Kabanata 5

104 5 1
                                    

Someone else's.



Hindi nagtagal ay lumapit narin sila sa table namin. Nanatili ang mata ko mga kaibigan ko kahit na nararamdaman kong hindi parin nawawala ang titig niya sa akin.

Ramdam ko iyon.

"Hi! Pwede makisali sa table ninyo?" Nagagalak na tanong ni kuya Chase.

Agad nawala ang malawak na ngiti ni Gael nang lingunin niya ang kapatid. Halos magpakasal narin ang mga kilay niya sa inis.

"What the fuck do you want kuya?" Madiin ang pakakasabi niya 'nun.

Tinaas ni Kuya Chase ang dalawang kamay na parang sumusuko sa mga pulis. Tunawa siya at puno ng adorasyon ang mga matang tumingin kay Gael.

"Chill. Gusto ko lang namang makipag bonding sa'yo. Hindi ka na dunadalaw sa bahay."

Pumungay ang mga mata niya ngunit agad din namang nawala dahil sa ngisi niya.

Namula ang mukha ni Gael at inirapan ang kapatid niya. "Whatever."

Sa pagkakaalam ko ay sa mga grandparents nila nakatira si Gael.

"I guess that's a yes."

Tumawa ito ng malakas at pumunta sa kaliwang bahagi ng sofa para tumabi sa akin. Kaharap niya ngayun ang kapatid niyang nakasimangot sa kanya.

"You have a lot of friends." Si Gael.

"Yes and they're not you. I miss my little brother."

Napasinghap si Gael sa sinabi niya na agad namang ikinahalakhak ni Seven. Tinukso rin siya ni Gavin kaya mas lalong namula ang kanyang mukha.

Tumawag ng server si kuya Chase para dagdagan ang alak namin. Bumaling ako sa kasama niya kanina na ngayun ay nakaupo na sa tabi ni Logan. They're talking in a low voice. At dahil pinapagitnaan namin si Logan ay lumagpas ang kanyang tingin sa akin.

Kinabahan agad ako.

Bakit ako kinakabahan? Siya nga dapat itong kabahan o mahiya dahil mga pinanggagawa niya kagabi. Kung ano ano ang mga pinagsasabi.

Sumimangot ako at inirapan siya.

Nang dumating ang dalawang case ng beer ay agad kong kinuha ang porter. Porter at Heineken ang mga iyon. Inabot ko ang churchkey para buksan iyon at binigay kay kuya Chase.

Ngumisi siya sa akin at nagpasalamat. Ngumisi lang din ako at kumuha ng para sa akin.

Lumagok agad ako. Ramdam na ramdam ko ang lamig non sa lalamunan kaya napapikit ako.

Pagkamulat ko ng aking mata ay agad kong narinig ang boses niya. "Give me one."

Hindi ako kumibo dahil akala ko si Logan ang kausap niya pero nang hindi gumalaw ang katabi ko ay napabaling ako sa kanila.

Nang tumama ang mga mata namin ni Logan ay tinaasan niya lang ako ng kilay. He's unbothered!

"Rhee." Agaw niya sa atensyon ko.

Tumagos patungo sa kanya ang tingin ko at tinuro niya ang beer na nasa kabilang dulo ng table.

Bumuntong hininga ako at kumuha ng isa doon. Inabot ko sa kanya pati ang churchkey. Hindi niya iyon tinanggap at galit na tinutukan lang.

Nang iangat niya sa akin ang tingin ay tinaasan ko siya ng kilay. Umirap siya bago iyon kunin sa kamay ko.

"You can open someone else's beer but not mine." Supladong puna niya.

Nalaglag ang panga ko dahil sa ka artehan niya. Humalakhak naman ng mahina si Logan. Hindi siya nakatingin sa amin pero alam kong nakikinig at binabantayan niya ang galaw namin. Wala siyang choice dahil nasa gitna siya.

Nilingon ko ang iba kung narinig ba nila iyon at baka ma-offend si kuya Chase pero wala naman.

Busy silang lahat kakatukso sa namumulang si Gael. Hindi ko nga alam kung dahil iyon sa alak o dahil nahihiya siya.

Sa pangalawang bote ko ng porter ay dumating iyong babaeng nakakapit kay Zhared kanina. Lasing na ito at malawak ang ngiting kumapit ulit sa braso niya.

Umupo ito kaya napaurong si Logan at Zhared para bigyan siya ng espasyo.  Umurong din ako ng kaunti para hindi maipit ni Logan. Kasya naman ang lima sa sofa pero siksikan na kung ganoon.

Inalis ko ang mata sa kamay ng babae at umirap sa kawalan. Ang lalandi. Hindi manlang nagpaalam kung okay lang ba na makisawsaw siya dito. Bastos.

Umirap ako ulit at tinuon nalang ang atensyon sa alak.

Nakikitawa lang ako sa mga kaibigan kong subrang hyper na. Kung saan saan na umaabot ang usapan nila. Binubulgar kasi ni kuya Chase ang mga kabulastohan ni Gael noong bata pa ito.

Hindi nagtagal ay nagsisimula naring bumigat ang pilikmata ko. Di ko na nasundan kung ilang bote na ba ang naubos ko at ngayun ay umiikot na ang paningin.

Tulog na si Sereia sa tabi ni Seven. Ganyan naman iyan lagi. Kapag tinamaan na ng alak kahit gaano pa kaingay ang paligid ay nakakatulog parin siya.

Nang hindi ko na kaya ang pagkakahilo ay sumandal ako sa balikat ni kuya Chase. Ayaw kung sumandal kay Logan dahil maririnig ko ang mga bulong nong babae kay Zhared. Maiirita lang ako.

"Pasandal Kuya." Bulong ko kay kuya Chase na lumingon siya sa akin. Nabigla ata sa inasta ko.

"Aw. You're drunk little one?" Natutuwa niyang tanong sa akin habang inaakbayan ako.

Nahiya ako pero dahil nahihilo na ay tumawa lang ako ng mahina at tumango sa kanya habang nakapikit.

"It's okay, just rest for a while." Inayos niya ang ulo ko sa kanyang balikat kaya mas lalo akong sumiksik sa kanya.

He's so welcoming and has a brotherly aura kaya comfortable ako.

"Rhee."

Narinig ko ang tawag ni Zhared sa akin pero hindi ko na pinansin. Subrang comfy ng pwesto ko kaya tinatamaan na rin ako ng antok.

Naramdaman kung gumalaw ang katabi kong si Logan. Nawala siya at mayamaya ay umupo rin naman.

"Hey."

Boses iyon ni Zhared. Gusto ko mang magmulat dahil biglang lumapit ang boses niya ay hindi ko magawa. Subrang hinihila na ako ng antok.

Cupidity [Love Beyond Boundaries #1]Where stories live. Discover now