Kabanata 8

315 17 1
                                    

Stick-O

Nang makuha ko na lahat ng kailangang bilhin ay agad akong naghanap na cashier na hindi mahaba ang pila.

"Sandali lang may kukunin lang ako." Biglang sabi ni Zhared nang makarating kami sa pila.

Tumalikod siya agad para umalis kaya hindi ko natanong kung anong nakalimutan niya. Isang tao lang ang  nasa unahan namin at malapit na iyong matapos.

Ako na ang nasa cashier pero hindi parin bumabalik si Zhared. Pabalik balik din sa akin ang tingin ng babaeng cashier dahil hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko. Para tuloy akong bata na iniwan ng magulang sa cashier at hindi alam ang gagawin.

Binalingan ko ulit ang aisle na pinasukan niya kanina at nakita ko siyang kakalabas lang na may kausap na babae. Ang akala ko ay tutungo na siya dito sa akin pero tumigil sila sa paglalakad ng hawakan siya ng babae sa braso.

Sumunod ang mata ko sa kamay niya. Her hand looks so small while holding him. Tsk.

The girl looks so classy. Morena at kulot ang buhok. She smiles so perfectly too.

Makikipaglandian lang pala pinakaba pa ako dito. At bakit naman ako kakabahan? E nasa akin naman ang card. Makakabayad naman ako nang wala siya.

Nang marinig kong tapos na ang cashier ay agad kong binigay ang card para makabayad na. Bahala na si Zhared sa kung ano mang bibilhin niya. Inuna pa ang landi kaya iiwan ko siya.

Pagkatapos ilagay sa echo bag lahat ng pinamili ko ay agad kong binuhat lahat. Medyo nahirapan ako dahil sa dami nun at mabigat pero isinawalang bahala ko dahil sa iritang nararamdaman.

Malayu na ako sa cashier nang mahagip siya ng mata ko. Namamadali itong nagbayad ng kinuha niya habang nakasunod sa akin ang tingin.

Nang makarating ako sa parking lot ay naramdaman ko nang nakasunod siya sa akin. Tumunog ang sasakyan hudyat na unlocked na kaya binuksan ko ang backseat para duon ilagay ang mga pinangbili.

"Why didn't you wait for me?" Marahang tanong niya.

Nakatayu na siya ngayun sa gilid ko. Too close. Hindi ko siya binalingan at sinarado na ang pinto ng backseat.

"Busy ka kaya nauna na ako." Maikling sagot ko.

"Sana hinintay mo ako. Hindi ka naman makakapasok sa sasakyan kung sakaling natagalan ako."

Hindi naman tunog galit ang tono ng pananalita niya pero parang bulkang sasabog na ako sa irita.

Nagkibit balikat na lamang ako at binuksan ang pinto sa passenger seat. Hindi parin siya tinatapunan ng tingin.

Pakiramdam ko sasabog ako sa galit kung sakaling tignan ko siya. Hindi ko naman alam kung anong ikinagagalit ko.

Pumasok na ako at isinara ang pinto kaya naiwan siyang nakatunganga sa labas.

I don't want to talk. Ayaw ko ng mga lumalabas sa bunganga ko kapag galit ako kaya hanggat sa makakaya ko ay mas gugustohin kong manahimik.

Bumuntong hininga siya bago pumasok sa sasakyan. Inilagay niya narin ang echo bag na bitbit sa likud.

Naging tahimik ang byahe pauwi. Hindi niya narin ako sinubukang kulitin. Nang makarating sa bahay ang tinulungan niya ako sa ibang echo bag. Nilagay ko lang ang dala ko sa dining at si tita na ang bahala sa mga iyon.

Pabagsak akong humiga sa kama ko at niyakap ng mahigpit ang unan. I'm being unreasonable. Ang babaw ng rason ng pagkairita ko pero hindi ko rin mapigilan ang nararamdaman.

Cupidity [Love Beyond Boundaries #1]Where stories live. Discover now