Antok

3 1 0
                                    

Hirap kung dalawin ng antok, kaya gabi kung magsulat

Nakangiting nagluluto ng canton, sakto't ngayo'y maulan

Kasabay ang mahinhin na musikang ating madalas pakinggan

At marahang aalalahanin lahat ng alaalang nais matignan

Nalulula na ako, nauumay rin kung minsan

Sa paulit-ulit na pangyayari't kaganapan

Habang inaantay na ang antok ay dumapo

Paguugaling ito'y ninanais rin na maglaho

ISANG DAANG TULA; Na Hindi Mo NabasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon