Five in the morning of a Wednesday ay nasa Hu U na si Karylle. Dala dala ang isang bagay na sa tingin niya ay ang magsisimula ng pagiging malapit nilang dalawa ni Vice.
Ngunit malaki naman ang problema ni Karylle dahil hindi siya pinapasok ng guard."Manong pleaaaase. Papasukin mo na po ako. I really need to bring this sa table ni Prof or else malalagot ako!"
"Pasensya na po talaga ma'am pero ang aga pa po." sabay kamot sa batok ni Manong Wai. (chinese kasi siya)
"Pleaaaase po. Baka paalisin po ako ng school pag di ko to nadala dun."
"Hindi talaga pwede."
At dahil hindi pa rin siya pinayagan, ay napag-isipan niyang umalis nalang at hintayin hangga't maaari na siyang makapasok ng paaralan niya.
Pero dahil baliw si Ana Karylle, hindi siya nagpatalo. Pumunta siya sa isang madilim na lugar kung saan maraming puno, at nagsimulang sumigaw.
"AHH!!! TULOOOONG!!!!!"
Nang marinig ni Wai ang sigaw ay mas mabilis pa siya sa kabayong napatakbo papunta doon sa lugar.
Kaya naman..
Tumakbo naman muli si Karylle papunta sa gate at pumasok ng tuluyan.
#SisaIkawBaYan
Pagpasok niya sa paaralan ay muli na naman siyang tumakbo papunta sa Faculty Room. Maingat din siyang nagtatago, dahil alam niyang may iba pang security na nagchecheck sa mga oras na iyon.
Habang nasa hallway. Madilim at walang tao. Matakutin man siya, pero hindi na niya inisip pa ang mga makikita niyang multo na kinukwento sa kanya ni Anne nung nakaraang gabi na si Lilibeth. Isang dating professor na nagpakamatay sa campus dahil niloko ng kanyang boyfriend at kaklaseng si Basilio.
Lumipas ang ilang minuto, at nakarating din siya.
"Haay salamat!" sabi niya sa sarili niya. Pero, muli na naman siyang nagkaproblema. Naka-lock ito at hindi siya makapasok. "Dang it! Danggit! Sino ba may susi dito?!"
Ang hindi niya alam, si Vice at si Wai lang ang may mga susi para doon.
Fail.
..............
From: Anne
Bakit kasi ang aga mo dumating sa school? Ano ba ginawa mo?
Tumawa na lang si Karylle at tinago muli ang cellphone sa bulsa niya.
Hours later..
"Mars, gising.." bulong naman ni Marian sa katabi niyang si Karylle na ngayon ay nakatulog pala sa armchair niya. "Kanina ka pa tinitingnan ni prof vidanes diyan."
Minulat naman ni Karylle ang kanyang mga mata at nakita niyang nasa harapan na nga ang prof nila. Kaya naman mabilis din niyang inayos ang kanyang sarili. "Sorry kanina pa ba nagsimula class natin?"
"Di naman mars. Mga 40 minutes ago lang."
"What?!"
"Jooooke!" at hampas naman ang inabot ni Marian pati sabunot galing kay Karylle.
Buong klase ay hindi naman mapakali si Karylle. Naguguluhan. Kinakabahan. Ano kaya ang mararamdaman ni Vice?
Karylle's POV
I had to go through a lot before I finally placed it sa table niya. Ang aga kong napajogging! Thanks Prof at nakatulong ka naman sa health ko kahit papano. This is the first time that i'd ever did something like that for someone I like. I love actually.
Duh. First time naman talaga. I've never had a crush on anybody nga di ba.
But oh my goooosh.
I have no idea why i'm freaking out like this! Normal pa ba 'to? I need to see a doctor. Wait. No. I need to see Vice...
MY GOD KARYLLE ANG HAROT MO!
But who cares? I'm in love. That's what really matters.
"Miss Tatlonghari please focus on the lesson."
Napalingon naman ang lahat sakin nang tinawag na ni Prof Vidanes ang atensyon ko. I just gave him the peace sign and showed him my pabebe smile.
Sorry guys. If only you know kung sino ang pinapantasyahan ko dito.
I sighed. And wrote down everything na sinulat ni Prof sa board.
------------------------
Sabi sa inyo short update eh. Hehe. Alam niyo na ba kanino galing yung note? :) good luck sa ating mga team estudyante na may exams na this week! Aral mabuti para iwas #palo ni inay!
BINABASA MO ANG
The Beki Professor
FanfictionDumating na ba ang isang time na nagkagusto ka sa sarili mong professor? May pag-asa kayang magustuhan ka rin ng teacher mo hindi bilang estudyante, kundi bilang karelasyon niya?