Tumagal ng higit isang oras si Karylle sa loob ng Faculty kasama si Vhong. Pati ang iba nitong mga katrabaho ay sumama na rin sa kanilang chikahan, maliban nalang kay Professor Vice. Pinagmamasdan lang siya ni K sa malayo at nakikita naman niyang busy nga ito sa kanyang lesson plan at laptop.
"Bakit naman wala kang boyfriend eh ang ganda ganda mo?" tanong naman ni Teacher Jasmine habang nililigpit ang kanyang mga gamit for her next class. Karylle shyly smiled and didn't know how to answer the question.
"Wag kayo mag-alala.. Soon meron na yan." napatingin naman silang lahat sa direksyon ni Vhong na nagulat naman sa sarili din niya. "I-I mean.. Malay niyo? Nandito pala sa HU U ang soulmate niya."
Lalo naman silang natahimik nang lumakad palabas ng faculty room si Vice at napalakas din ang pagsara niya ng kanilang pintuan.
Nagulat naman si Teddy sa inasal ng kaibigan nila. "Ano problema no'n?"
"Ewan ko. Baka nga nag-away sila ng boyfriend niya.." sumbat naman ni Vhong which caused Karylle to feel disappointed.
"May boyfriend nga siya..." sabi niya sa sarili niya.
.
.
.
.
.
"Sige Sir Vhong okay na ako dito." she smiled at him after he handed her things sa kanya.
Vhong rubbed his neck and smiled back at her. "Wala yun. Ikaw pa ba."
Palabas na sana ng room si Karylle nang tinawag na naman ulit siya ni Vhong. Lumingon naman siya kaagad.
"Pwede bang.. Ano. Pwedeng.." she started to get confused based on how he acted sa harapan niya.
"Sir Vhong?"
Huminga naman ng malalim si Vhong at kumuha ng lakas ng loob para tanungin si Karylle.
.
.
.
.
.
.
"Pwede ba tayong magdinner?"
-------------------
Oras na ng uwian at naglalakad naman si Karylle mag-isa papunta sa parking lot para makauwi na din. Kausap naman niya ang sarili niya habang malalim ang iniisip.
"Hindi ko na talaga maintindihan. Akala ko ba tanggap ko na kahit bakla siya gusto ko pa rin siya? Pero parang hindi.. Of course he's gay. He has a boyfriend. And who am I to tell him to break up with whoever that guy is, para maging kami na lang?" napatigil naman siya sa paglalakad niya nang makita niya si Vice sa parking lot katabi ang sasakyan nito at may kausap na isang lalake. Kumirot bigla ang dibdib niya dahil siya na mismo ang nakakita this time. Confirmed. May boyfriend nga ang crush niya. Napagdesisyunan niyang umalis na kaagad nang makita pa niyang nagyakapan ang dalawa. "Hindi ko na kaya.. Ang sakit."
Pagpasok niya ng sasakyan niya ay hindi na niya mapigilan ang mapaiyak. Nagmumukha man siyang tanga ay hindi na importante iyon para sa kanya. Ang alam lang niya ay hindi niya nagustuhan ang kanyang nakita kanina lang.
Mabuti nalang at nasa parehong lugar din si Anne na nakapark lang din pala sa harapan ng sasakyan niya. She saw Karylle crying inside her car, kaya bumaba muna siya para mapuntahan ang kaibigan. The doors were locked, kaya kumatok muna siya. Karylle saw her kaya pinagbuksan din niya agad ito. As Anne took a seat beside her, ay nagsimula na rin itong nagtanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Beki Professor
FanfictionDumating na ba ang isang time na nagkagusto ka sa sarili mong professor? May pag-asa kayang magustuhan ka rin ng teacher mo hindi bilang estudyante, kundi bilang karelasyon niya?