Daloy

9 2 0
                                    

Habang nakaupo sa tabing-ilog, pinapanuod ang mga nagtatampisaw

Pinagmamasdan ang daloy, habang tahimik na kinikimkim ang pagsigaw

Sa 'di kalayuan, may bundok na pumapalibot, na kay gandang matatanaw

Ang lungkot 'no? Na sa kagandahan ng lahat, matatagpuan rin ang katapusan

Na sa lahat ng kalabisan, nandyan pa rin ang di pangkaraniwang kakapusan

Nakakapagod, nakakatakot, na humawak sayong mga kamay na nakakatusok

Payakap, matatapos din ang lahat, pati tayo natangay ng sinabing daloy

Kay ganda, kay gara, kay saya, pero katapusan pa rin ang tanging ihahatol

ISANG DAANG TULA; Na Hindi Mo NabasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon