214

8.8K 428 168
                                    

"Ladies and Gentlemen, Miss Solenn Heussaff!"   

 "Magandang gabi sa inyong lahat! Thank you for----. Vice?" 


Bigla namang napatakbo palabas ng venue si Vice na siyang hinabol din ng kanyang ex na si Solenn. Si Karylle naman ay nakatingin lang at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita ngayon. She thought everything was going back to normal, hanggang sa nangyari ang kanyang kinatatakutan. Ang pagbabalik ni Solenn. Nakita naman nina Kiefer si Karylle na nanghihina at namumutla. Kaya naman mabilis din nila itong nilapitan at tinulungan.

"Karylle.. Karylle okay ka lang?" asked Mike na todo effort naman sa pag paypay sa girlfriend ng kaibigan niya. Nagkagulo naman sa lugar dahil sa pangyayaring iyon. Pero umakyat naman ulit si Jason sa stage at doo'y nag announce na tuloy pa rin ang kanilang exhibit.

Tumango nalang si Karylle at humingi na rin ng tubig sa kanila.



--------

Nakapasok na siya ng sasakyan niya nang bigla namang may kumatok sa kanyang bintana. Ito na pala ang taong hindi na sana niya gustuhin pang makita simula nung dumating si Karylle sa buhay niya. 

"Vice wait!! Please mag-usap tayo." he just blankly stared at her at nakikita niyang naiiyak na rin ito. 

Sa sobrang sakit ay di na niya magawang maiyak at makapagsalita pa. Binuksan niya ang bintana niya at doon narinig niya ang patuloy na paghihikbi ng ex niya.

"Please... let me explain everything." pagmakaawa nito. 

"Para saan pa, Sos? You just left me without even saying goodbye. For so long i've been questioning myself, ano ba ang ginawa ko? Ano ba talaga yung pagkukulang ko at iniwan mo ako?" 

"Vice... please listen to me. Everything happened so quickly and I really had to do it. Please patawarin mo ako.."

"No! Tama na! And wag ka ng magpakita sakin please! Pagod na akong pinaglalaruan ang nararamdaman ko!" 

Pinaandar na niya ang sasakyan niya't mabilis na nilisan ang lugar. Leaving Solenn crying out loud without anyone else around to comfort her. 


Habang naka stop ang traffic light ay wala pa rin sa sarili niya si Vice. Biglang bumalik sa kanya ang lahat ng mga masasayang alaala nila ni Solenn noon. Nang bigla na lang niyang naalala ang kanyang girlfriend, si Karylle.

"Shit!" halos banggaan na niya ang mga sasakyang dumadaan para makapag u-turn lang at mabalikan ang nobya. Kinuha na rin niya ang cellphone niya para matawagan ito. "Answer your phone, Karylle.." nakailang dial na siya pero hindi pa rin ito sumasagot. Halos lumipad na ang sasakyan niya sa bilis ng kanyang pag maneho, maliban nalang nang may nagkabanggaan pala sa kabilang kanto kaya lalo naman siyang nagalit. Naisipan niyang ipark sa tabi ang sasakyan at maghanap nalang ng taxi dahil hindi din siya makakadaan.

 Pagbaba ng sasakyan ay pumara na agad siya ng taxi. Pero sadyang minamalas siya dahil lahat ay may nakasakay na. Lumipas ang dalawang minuto ay nakahanap rin siya. Mabilis siyang sumakay at nagpahatid sa Marriott Hotel kung saan ginanap ang exhibit ng kaibigan niya. "Kuya utang na loob bilisan lang po natin kailangan kong habulin ang girlfriend ko."


To: My Everything ❤ 

Wait for me love. I'm so sorry iniwan kita. Please hintayin mo ako.


He never stopped calling her hanggang sa cannot be reached na ito. Alam niyang galit na ang girlfriend dahil sa binabaan na siya ng tawag at pinatay na ang cellphone nito. 

The Beki ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon