"Tutoy, alam mo tulungan mo nalang ako para sa lulutuin ko para sa media noche. Bumangon ka na!" eto ang mga salitang nagpagising sa bagong gising na si Vice. Balot parin sa kumot pero pilit namang pinapabangon ng Ate Babot niya. Hinawi nito ang kurtina sa kwarto ng binata kaya naman lalo itong nailawan.
"Ugh! Mamaya na!" he groaned dahil tinatamad pa talaga siyang tumayo.
Hanggang sa hinila na ng kapatid niya ang kumot niya kaya muntik na siyang malaglag sa sahig. "Eto na!!!" inis na inis niyang tinanggal balot sa katawan at kinuha na sa katabing mesa ang suot niyang t-shirt kagabi.
"Ano ba kasing ginawa mo at napuyat ka kagabi? At ayan pa nakashorts ka lang. Dumating ba ang boyfriend mo at pinagod ka?" pang-aasar ni Babot.
"Wag ka ngang issue." he replied habang inaayos ang buhok niya. "Pag walang shirt may nangyari agad? Hindi ba pwedeng naiinitan lang?"
"Paanong di ka maiinitan e balot na balot ka dito sa kumot mo! Hay nako! Bilisan mo na nga."
Tumayo naman si Vice at palabas na sana ng kwarto ang ate niya nang bigla siyang may naalala...
"Ate.." lumingon naman ang kapatid.
"Oh? Aamin ka na na may nangyari kagabi?"
"Sira. Hindi. Sasabihin ko lang na sarapan natin yung pagluto ah may espesyal na bisita ako mamayang gabi eh."
"Boyfriend mo?"
"AH BASTA! Tara na magluto na tayo."
-----------
Sa ngayon ay kasama naman ni Karylle ang kanyang mga kapatid sa grocery kung saan bumibili sila ng mga sangkap na pinabili ng kanilang ina para sa kanila ding lulutuin mamayang gabi.
"Ate what else do we need?" hindi naman kaagad nakasagot ang ate niya. Napansin naman ni Zia na natatawa mag-isa si Karylle habang hawak ang kanyang cellphone. Alam na niya kung sino ang katext nito kaya naman hindi na siya nagtanong pa. "'tong si Ate busy sa lovelife. Iwan na nga natin yan." sabi niya sa isa pa niyang kapatid na si Coco.
Kaya pala natatawa si Karylle ay dahil sa mga pinapadalang mga jokes ni Vhong sa kanya. Simula kasi kaninang umaga pa ay hindi na nakapagreply si Vice.
From: Tarsier ❤
Good morning, love :) It'll be another busy day for me dahil ipagluluto ko na naman yung prinsesa ko. I'll make sure you eat the best food when you come over tonight for dinner. I miss you. I'll pick you up by 8. I love you.
"Ate, magbayad ka na nga." bumalik nalang siya sa sarili niya nang tinulak na siya ni Zia papunta sa cashier na katabi niya.
"Sorry sorry. Si Vhong kasi parang baliw."
"Si Vhong ba talaga?"
"Yes. Wag ka nga. Tulungan mo na nga ako dito."
Right after they paid ay dumaan naman si Karylle sa isang pastry shop para bumili ng cake na dadalhin niya mamaya sa bahay ng mga Viceral. She was busy looking at the cakes when her phone rang.
Tarsier ❤ calling....
Vice: Love? Hi. Sorry talaga.
K: It's okay love. I understand. Marami na ba kayo naluto nina Ate Babot diyan?
BINABASA MO ANG
The Beki Professor
FanfictionDumating na ba ang isang time na nagkagusto ka sa sarili mong professor? May pag-asa kayang magustuhan ka rin ng teacher mo hindi bilang estudyante, kundi bilang karelasyon niya?