Pipiliin ka sa araw-araw

1.5K 58 13
                                    

Vice

It's been years since I finally married the woman of my dreams. It's been years, and here we are, masaya parin bilang isang pamilya. We now have three wonderful kids Kevin, Sam and Primo. I've been living the happiest life simula nung dumating sila sa buhay ko. Lalo na't kasama ko ang pinakamamahal kong asawa sa pagpapalaki sa kanila. 

Honestly, our relationship isn't perfect. Kahit ngayon na malaki na mga anak namin, minsan may mga di pagkakaunawaan parin kami. But hindi parin nawawala yung respeto at pagmamahalan namin. 


"Love, busy ka ba?" narinig ko naman bigla ang boses ng asawa ko sa likuran ko. "..can you help out Kev sa research project niya?"

Love. Bakit kinikilig parin ako kapag naririnig ko yung term of endearment niya na 'to? Para bang bumalik ako sa araw na unang beses ko siyang nakita sa university. 

"Sige. I'll finish writing this summary report lang then pupuntahan ko na siya." palusot ko naman sa kanya. Ang di niya alam, sinusulat ko lang 'tong kadramahan ko dito sa laptop ko.


I remember how I used to be the "pinaka-terror na Professor" sa school. Halos lahat ng Students ko noon mataas ang respeto sa gaya ko because they were all aware na sobrang seryoso ko sa trabaho ko. Plus, I was going through something tough before which really changed my life. Until one day while I was just walking sa campus, nakasalubong ko ang isang babae na magbabago pala ng buhay ko. Hindi ko na kailangan pa ikwento ang bawat detalye, aware naman kayo na siya yung nanligaw. *winks*


But then again, I was secretly courting her too. 


Naalala niyo pa nung ginamit ko pa yung kaklase niyang si Mike para ibigay yung flowers at necklace na binili ko? Yung gabi na ininvite niya magdinner si Karylle tapos iniwan lang bigla, and she had no idea na utos ko talaga na iwan siya para ako ang kasama niya that night? I know, siguro nung una kabado akong ligawan siya. Paano ko ba naman maiiwasang mabihag sa isang kagaya niya? 

There was also one time na napansin kong lagi na niyang kasama si Vhong, kaya gumawa ako ng paraan na magparamdam rin sa kanya kahit konti. 


*flashback*

Isang ordinaryong araw lamang sa paaralan ng HU U at kasama naman ngayon ni Karylle si Anne. Kakatapos lang nilang magbreakfast sa favorite coffee shop nila malapit sa university, kaya naman energized ang dalawa. Puno ng chikahan na akala mo'y hindi magkasama kahapon. 

"At kanino naman galing 'to?" tanong ni Karylle sa kaibigang si Marian. Kakapasok niya lang kasi ng classroom nila at sumalubong naman sa kanya ang isang dosenang sunflowers na nakapatong sa armchair niya. 

"Hindi ko rin sure, mars. Pagdating ko rin kanina nandiyan na yan. May manliligaw ka na naman ba? Nakakainggit naman sana bigyan rin ako ni Dong ng ganyang surprise!" 

Napakamot nalang ng ulo si Karylle. Napansin niyang may letter na nakaipit kaya kinuha niya ito at binasa. 


To the girl who brings sunshine sa buhay ko. 

I hope you love sunflowers.


Love,

V


"V? Sino si V? Michael V? Alangan naman si Professor Vice. ASA PA MORE KAREL!" sabi nito habang tinatabi ang mga bulaklak. Sakto ring pumasok na sa silid-aralan si Vice na agad namang tinuon ang tingin kay Karylle. 

The Beki ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon