Sa bilis ng pagsusulat ay ngayon na nakarating
Sa dulo ng bangin, kumakapit sa patalim
Baliktad na hinawakan ang saksak upang hindi ka masugat
Kahit ang dugo'y sa sariling braso ko na dumaranak
Sa isang kislap, desisyon mo kung ipagpapatuloy ang pagbabasa
Dahil sayo rin nakasalalay lahat ng sinusulat na akda
Kikislap nang muli, at ang susunod na piyesa'y lubusang pakinggan
Ngayon, maligayang pagdating sa dulo ng sinimulang hangganan
![](https://img.wattpad.com/cover/375381045-288-k216198.jpg)
BINABASA MO ANG
ISANG DAANG TULA; Na Hindi Mo Nabasa
PoésieKoleksyon ng isang daang tulang nasulat nung umalis ka. PS. Not every poetry is about love and heart breaks.