It's all yours
Nagpatuloy ang inuman na halos hindi na ako makagalaw. Sinasalo niya rin ang shots na para dapat sa akin. Para akong bulkan na sasabog na sa inis. Why does he kept meddling with me?
Tumaas na ang kilay ni Logan nang kunin ulit ni Zhared ang shot ko.
"Ayaw mong uminon Reese." Logan asked.
Umiling nalang ako sa kanya para hindi na humaba ang usapan.
"You should drink bud. Let's celebrate! You're finally single!"
Umakbay sa akin si Gael na mukhang lasing na. Lagi naman. Unang natutumba sa inuman. I'm not a heavy drinker but I'm not easily drunk as him. Natatalo pa siya ni Seraia sa pataasan ng tolerance.
"Gael." Saway ko sa kanya nang binigay niya sa akin lahat ng bigat niya.
Hinawakan ni Zhared ang balikat ko dahil muntik na akong masubsob sa mesa.
"Oh sorry! My bad." Humagikhik lang si Gael kaya hinila na siya ni Gavin pabalik sa upuan niya.
"Are you okay?" Zhared asked as he check me. Para namang nagalusan ako sa nangyari.
"I'm fine." Tinapik ko ang kamay niya at tumayo. "Rest Room lang ako guys." Paalam ko sa kanila.
Hindi na ako babalik. I can't drink in that kind of set up. Halos wala ng alak sa sistema ko dahil kay Zhared. Kanina ramdam ko nang natatamaan na ako pero agad na nahimasmasan sa mga pinanggagawa niya. He's making me uncomfortable as fuck.
Imbis na bumalik sa labas at makisabayan sa inuman nila ay kumuha na ako ng damit para makaligo. Matutulog na ako.
Pagkatapos kong magbihis ng pajama pants at white t-shirt ay agad akong lumabas ng kwarto ni Zhared. Hindi ako matutulog dito. I won't even entertain the idea of us sharing a room. Sa crowded ang bukas nga na space halos hindi ako mapakali. Noon hinahayaan ko siyang pumasok at tumambay sa kwarto ko para hindi na siya manggulo. Pero pagkatapos ng panghihimasok niya sa amin ni Cairo ay napigtas na ang pasensya ko sa kanya. I can't tolerate him anymore.
Humiga ako sa kama ni Seraia. Dito ako matutulog sa kwarto niya. What happened a while ago made me realize that Seraia was my first kiss with a girl. It might have been an accident, but our lips met for just a second—literally, just a second. Wala namang malisya iyon pero hindi ko lang ini-expect na siya pala ang magiging unang halik ko sa babae.
Tumawa ako ng mahina. She might use that to irritate me. Knowing her, masyadong mapangtukso.
To Seraia:
Miss, nandito ako sa kwarto mo.From Seraia:
Hindi ka na babalik?To Seraia:
Nope, I'm sleepy na po.From Seraia:
Alright. Sleep on the right side of the bed, I love sleeping on the left.To Seraia:
NotedBinaba ko na ang phone ko sa bed side table. Kanina ko pa nilalabanan ang antok. Tinablan agad ako ng antok kanina ng maramdaman kong malinis na ang katawan ko. The refreshing and cold feeling after the shower made me want to snuggle up with a pillow and sleep comfortably.
Mahimbing na ang tulog ko habang yakap ang isang unan nang maramdaman kong umuga ang kama.
"Seraia," I called in a low voice, my face still buried in the pillow I was hugging.
I felt her arm hugged me from the back. Umusog ako ng kaunti para mas mayakap niya ako. When she felt me move, she immediately wrapped her arm around my waist and pulled me completely to her.