With Wings
Halos hindi ko na malunok ang kinakain habang tulala sa aking pinggan. Kahibangan. Iyan lang ang tanging masasabi ko sa kung ano mang nangyari.
Ano bang pumasok sa kukote niya para gawin iyon? Ganun ba siya ka disperadong sirain ang buhay ko? Na ngayong hindi niya mapatunayan na nagtataksil si Cairo sa akin ay ako naman itong gagawan niya ng kasalanan?
He's mad.
He's out of his mind
"May nililigawan ka ba ngayun Reese?"
Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang tanong ni Tita.
"Po?" Kinakabahang tanong ko.
"May nililigawan ka?" Ulit niya sabay tingin sa bulaklak na pinatong ko sa bar area.
Hindi ako nakasagot agad. Anong isasagot ko?
"Stop middling with his business mom." Striktong puna ni Zhared na siyang ikinapula ni Tita.
"Nagtatanong lang naman ako anak. Basted ka ba Reese at dala mo parin hanggang sa pag uwi ang bulaklak?"
Puno ng sinsiridad at pag-aalala ang boses ni Tita kaya nakaramdam ako ng konsensya. Hindi niya alam na ako ang binibigyan at galing iyon sa isang lalaki. Hindi mahirap magsinungaling at sabihin na basted ako. The guilt is eating me that I can't even look at her in the eyes.
"Mom! Stop it. Hindi niya naman iyan dala kung hindi siya basted."
Naiirita na ngayun si Zhared kaya kinakabahan na ako. Alam kong alam niya kung kanino iyan galing.
"Zhared! Watch your mouth. That's my wife." Sumingit na si Tito kaya lalo akong kinabahan.
"What's wrong with you son. Nagtatanong lang naman ako." Hindi makapaniwala niyang tinignan ang anak na hindi manlang natinag.
Tita Amara rolled her eyes at him bago ako binalingan. Ngumiti siya ng matamis.
"Huwag mong habulin kung ayaw sa'yo anak. Ang gwapo mo para maghabol."
Tumawa si Tito Zachary kaya nalipat sa kanya ang lahat ng atensyon namin.
"What?" Natatawa parin siya.
Napunta ang tingin niya kay Zhared bago tumawa ng mas malakas.
"What's wrong with you people?" Nagtatakang nagpabalik balik sa anak at asawa ang tingin ni Tita. Naguguluhan.
"Nothing. I just remembered someone. Mukhang magaling maghabol."
Ngumisi si Tito bago bumalik sa pagkain.
"Ang weird niyo huh. I felt so left out." Sumimangot siya sa asawa at umirap.
"Anyway, iyong pinapasuyo ko sa'yo Reese. Natapos ko nang ilista kaya kung hindi ka busy ay ipapabili ko sana."
Tunayo siya para kunin ang nilista.
"Open pa naman sa ngayun ang Savemore. Hindi ko kasi napansin na paubos na pala ang supply, hindi ko tuloy napasuyo kay manang ang pagbili bago siya umuwi."
Binigay ni Tita sa akin ang listahan pati na rin ang card niya. Tinanggap ko iyon at tumayo na dahil tapos narin naman kaming kumain.
Ililigpit ko pa sana ang pinagkainan namin pero pinigilan niya ako. "Ako na diyan Reese."
"Zhared you should go with him. Mas madali kong dadalhin niyo ang sasakyan. Hindi pa marunong magmaniho si Reese at mahirap magcommute na maraming dala." Utos ni Tita sa kanyang anak.
Naghuramentado agad ang puso ko. Bakit ba nakakaramdam ang panahon at ngayun ay pinaglalaruan ako? Kung sino pang iniiwasan ay iyon pa ang pinapadikit sa akin. Laro naman.
"Okay. I'll get the key." Tumayo na siya.
"Magbibihis lang ako."
Hindi ko na siya nilingon pa at agad pumunta sa bar area para kunin ang chocolates at bulaklak bago umakayat.
Nagpalit lang ako ng grey sweatpants at white hoodie. Inabot ko narin ang white baseball cap ko bago lumabas ng kwarto.
Nang pababa na ako ay gusto kong bumalik at magbihis ulit. Zhared was standing at the living room, wearing his white t-shirt and gray sweatpants.
Ano to? Matching outfits?
Nilalaro talaga ako ng panahon!
Napunta sa akin ang mata niya nang marinig niyang may bumababa sa hagdan. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Shit. Nahiya tuloy ako at baka isipin niyang ginaya ko siya.
"Let's go?"
Tumango lang ako at sumunod sa kanya palabas.
Katahimikan. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin sa loob ng sasakyan. This is so awkward. Kailangan ko na talagang matutong magdrive. This can't go on lalo na at iniiwasan ko siya.
Tumingin nalang ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang mga ilaw na lumalaro sa mata ko.
Mayamaya lang ay nakarating kaagad kami, halos tumalon ako palabas makalayo lang sa kanya.
"Pwedeng hintayin mo nalang ako rito." Sabi ko ng hindi siya tinitignan dahil bumaba rin siya ng sasakyan.
"That's gonna be boring as hell." Pinatunog niya ang sasakyan hudyat na ni-lock niya iyon.
Nagkibit balikat lang ako at nauna ng pumasok. Bahala siya sa kung anong gusto niya.
Malapit ko ng matapos ang nakasulat sa listahan ni Tita at sunod ng sunod lang siya sa akin. Inagaw niya pa ang cart at siya na ang tumutulak.
Pinagpapawisan ako kahit may aircon naman. Tahimik lang siya at pinagmamasdan lang ako. Pakiramdam ko tuloy hindi ako pweding magkamali.
Nang nasa toiletries section na kami ay namula ako sa nilista ni Tita. Kasama pala pati sanitary pads niya!
Okay lang sana kung ako lang pero subrang awkward na merong higanting sumusunod sa likud ko. Sa subrang tangkad niya ay naagaw niya agad ang atensyon ng mga babaeng naroon na sa aisle.
We looked so out of place. Kami lang ang lalaking naroon. Nahagip ko pa ang pagpula ng pisngi ng isang babae habang nakatingin sa lalaking nasa likud ko.
Tsk. Edi feel na feel ng isa riyan.
I rolled my eyes bago hinablot ang ilang packs ng pads na kasing pangalan ng nasa listahan.
"That's not it." Biglang sabi niya na ikinatigil ko.
"Huh?" Naguguluhang tanong ko kasi tama naman.
"Nakalagay sa listahan na with wings at no wings ang kinukuha mo."
Naguguluhang tumingala ako sa kanya habang hawak ang isang pack. Hindi ko alam na subrang lapit niya na pala kay nang tumingala ako ay napasandal ako sa kanyang dibdib.
Ngumiti siya na para bang natutuwa sa pagkalito ko. Yumuko siya at may tinuro sa packaging ng hawak ko. Sumunod naman ang mata ko roon at may nakalagay nga na 'no wings'.
"May pinagkaiba ba?" Tumingala ako ulit sa kanya pero halos mapapitlag ako nang tumama ang ilong ko sa pisngi niya.
Hindi pa pala siya umaahon sa pagkakayuko. Tumawa siya ng mahina dahil sa reaksyon ko at umayos ng tayo.
"Probably." Maikling sagot niya habang binabalik ang nakuha ko na kanina.
Napakamot nalang ako ng ulo at pinalitan ko naman iyon ng sinasabi niyang 'with wings'.
"This is kinda complicated." Mahinang sabi ko.