"Alin ang hindi mo na kaya Miss Tatlonghari?" napatigil naman si Karylle sa paglakad nang tanungin siya ng kanyang professor.
"Ayieeee!!!!" pang-aasar ng buong klase kaya napablush naman siya. Alam niya sa sarili niyang boyfriend na niya si Vice, pero sadyang hindi parin siya makapaniwala kaya apektado parin siya sa mga banat nito.
"Yung kagwapuhan mo po."
"What?"
"Gwapo sana bingi naman. Hay naku." umupo nalang siya at nginitian ang kanyang beki professor na ngayo'y nakatingin din sa kanya na tila ba'y may sinasabing "lagot ka sakin mamaya".
Vice then proceeded to discussing his lesson at pinangako naman ni Karylle sa sarili niya na sa loob ng classroom ay guro niya si Vice at hindi boyfriend. Kailangan niya paring magfocus sa pag-aaral niya kahit may konting distraction siya.
"So we all know that divorce is not allowed here in the Philippines. So if I were you, siguraduhin niyo muna na yung pakakasalan niyo ay handa kayong ipaglaban at mahalin hanggang pagtanda. And of course you need to stick by each other through ups." both of their eyes met before he continued. "..and downs."
Karylle smugged dahil naman sa pinagsasabi ng guro nila. She then thought of a question kaya tinaas niya ang kanyang kamay.
"Yes Miss Tatlonghari?"
"Teka prof. Di mo sinagot tanong ko kanina.. Kung gusto mong magpakasal sa tabi ko, sino naman yung pakakasalan mo? Ang gulo ng sagot mo eh."
"Gusto mo ba talagang sabihin ko Miss Tatlonghari? Mamaya.. magselos ka." nakangiting-aso niyang sinagot ang kanyang estudyante nang makita niyang nag-iba ang reaksyon nito.
"Hala si mars kinikilig!!" sigaw ulit ni Marian kaya natawa naman ang lahat. "Sir wag mo na sabihin baka di na makauwi ng buhay tong si Mars kapag narinig pa niya kung sino yung papakasalan mo. Alam mo bang patay na patay sa'yo.. ARAY MARS!" napaupo naman siya dahil sa pagsabunot ni Karylle.
"Ewan ko sa'yo Marian!"
"As I was saying..." umiling nalang din si Vice at sinimulan na ang pagdiscuss muli ng kanilang lesson.
Karylle's POV
Patuloy ko lang siyang pinagmamasdan habang nagtuturo siya. Is this for real? Hindi ba talaga panaginip ang lahat ng 'to? Akin na talaga siya di ba?
As I sit here listening to everything that he's saying, di talaga ako mapakali dahil kinikilig parin ako. Hindi parin pumapasok sa isip ko na boyfriend ko na 'tong baklang nasa harapan ko. Bakla in a not so obvious way. Or is it? I don't know. And I don't really care at all actually! I can accept who he is even if he's gay or straight.
Straight yan.
Ayan kausap ko na naman sarili ko. Oh Lord. This guy is making me crazy! But I can't even thank you enough for this.
Excited na akong kulotin niya ang buhok ko!
-------------
The bell rang at tumayo naman ang ibang estudyante para lumabas na ng classroom. As usual ay nahuli na naman si Karylle dahil hinihintay niya ngayon si Anne dahil sabay silang kakain ng lunch. When Vice saw na nakasara na ang dalawang pinto sa classroom ay nilapitan naman niya ang kanyang girlfriend at niyakap ito sa kanyang likuran.
"Vice nasa school tayo. Mamaya ka na maglambing." sagot nito. Lalo naman niyang hinigpitan ang kanyang yakap sa nobya. "May problema ba tayo at ganyan ka ngayon sakin?"
BINABASA MO ANG
The Beki Professor
FanfictionDumating na ba ang isang time na nagkagusto ka sa sarili mong professor? May pag-asa kayang magustuhan ka rin ng teacher mo hindi bilang estudyante, kundi bilang karelasyon niya?