Manyak

15.3K 510 233
                                    

"Anne! Anne please wait!" patuloy pa rin si Karylle sa pagtakbo para mahabol ang kanyang kaibigang papasok na sana sa sasakyan nito. Galit pa rin ang mukha nito at ikinatakot naman ito ni Karylle. At dahil sa mabilis siyang tumakbo, ay nahabol din niya ito at hinawakan sa braso. 

"Get your hands off me, K! I don't want to talk to you right now, okay?!"

"No, Anne. Let me explain." 

"Explain what? Na matagal na kayo ni Professor Vhong? Bakit mo nagawa sakin to? You know how badly I like him!" 

Patuloy naman si K na nakinig sa pinagsasabi ni Anne dahil alam niyang hindi tama ang mga hinala nito sa kanilang dalawa ng kaibigan niyang si Vhong. 

"..I can't believe this. Ganito pala yung feeling na sa best friend ko pa mismo mapupunta yung taong gusto ko for a long time." Anne was about to open her car door open nang bigla muli siyang hilahin ni Karylle. "Anne listen to me. Give me a minute to explain. Please." huminahon naman ito at binigay na ang pagkakataon na makapagpaliwanag si Karylle. 

Bago siya magsalita ay kinuha naman niya ang dalawang kamay ni Anne at tiningnan ito sa mata. Sinigurado niyang maramdaman ni Anne kung gaano siya ka totoo sa kanyang mga sasabihin. "I won't make this long na. Believe me. There is nothing going on between me and Sir Vhong." umirap naman si Anne pero nagpatuloy pa rin si K. "Oo, magkaibigan kami. Pero hanggang doon lang yun. Alam mo naman kung sino yung gusto ko. And naisip ko lang, pag naging close na kami ni Vhong, baka pwede niya akong tulungan kay Vice. Yun ang dahilan kung bakit lagi na kaming magkausap.. Para mas lumapit kami sa isa't isa. Please don't think na gusto ko siya. Because I only like him as a friend. VhongAnne fan ako. Ako pa president." nakita naman ni Karylle ang ngiting namuo sa labi ni Anne, she felt relieved. "Best friend kita. Kahit sino pa magkagusto sakin pero gusto mo, hindi ko papatulan yun. You know me. Iilan.. I mean, iisa lang naman ang gusto ko. At beki pa."

"Si Vice.." 

"Exactly!!! Kaya wag ka na magtampo. I promise. Lalayuan ko na si Vhong para sa'yo."

"You don't have to do that, K."

"But I just did. I told him na hindi kami pwedeng maging magkaibigan kasi baka matanggal siya sa trabaho. Sabi kasi ni Professor Vice, pag umabot sa school admins yun, Vhong might get fired. Kaya ayun nung nakita mo kaming magkausap I was explaining things to him na dapat  dumistansya muna kami sa isa't isa. Wala naman--"

"Ano?! Teka!! Girl! Wait!" they decided to sit down inside Anne's car instead dahil ramdam narin nilang dalawa ang init sa labas at mukhang mahaba-habang usapan ito. As she turned on the engine, she then proceeded to her questions. "Kinausap ka ni Professor Vice? About sa inyo ni Prof Vhong?"

"Uhm.. Yes. Why?"

"He's jealous!!! K!! Nagseselos siya! Ramdam ko 'te!"

"Selos? Bakit naman siya magseselos?" tanong naman ni Karylle habang nagsusuklay ng kulot niyang buhok sa side mirror. Si Anne naman ay wala naring masabi dahil sa sobrang slow na naman ng best friend niya. Ilang taon na silang magkasama, at sanay na rin siya dito.

"Gusto niya si Vhong, K."

"WHAT?!" muntik namang maibuga ni Anne ang iniinom niyang tubig sa naging reaksyon ni Karylle "Baliw! Syempre hindi! I think he likes you!" sa narinig niya'y, may parte sa kanyang puso na nagsasabing masaya siya dahil dito. Pero may parte ring galit dahil sa naging eksena nila kanina lang ni Vice.  

"Ayokong umasa.. Masakit umasa."

"Gaga." tanging nasabi ni Anne sabay tawa. "Pagkatapos ng mga kabaliwan mo sasabihin mo saking ayaw mong umasa?! Eh asang-asa ka na nga!" hampas naman ang inabot niya kay Karylle na seryoso paring napapaisip. "Alam mo K, ang hirap sa'yo choosy ka pa. Kung sino yung hard to reach siya pa yung gusto mo. Samantalang nandyan naman si Ernie na patay na patay sa'yo.. ARAAAAY!!! Hahahaha!" patuloy siyang pinaghahampas ni Karylle ng dala niyang notebook. Habang nagkakasakitan sa loob ng sasakyan, ay nakita naman nila si Vice sa parehong lugar. May kausap sa telepono at mukhang problemado dahil kulang nalang ay itapon na nito ang cellphone niya. 

The Beki ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon