As he took one step palabas ng eroplano ay nararamdaman din niya ang kirot sa puso niya. Iniwan niya ang taong pinakamamahal niya nang walang sapat na dahilan.
Without the knowledge of his family sa kung nasaan siya, he took a cab papunta naman sa isang hotel sa Los Angeles. On his way, ay patuloy niyang pinagmamasdan ang babaeng nasa wallpaper ng cellphone niya. Ito'y isang selfie ni Karylle na kinuha naman nito nang hindi man lang nag paalam kay Vice. She always loved taking pictures of herself using his phone, and he would never even delete it at all. Isang bagay na gustong-gusto din ni Vice lalo na kapag siya ay nalulungkot, at ito lang ang kanyang nakikita. Buong biyahe lang niyang hawak ang kanyang telepono dahil hindi parin mawala sa isip niya ang mag-alala sa mangyayari kay Karylle pagkatapos niya itong iniwan.
Vice decided to stay in LA for two days, at pagkatapos ay pupuntahan na niya ang kanyang kapatid sa New York.
"Sana maintindihan mo na gagawin ko 'to hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa atin.." sabay patak naman ng kanyang mga luha.
----------
Isang gabi, mag-isang nilibot ni Vice ang LA. Dala-dala parin ang mabigat niyang problema, ay naisipan niyang pumunta sa isang bar para uminom. Maraming tao at silang lahat ay masayang sumasayaw habang siya'y nakaupo lang sa counter at doo'y patuloy na umorder ng maiinom. Kalahating bote na ng whiskey ang kanyang nainom, at pilit lang niyang nilalabanan ang pagkalasing. Hanggang sa may isang babae namang umupo sa tabi niya. Nagulat nalang siya nang may isang bagong inumin na sa harapan niya. Nalilito niyang tiningnan ang babae at kinausap ito.
"Excuse me, miss? Is this yours?" tanong naman ni Vice. Natawa naman ito sabay tungga rin ng inumin niya.
"I know you're going through something. Don't worry because me and my boyfriend just broke up too that's why i'm here. Wag ka mag-alala sasamahan kita."
Dahil dito ay kinuha naman ni Vice ang baso at tinaas ito.
"Cheers.." sabi niya.
"I'm Angel." sagot naman ng dalaga sabay abot ng kanyang kamay kay Vice.
"Jose Marie Viceral. Vice nalang for short. Nice to meet you, Angel."
Halos buong gabi ay silang dalawa nalang ang magkausap. Hindi na rin naubos ni Vice ang inumin niya dahil sa pagiging abala niya kay Angel. Masaya naman siya dahil sa kahit sandali ay hindi niya tinago ang kanyang problema. Kahit hindi niya hilig ang ikwento sa ibang tao ang kanyang mga pinagdadaanan, ay naging exception naman si Angel. Bigla nalang niya naramdaman na magaan ang loob niya dito kaya hindi narin naging mahirap sa kanya ang ibahagi ang kanyang buhay lalo na sa nangyayari sa kanila ngayon ni Karylle. Angel started sharing about her past relationship as well. Naikwento nitong pangalawang beses na nilang sinubukan ng ex nya na ayusin ang relasyon nila, pero sadyang hindi ito nagwork. Dahil dito, lalo namang nadagdagan ang kaba ni Vice.
Alas dos na ng madaling araw nang maisipan nilang umuwi. Kulang pa kasi sa tulog si Vice dahil sa kanyang biyahe papuntang Amerika.
"Sige na Jose Marie my labs sumabay ka na kasi sakin. Wag ka mag-alala sa ganda kong 'to di ako rapist." malakas namang natawa si Vice dahil sa sinabi ng bago niyang kaibigan.
Wala na rin siyang nagawa dahil sa pamimilit ni Angel kaya sumakay nalang siya sa sasakyan nito. "Kadiri ka my labs. Tara na nga lasing ka na!"
Pagdating sa hotel ni Vice ay pormal namang nagpaalam si Angel. "Basta pag ayaw na sa'yo ng girlfriend mo, andito pa ako ah. Gwapo ka pa naman."
BINABASA MO ANG
The Beki Professor
FanficDumating na ba ang isang time na nagkagusto ka sa sarili mong professor? May pag-asa kayang magustuhan ka rin ng teacher mo hindi bilang estudyante, kundi bilang karelasyon niya?