Ice cream
"You won't come inside?"
Tanong ni Cairo nang tumapat na kami sa building ng unit niya. Ilang blocks lang kasi ang layu nun sa school kaya pwede lang lakarin. Hindi na nagdadala ng sasakyan at pahirapan daw sa parking lot.
Umiling ako sa kanya.
"I can't. Nagpapasama si Zhared mamaya sa mall dahil magpapatulong raw bumili ng gitara."
Ewan ko sa isang 'yon at bakit nagka-interest sa gitara. Siguro ay nainggit nang makita akong tumugtog noong nakaraan. Gaya gaya rin eh. Walang originality.
"Malapit na pala kayo ng kapatid mo?"
"Hindi rin. Pinagbibigyan ko lang para hindi na magkaroon ng away."
Ngumisi siya at ginulo ang buhok ko.
"That's my babe. Subrang bait."
Agad na umahon ang kayabangan sa akin.
"Aba ako na 'to."
Kinindatan ko siya na siyang ikinatawa naming dalawa. Hindi rin ako nagtagal at umalis na.
"Lead the way."
Pinapauna akong maglakad ni Zhared nang makarating kami sa mall. Halatang walang kaalam alam sa bagay na gusto niyang pasukin. Ni area kung nasaan ang mga instrument ay hindi niya alam.
Habang naglalakad kami papuntang second floor kung nasaan ang brand ng gitara ko ay napapansin kong panay tingin ng mga taong nadadaanan namin sa likod ko.
Karamihan nun ay mga babae pero may nahahagip rin akong lalaki na napapalingon.
Edi wow. Siya na ang malakas ang dating. Sino ba naman kasi ang hindi mapapalingon kung ganyan ka tangkad. Matangkad ako pero kapansin pansin parin ang agwat ng height namin. He's still wearing his corporate attire. Wala ngalang ang coat, naka itim na slacks at ang pangloob na long sleeve polo dress shirt ay nakayupi ang manggas hanggang siko, samahan pa ng rolex na relo.
Ang linis niyang tingnan lalo dahil mas tumingkad ang kaputian dahil sa ilaw ng mall.
Naconscious tuloy ako. Nakauniform pa ako ng school namin. Hinila ko kaunti ang laylayan ng polo ko. Inaayos. Baka magmukha akong basahan sa tabi ng isa diyan.
"Good evening sir. Bibili po ba kayo ng gitara?"
Agad siyang sinalubong ng isang sales lady. Palipatlipat ang tingin sa aming dalawa.
"Ah opo, siya ang bibili."
Nginuso ko si Zhared. The girl's face lightened. Tuwangtuwa na ngayun kasi gwapo ang kailangan niyang i-entertain.
Gwapo naman ako ah. Pinasadahan ko ng daliri ang wavy mullet na buhok. Laging messy ang buhok ko dahil nakagawian kong suklayin ng daliri.
"This way sir."
Lumingon si Zhared sa akin na akala mo ay batang naliligaw. Kalaking tao kailangan pang sabayan. Akala ko ba independent 'to?
Tumango ako sa kanya, assuring him that I would follow behind.
Maraming suggestions ang sales lady at lahat iyon ay ang mamahal. Aba ayos. Halatang sabik na sabik magkaroon ng benta.
"Para saan ba? Bakit gusto mong bumili?" I asked.
Baka madala sa sales talk at mapasabak sa presyo. Alam ko namang afford niya pero hindi naman siya ang tipo na mahuhumaling talaga sa instrumento ng matagal. Sayang lang din. Para pa namang pantay pantay lang sa paningin niya lahat ng nandito.