1..2...3. Kalma.

13.6K 552 269
                                    

  "This isn't Vhong. This is Vice."

.

.

.

Nang marinig ito ni Karylle ay bigla na lang niyang nabitawan ang kanyang telepono kaya nagulat naman si Vice sa kabilang linya dahil sa bagsak na narinig. The call ended as well. 

"Hoooo!!!! Ana Karylle!!! Kumalma ka!!!!! 1! 2! 3! KALMA!" pilit niyang pagpapaalala sa sarili niya. She picked her phone up and looked at her screen. Sobra siyang nanghinayang dahil nawala na sa linya si Vice. "Ayan kasi eh! Ano ka ba naman!"

Binaon na niya ang mukha niya sa unan niya dahil napapasigaw na siya sa sobrang inis niya sa sarili. Sabunot dito. Sampal doon. Nagmumukha na siyang tanga pero okay lang daw. Tumigil naman siya sa pananakit sa sarili nang marinig na nagring muli ang kanyang telepono. 

Tumatawag na pala siya. She quickly answered the call without even looking at the screen first.


.

.

.

.


"Hello Prof Vice? Pasensya na po talaga kanina hindi ko po sinadya."

"Ha? Anong Prof Vice pinagsasabi mo girl? Asang asa ka namang tawagan ka no'n!"  napatawa naman si Anne sa kabilang linya habang si Karylle ay nadisappoint na naman. 

"Ano ba yan. Did you know na tinawagan niya ako before you called?"

"Ano!?" K hurriedly put the phone away from her ear dahil sa sigaw naman ng best friend niya. "Tinawagan ka!? Paano! Binigay mo ba number mo?" gulat na gulat pa rin si Anne sa revelation ng kaibigan niya kaya di niya na naman ito maiwasang kulitin pa.

"No. And I have no idea where he got it." 

"Shet!!! Haha! Grabe na 'to! Iba na talaga 'to Karylle!" 


Karylle couldn't help but smile because of what Anne said. Both started to do some conclusions as to kung sino nga ba at paano nakuha ni Vice ang phone number ni Karylle. 


Napaisip naman si Anne. "Si Sir Vhong? Siya lang naman mutual friend niyo eh."

"Sir Vhong? Imposible. Di niya ibibigay yun sure ako." said Karylle while twisting  her hair using her finger. 

"Why not? Magkaibigan naman ang dalawa eh. At mukhang close sila di ba."

"Haay. Ewan ko. But I really don't think it came from him. Oh! Anyway, yung kanina pala. Nagkabati na kami ni Prof Vhong. We cleared things out and we're finally friends again.." tahimik naman si Anne. "Huy. Promise. I will not take him away from my dyosang best friend. VhongAnne for the win nga di ba?"

Anne giggled and napangiti naman muli si K dito. "Sige na nga. I trust you naman eh. Pero I really don't know kung kailan kami dadating sa kung nasan na kayo ngayon ni Professor Vice. Ibang level na talaga teh! Yung nakita ko kanina, pakiexplain!"

"I know! Lumabas na kulot ko!!! Wala nga yun! Magkausap lang kami baliw."


Napahaba naman ang usapan ng dalawa dahil sa nagsshare na rin sila ng notes sa iilang subjects nila. Nagkwento na rin si Karylle tungkol kay Marian na mukhang may milagro na namang nangyari sa kanila ni Dingdong. Tawang-tawa naman si Anne na hindi maiwasang magsalita ng masama laban dito. K couldn't help but laugh as well dahil ibang-iba talaga kapag best friend na niya ang magsalita tungkol sa ibang tao. Both also helped each other with their homeworks, that's the reason why the call lasted for more than 2 hours. 

The Beki ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon