logan sa kanya. Nag-usap sila ng masinsinan. Paminsan-minsan pang napupunta sa akin ang mga mata niya na lalong nagpapasiklab sa kaba ko.
"Oh Zhared apo! Mabuti at nakarating ka. Ang sabi ng papa mo ay nasa business trip kayo. Tapos na ba?" Salubong sa kanya ng Lola niya.
Nagmano siya rito. "Hindi pa tapos la pero nauna na po akong umuwi."
YOU ARE READING
Cupidity [Love Beyond Boundaries #1]
Roman d'amourCUPIDITY (n.) Greed, strong desire