Kabanata 17

198 18 2
                                    

Sinner



"Saan ka natulog kagabi?" Masama ang tingin ko kay Seraia nang lapitan ko siya sa sofa ng sala nila Logan. Naroon narin ang iba.

"Huh? Sa kwarto ni Kuya Zhared."

Padabog na umupo ako sa tabi niya. Kaya pala ibang halimaw ang tumabi sa akin.

"Bakit ka nandoon?" Madiin na tanong ko.

Hindi kami pinapansin ng ibang kaibigan namin dahil nagtatawanan sila sa kung anong nangyari sa kanila kagabi.

"May galit ba ang kuya mo sa akin?" Mahinang bulong niya, sinipat ang iba kung nakikinig ba. Hindi naman.

"Bakit?"

"Papasok na sana ako sa kwarto ko kagabi ng bigla siyang lumabas sa kwarto niya na galit ang mukha." Tumigil siya na para bang inaalala ang interaksyon nila kagabi. "Akala ko nga sisigawan niya ako pero sinabi niya lang na doon ako matulog sa kwarto niya. Aayaw sana ako pero mukhang galit kaya tumango nalang ako."

Umismid ako sa kanya. "Alam mo namang ayaw ko makishare ng kwarto sa kanya."

"Eh sa takot ako." Natatawa niyang tugon kaya napikon ako. Hindi talaga maaasahan ang isang 'to. Kung kailan mo kailangan dun naman nawawala.

Hinila ko siya sa kandungan ko para kilitiin. Naiinis ako. Biglang sumabog ang tawa niya kaya napalingon ang kaibigan namin sa amin. Ngumisi lang sila ng makita ang ginagawa ko. Sanay na sila na ganito kami mag asaran ni Seraia. At kapag napipikon ako ay kinikiliti ko hanggang sa halos hindi na makahinga.

"Tama na Reese!"

Nagwawala na si Seraia sa kandungan ko sa kakatawa. Pinipilit niyang makawala pero niyakap ko ang kaliwang kamay ko sa baywang niya para mapermi siya. Natatawa narin sila Gael.

"Para kang bulati na binudburan ng asin Seraia." Ani ni Gael.

"Wag mong pigilan Reese hanggang hindi na makahinga."

Gustong sugurin ni Seraia ang kakambal pero hindi ko siya pinakawalan. Natigil lang ang katuwaan namin nang biglang umingay ang hagdan dahil sa nagmamadaling bumaba. Napalingon kaming lahat doon. It was Zhared with his messy bed hair. Still topless.

Subrang aga kong nagising kanina habang mahimbing pa ang tulog niya. Sa subrang hiya ko sa nangyari kagabi ay agad akong umalis. Nahirapan pa akong makawala sa yakap niya.

Nang makita niya kami sa sala ay agad dumapo ang mata niya sa akin. Bumuntong hininga siya na parang nabunutan ng tinik. When he realized the position that I was in, his face harden. Bumaba ang mata niya sa kamay kong nakapulupot kay Seraia. He looked furious that Seraia immediately move away from may lap.

Kinabahan agad ako. I felt like I did something wrong. I felt guilty for some reason. Umiwas siya ng tingin at walang imik na pumunta sa kusina.

"What did I do?" Mahinang tanong ni Seraia sa sarili.

Biglang tumawa si Logan kaya napunta sa kanya ang tingin ko. Umiling lamang siya at tumayo para sumunod sa kusina.

Maya-maya lang ay bumalik siya para tawagin kaming mag breakfast.

"We should extend our stay. Nakalimutan kong sabihin na may talon sa dulo ng lupain namin. Baka gusto niyong pumunta?" Logan suggested.

Agad na sumilay ang malaking ngiti sa mukha ni Gavin. Samantalang si Gael ay ngingiti sana pero pinigilan ang sarili. Seven only nodded on agreement.

"But I don't have bikinis for that." Reklamo ni Seraia.

"Mag t-shirt ka nalang! Marami akong t-shirt. Arte arte mo." Sita sa kanya ni Gavin na hindi na maipinta ang mukha ngayon.

Cupidity [Love Beyond Boundaries #1]Where stories live. Discover now