The Third.. Party.

15.1K 540 183
                                    

Dalawang linggo na ang lumipas pagkatapos umamin si Karylle ng kanyang nararamdaman tungo kay Vice. Dalawang linggo na ring hindi nagkikibuan ang dalawa. Kahit sa klase nila'y puro dedmahan sila. Pati mismong mga kaklase ni Karylle ay nagtataka na rin kung bakit hindi na siya kasing sipag na mag recite kagaya noon at kung bakit di na siya pinapansin kahit siya ang favorite student umano nito. Sa tuwing papasok na si Vice sa kanilang kwarto ay umiiwas ng tingin ang dalawa sa isa't isa.

Vice was back to his old self. Masungit. Suplado. Strikto. Ikinalungkot naman ito ni Karylle pero sadyang nasasaktan din siya dahil naiisip niyang malaki nga ang pinagbago sa pagkakaibigan nilang dalawa simula nung masabi na niya ang totoo niyang nararamdaman dito.

"Okay class pakipasa na yung mga papel niyo. I just want to remind you that I wont be around sa Thursday and Friday. Di niyo kailangan pumasok ng maaga. I'll be back on Monday." sa narinig nila'y nagsigawan naman ang lahat, except for Karylle na nakatingin lang sa malayo. 

"San ka pupunta Prof?" Coleen curiously asked him.

"I'm ah.. Just.. I'll be away for a certain conference."

"Four days na conference sir?" dagdag ni Marian which made Vice stare at her direction. Nakita niyang umiiwas pa rin si Karylle kaya yumuko nalang siya ulit at inayos ang mga gamit niya. "Two days lang actually. But I just need a little break. May bibisitahin lang din ako after that." dedma pa rin si Karylle pero sa totoo'y napapaisip na naman siya sa kung sino na naman ba ang dadalawin ng guro niya. Gustuhin man niyang magtanong, pero hindi rin niya magawa dahil sa ilangan nilang dalawa.

Pagkatapos ng klase, sinama naman muli ni Karylle ang best friend niyang si Anne sa bahay nila para makahingi na rin ng tulong sa kanyang ginagawang project. 

"I knew it. Kung di ko lang kasi talaga inamin." sabi niya kay Anne na kasama niya ngayon sa bahay nila. "May mali ba sa sinabi ko? I was just being honest."

"Alam mo, I don't think you said something wrong. And come to think of it, di ba he told you na nagseselos siya kay Dingdong? Ano naman kaya yung dahilan? Duh. Karylle. Isip isip."

Napahiga naman siya sa kama niya at napaisip.

"Ahh. Nagtatampo siya. Gusto niya siya lang ang close friend ko na guy kaya nagselos siya."

"Gaga!" isang malakas na hampas ng unan naman ang natanggap niya. "Remember he said na hindi niya alam kung anong gagawin niya nang malasing ka at inamin mong gusto mo siya?"

"Kaya nga. Nandiri siya."

"Pepektusan na kita, K." tumawa naman si Karylle. "Ewan ko sa'yong babae ka. Napakacomplicated mo naman eh. Buti pa kami ni Sir Vhong!"

Umayos naman ng upo si Karylle at bigla siyang naging interesado sa sinabi ng kaibigan. "Ano na ba balita sa inyo? Everytime kinukulit ko siya, wala talaga siyang kinukwento sakin. Sabi niya malalaman ko nalang daw lahat sa tamang panahon. Nakakainis right? FO na talaga kami niyan eh."

Napatili naman si Anne sa sobrang kilig. "Ano ba!!! Paano baaaa. Eh kasi naman eh!!! I know two weeks pa lang pero bakit parang ang close na namin. Sa tingin ko nagugustuhan na niya ako. I think he's about to confess that he likes me."

"Ay nako Anning. Wag mo kong gayahin na asang-asa tapos iiyak kapag naiwan."

"Girl magkaiba tayo. Bakla yung nagpapaasa sayo eh.. ARAY!!" kiniliti naman ni Karylle sa Anne at tawang-tawa naman silang dalawa sa pinanggagawa nila.

------------------

It was already nine in the evening at hindi naman makafocus si Karylle sa ginagawa niyang  research. She decided to go sa terrace nila and stare at the stars. 

The Beki ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon