The Fourth Party or Si Forever?

15.2K 665 244
                                    

"Thanks for tonight, Francis. Wag ka mag-alala sasabihin ko lahat kay Mama lahat ng tugon ni Tito." said Karylle after niya makipag-beso sa kababata niya. "Thanks, K! I had fun. Next time ulit ah." nilapitan na rin ni Karylle sina Vhong para makapagpaalam. Nagdadalawang-isip pa siya kung lapitan ang dalawa dahil nakikita niyang busy ang mga ito. 


"They look so happy together. Sana kayo na lang!" sabi niya. "Mga best friend!" sakto namang lumingon ang dalawa at tumigil sa pagyakap sa isa't isa. 

Anne kept on biting her lower lip dahil pinipigilan parin niyang kiligin kay Vhong. Napansin siya ni K kaya kinurot siya nito. 

"Sayang naman umuwi na si Vice. Baka nakapag-usap pa sana kayo ng maayos tungkol sa nangyayari sa inyo ngayon." nakayukong sabi ni Vhong. 

"Don't worry. I'll be fine, Vhong. Kung talagang ayaw na niya akong kaibiganin, be it. Ayaw ko na rin namang ipilit ang sarili ko sa taong ayaw talaga sakin eh. Kung mas masaya siya sa ibang tao, ako na lang ang lalayo."

"Ana Karylle ang drama mo." sumbat ni Anne. "Hindi bagay sa'yo."

"Totoo naman. I want him to be happy, even if it's not with me." she sadly smiled and hugged them both before she entered her car. "Enjoy the rest of the night guys. Mauna na ako. Alam niyo namang may curfew si Cinderella."

"Ingat, K. We love you." ngumiti na lang din siya kay Anne bago niya sinara ang bintana niya at nagmaneho na pauwi. Patuloy pa rin niyang pinag-iisipan ang mga nangyayari sa kanila ni Vice. Alam niyang wala siyang karapatang magalit pero nararamdaman niya ang konting pagod sa puso niya. Susuko na ba siya? O patuloy paring ipaglalaban ang pangarap niyang makatuluyan ang beki professor niya?


....

Pagkarating sa bahay niya'y pinuntahan muna niya ang kanyang ina sa kwarto nito. "So how was the meeting?" 

"It was okay. Anne was there pa nga eh. She was with someone nga lang."

"Really? Sino? May boyfriend na siya?" 

Karylle laughed her mom's question off and just kissed her goodnight. "Siya na lang tanungin mo, ma. Good night!"


She went straight to her room dahil sa sobrang pagod. Habang nakahiga siya'y hawak parin niya ang cellphone niya at patuloy na pinagmamasdan ang text sa kanya kanina ni Vice. Gustuhin man niyang kiligin, pero mas nangibabaw ang inis niya dahil inisip na naman ni Vice na boyfriend niya ang kasama niya. 

"Why does he always think like that. May mali ba pag may kasama akong lalake? Is it bawal to make friends with boys?" she opened her gallery sa phone niya at inisa-isa ang pagtingin sa mga solo pictures Vice na ninakaw niya sa Facebook nito. "I am really confused right now. Ano na ba talaga ang gusto kong mangyari? I really like you. You know that. But why do you have to stay away from me? Pwede naman nating pag-usapan lahat ng 'to. Napaka-unfair lang..." tinabi na ni Karylle ang cellphone niya at huminga ng malalim.

"I guess i'll have to stay away from you too. And that means, I have to get over you." 

Pinikit na niya ang mga mata niya at natulog na.


----------------

The next day, ay pumasok rin naman siya sa klase niya. Habang busy si Vice sa pagdidiscuss sa harap ay abala din naman si Karylle sa pakikipagchikahan kay Marian sa likuran. Masaya kasing nagkwento si Marian tungkol sa napanood niyang teleserye. Kasama rin sa usapan nila ang kaklase nilang si Mike na may crush umano kay Karylle. 

The Beki ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon