Apat na gulong

4 1 0
                                    

Pinagmamasdan ang sakahan habang nakasakay sa 'king oto

Pinapanood ang tadhanang nagmimistulang walang modo

Hindi patas kung itrato lahat ng tao sa mundong ibabaw

Iba-ibang hatol ang pinataw, sa kahirapan umaapaw

O, kahit anong sikap, laging kapos

Nagpupursigi't lahat pinapatos

Mga palad na nagkakapaltos

Kakakayod bagkus

Kailangan upang makaraos sa hapinan

Kinakalam ng tiyan ang masarap na ulam

O, bakit kaya, mas nalulubog ang mahihirap sa kahirapan

Habang ang mga mayayaman, ay mas lao lamang yumayaman

ISANG DAANG TULA; Na Hindi Mo NabasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon