From: Mama
Aral muna diyan Karylle ha. Mamaya mo na siya isipin when your class is done. Mwah ;)
Napangiti naman si Karylle nang mabasa niya ang text ng kanyang ina habang nasa gitna siya ng klase. Nahuli naman siya ni Professor Vhong na hawak ang kanyang cellphone, pero hindi na niya ito tinawag pa dahil ayaw nito na mapagalitan pa si Karylle. Pagkatapos maibalik sa bulsa nito ang cellphone ay bumalik na ang atensyon nito sa kanyang guro na nahuli pa niyang nakatingin sa kanya. Karylle looked away dahil alam niyang nahuli siya ni Vhong. He smiled back at her at napayuko naman siya dito.
Pagkatapos ng klase nila ay palabas na sana si Karylle ng silid-aralan nila ngunit hinawakan naman ni Vhong ang braso niya kaya nanatili pa muna sila doon ng ilang minuto. Naguluhan naman si Karylle sa akto ng guro niya pero binalewala nalang muna niya ito. "Lagot. I hope he doesn't confiscate my phone..."
Vhong was lost for words. Gusto niyang kausapin si Karylle pero di niya maintindihan kung bakit walang lumalabas na salita sa bibig niya. Kaya naman pinangunahan nalang siya ni Karylle. "Sir? Uhm.. Pasensya na kanina. Si-si mama kasi nagtext.."
"Hindi.. Okay lang yun." dahan-dahan naman niyang kinuha ang kamay niya na nakahawak pa rin sa braso ng dalaga. "Ay s-sorry.."
She looked away dahil sobrang naiilang na siya sa nangyayari. "May kasalanan po ba ako, sir?"
"No. Wala naman. Gusto lang talaga kita makausap.. Kung pwede?"
"Sure po."
"Tara meryenda tayo. Treat ko na." nang makita niya ang nakangiti niyang prof ay bigla na naman siyang nakaramdam ng kakaiba. Dahil sa suot na salamin ni Vhong ay may ibang mukha naman siyang nakikita.. Si Vice. Hindi na rin nakatanggi si Karylle dahil sa hinawakan na muli ni Vhong ang braso niya at hinatak na siya palabas ng kwarto.
............
Pagdating sa kanilang school canteen ay pinaupo na ni Vhong si Karylle. "Anong gusto mo?" sobra namang nahihiya si Karylle kaya di na naman ito nakasagot. "Ah sige sige. Ako na bahala. Basta diyan ka lang." umalis naman si Vhong para bumili ng pagkain, leaving Karylle by herself sa table nila.
Karylle's POV
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang naging ganito. Hindi naman kami close ni Sir Vhong pero...
Tip no. 4. Socialize.
That's it! Siguro naman close si Sir Vhong at Vice? I'm sure pag naging close na rin kami ni Prof Vhong, baka ilakad pa niya ako kay Vice. OMG. Ang talino mo talaga Karylle. Okay wait. Dapat hindi ako ma-awkward ngayon sa kanya kasi nakikipagkaibigan siya. Malay mo, kinausap siya ni Vice na maging malapit siya sakin para mas makilala niya ako. Oh my G!!
Hala ka Karylle.
As far as I know, yung kulot mong buhok lang ang makapal sa'yo. Ngayon pati ba naman mukha mo? Vice really changed you a lot!
"Okay lang ba 'tong hopia at pansit? Kumakain ka ba nito?" pagkatingala ko, nasa harapan ko na pala si Sir Vhong. I gave him a huge grin and nodded in return.
"Yes.. Actually favorite ko to! Thank you po!" nakita ko namang ngumiti siya ulit dahil sa tuwa. In fairness talaga kay Anne, gwapo nga talaga si Prof. He looks nice din. Pero na bother na ako, gusto ko na talaga malaman kung bakit niya ako gustong kausapin. Aamin na ba si Vice na gusto niya ako? "S-sir.. Bakit nga po pala tayo nandito? I mean.. Bakit gusto mo akong kausapin?"
BINABASA MO ANG
The Beki Professor
FanfictionDumating na ba ang isang time na nagkagusto ka sa sarili mong professor? May pag-asa kayang magustuhan ka rin ng teacher mo hindi bilang estudyante, kundi bilang karelasyon niya?