The Hopia Playlist

13.7K 446 96
                                    

The bell rang at nagsitayuan na silang lahat sa klase.

"Good job today K! 30 out of 30. You look inspired!" natawa naman si Karylle dahil sa pang-aasar ng isa pa niyang bagong kaibigan na si Professor Eric.

"Inspired nga po ata."

"Who's the lucky guy?"

"Si P---.. Ah si ano.. Si ano po." Eric patted her back and shrugged the question off. Alam niyang di naman sasagot si Karylle dahil nagbblush ito.

"Magseselos si ano niyan. Haha. I'll go ahead!"

"Sino po?!"

Nagsimula namang magtaka si Karylle. Sino nga ba ang tinutukoy ng prof niya? "Si Prof Vice? Pero pano.. Anong.. Gusto niya din ako?!" nang makabuo ng sariling theory ay tuwang tuwa naman siya. Totoo man o hindi, alam niyang may alam si Professor Eric niya na may isang taong may gusto sa kanya.

At habang busy sa pag-aayos ng mga gamit niya ay tinapik naman siya ni Marian. "Mars gusto mo sumama ulit sakin?" napaisip naman si Karylle at naalala niyang Wednesday ngayon kaya hindi siya masasamahan ni Anne.

"Ah, de sige.. Okay lang ak--.."

"Hi K."

Nang lumingon si Karylle ay bumungad naman sa kanya si Dingdong na may hawak na mga bulaklak. Malaki ang ngiti nito sa kanyang mga labi. At halatang nagpapacute. Natulala siya. At hindi alam ang kanyang magiging reaksyon.

"Omg. Bakit niya ako binigyan ng flowers! Prof Eric don't tell me si Dong ang magseselos. Ayoko maging kabet!" natahimik naman ang utak niya nang biglang...

"For you hon. Happy monthsary."

"Ayun lang." she snorted.

Hinalikan na ni Dingdong si Marian nang makita niya itong maluha-luha sa sobrang saya dahil di niya inasahan ang surprise ng boyfriend. "Dooong!!! Naman eh!!! Hilig mo manggulat! Happy monthsary!!!" mabilis din naman niyang niyakap ang kasintahan sa harap mismo ni Karylle. Sa isip niya naman ay paano kaya kung siya ang nasa pwesto ni Marian, at si Vice naman kay Dong? Magiging ganito din kaya sila kasaya sa tuwing magkasama sila?

"Someday.. Maghintay ka lang, Karylle." sabi niya sa sarili niya. Nang mapansing sumusobra na ang PDA ng dalawa ay nagpasya siyang umalis na at itext na lang ang kaibigan niyang si Vhong.

To: Sir Vhong

I don't know where to go! Class is done. Where are you?

In less than a minute ay nagreply din ito.

From: Sir Vhong

Class pa me. Kta k8s sa faculty in 15 mins.

Karylle decided to eat muna habang hinihintay na matapos ang klase ng kaibigan niyang si Vhong. She was by herself dahil ayaw naman niyang tumabi sa DongYan na ngayon ay kumakain na rin ng dalang flowers este cake ni Dong. "Ate pabili ng pansit." sabi nito sa tindera sabay abot ng 50 pesos niya. Kahit maraming pera si K, ay hindi naman ito mahilig bumili ng mga mamahaling bagay dahil kilala itong kuripot ng mga kaibigan at pamilya niya. Sa 20 pesos na pansit ay okay na siya ang importante ay kumain siya. "Salamat po."

Nang makahanap ng mauupuan ay kinuha na niya ang kanyang notebook at ginawa na rin ang kanyang natitirang mga assignment na siyang ipapasa niya mamaya. Marami mang gumugulo sa isip niya, ay di pa rin niya nakakalimutan ang pag-aaral niya dahil sa ayaw niyang madisappoint ang nanay niya.

Lumipas ang ilang minuto, ay tapos na siyang kumain at gumawa ng takdang aralin. Tumayo na siya at agad ding dumiretso sa faculty room kung saan naroon na daw si Vhong. Pagpasok ni Karylle ng kwarto ay nakita naman niya si Vice na tahimik na namang nakaupo sa pwesto nito habang si Vhong naman ay hindi mawala ang ngiti. Nagtaka naman si Karylle kaya tinanong niya ito. "Ano pong meron bakit ganyan ang mukha mo?"

The Beki ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon